Chapter 17:Tell the Relationship

128 7 0
                                    

Napamulat yung mata ko na may maramdaman akong may humahagod sa Buhok ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Jungkook.

Umayos ako ng upo at tinignan ko si Jungkook

"Sinisundo ka" Jungkook

"Eh diba next month ka pa pwedeng bumalik dito sa Busan?"Pagtatakang tanong ko sa kanya

Sa pagkakaalam ko,Next month pa sya pwedeng makabalik sa Busan.

"Pinayagan ako ng CEO.Nandito rin ako para samahan mo ko na ipaalam yung tungkol satin" sabi ni Jungkook sabay hawak sa kamay ko.

Hindi na ako pinasalita pa ni Jungkook at hinatak niya na ako bigla papuntang banyo.

Hindi na ako nakaangal dahil baka magalit pa tong si Jungkook.

"Tara na" yaya ko sabay sakbit ng bag.Kinuha naman sakin ni Jungkook yung bag ko at tsaka sinakbit niya sa balikat niya.

Para tuloy siyang babae sa lagay na yan.

"Kinakabahan ako"panimula ko pagkapasok namin sa loob ng kotse.

Lumingon si jungkook sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Magiging maayos din ang lahat Jhazelle.Just trust me"

"Oo nga.Kaso kinakabahan talaga ako parang gusto ko ng umurong" kinakabahang sabi ko

"Ako ng bahala" Jungkook

Napatango nalang ako sa sinabi niya dahil rin sa kaba.Kinakabahan ako baka paglayuin kami sa isa't-isa kasi baka makasira sa Career ito ni Jungkook

"Jungkook.Kung sakaling mang hindi payagan ang relasyon natin m-maghiwalay nalang tayo"diretsong sagot ko.

Oo.Tama para hindi na lumala pa.Masakit man sakin pero yun ang nararapat.Yun ang tama.

"Bakit tayo maghihiwalay? Hindi ako papayag.Hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo" naiinis na sabi ni Jungkook.

"Kapag nangyari yun Jungkook hindi masisira yung Career mo.Kapag nangyari yun magiging maa--" naputol yung sasabihin ko ng bigla niyang itinigil yung pagmamaneho

Muntik na akong masubson doon sa pagtigil niya ng sasakyan

"Kung sakaling paalisin man ako sa Career.Sasama ako sayo kung saan ka man mapunta.Itutuloy natin ang relasyon natin"

"Hindi pwede.May pamilya ka pang ginagabayan.At ayokong masira yun dahil lang sakin"

"Kaya kong maghanap ng iba trabaho" pagmamatigas ni Jungkook

"Anniyo (No) Kung sakaling hindi pumayag ang CEO ako na ang mag-aayos nun.Mas mabuti pang maghiwalay para wala ng problema" ngiti ko sa kanya.

Nakita ko sa mukha niya yung pagkalungkot at para bang may gusto syang sabihin kaso hindi niya maituloy

Tumingin ako sa bintana dahil konti nalang babagsak na ang luha ko.

Ayoko mang hiwalayan ka kapag di pumayag ang CEO satin.Kailangan para sa kapakanan.

Ayokong makasira ako ng Career at isa pa may tinutulungan syang pamilya

Baka ako pa ang maging dahilan para magkasira sila.Ayokong mangyari yun.Ayokong maging hadlang sa kanila.

Isa pa masisira ang Pangalan ni Jungkook.

"Sige na.Iandar mo na yan at sabihin na natin sa CEO yung satin" utos ko sa kanya

Hindi ko na sya muli pang tinignan dahil naaawa ako sa mga mata niya

"I love you" rinig kong sabi niya

Miss Right [Jungkook FF|EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon