Jhazelle's POV
"Bestfriend tayo forever diba?" Sabi ko kay Chim na kasalukuyang naglalaro ng buhangin sa tubig.
"Oo naman,Bestfriend tayo forever" tsaka ngumiti si Chim saken kaya ngumiti din ako.
"I love you bestfriend" tsaka ako niyakap ni Chim ng sobrang higpit.
"I love you too bestfriend" niyakap ko din sya pabalik.
"Jhazelle" nakarinig ako ng tumatawag sakin at nakaramdam ako ng may umaalog sakin.
Iminulat ko yung mga mata ko at doon ko nakita si Papa.
"Anong oras na Papa?"tanong ko sa kanya dahil parang nanghihina yung mga katawan ko.Hindi ako makatayo.
"7:00 na anak"Napatayo ako bigla pero bigla akong napahawak sa ulo dahil biglang sumakit.
"Ang sakit" sabi ko habang nakahawak parin sa ulo ko.
"Anong nangyari Jhazelle? Ayos ka lang ba anak?" Tinulungan ako ni Papa na makahiga ulit sa kama dahil sobrang sakit ng ulo ko.
"A-ang sakit sobra nung ulo ko P-pa" sabi ko sa kanya habang iniinda ko yung sakit.
Hinipo ako ni Papa sa noo.
"Nako anak,Nilalagnat ka.Dadalhin kita sa hospital" itinayo ako ni Papa at tinulungang makapunta sa kotse.
Sumukay na si Papa sa loob at pinaandar na ang kotse habang ako naman ay nakatingin lang sa bintana at tinitiis yung sakit ng ulo at lamig.
"Ano ba kasing ginawa mo kagabi anak?"
"Hindi ko nga alam Pa eh" sabi ko sa kanya
Eto namang si Papa masyadong worried.Gagaling din naman ako eh.Lagnat lang naman 'to.
"Naku jhazelle"
"Gagaling din naman ako Pa.Tiwala lang,lagnat lang naman 'to pa eh" sabi ko sa kanya.
Napahinga naman ng malalim si Papa.
"Basta sa susunod wag mo ng pababayaan ang sarili mo"
"O-opo Pa"
"Sige.Matulog ka na muna,gigisingin nalang kita.Medyo malayo pa"
"Hindi na Pa.Titingin nalang ako sa bintana"
"Sigurado ka?"
"Oo pa"
"Sige" hindi ko sinagot pa si Papa at tumingin nalang ako sa labas ng bintana.Pinagmamasdan ang taong naglalakad.
Tahimik lang kami sa biyahe at walang imikan.
Tsaka lang umingay ng magsalita ulit si Papa.
"Andito na tayo anak"
Idinala ako ni Papa sa loob at inalalayan ako ng nurse na ipunta ako sa kwarto.
May doctor na lumapit sakin tsaka ako tinurukan.
Inaantok ako.
Ipinikit ko ang mata ko.
Then everything went black.
----
Jungkook's POV
nasan na ba si Jhazelle?Kanina pa ako nag-aalala.Hindi ako mapakali.
"Oh jungkook? Bakit ang tahimik mo ata? May problema ba?" Biglang tanong ni V sakin at umupo sa tabi ko
"Wala 'to V"
"Wala nga ba? O baka meron?"
Hindi ko sya sinagot.
"Si Jhazelle ba yan?"
BINABASA MO ANG
Miss Right [Jungkook FF|EDITING
Fiksi Penggemar"Naging masaklap man ang pagmamahalan namin noon.Bawing-Bawi naman na ibinigay samen ni Lord ngayon.Tila parang binigyan talaga kami ng tamang panahon para maipakita sa harap ng altar na kami na talaga.Marami pang pagsubok ba dumating.Ang lahat ng i...