Tiffany's POV
Wala namang magawa dito sa bahay ang boring naman oh! Makapag mall na lang kaya matawag nga ang mga bruha. Isa isa ko silang kinontak lima kaya kaming magkakaibigan
"(Oh bakit Tif? Problema?)"si Veronica ang sumagot.
"(Oo nga nambulabog pa ah. Kakagising lang namin eh)"Ngayon naman si Vanessa na ang sumagot
"Mag mo-mall ako sama kayo?"
"(WAIT WHAT?! MALL?! AS IN MAG SHA- SHOPPING KA?! OY NAMAN TIF! SAMA MO KAMI!)"Nilayo ko kunti ang cellphone ko sa tenga ang nagunguna ay ang boses ni Veronica talaga 'tong babaeng 'to.
"Edi kumilos na kayo! Ayoko nang pinaghihintay ako!"Sabi ko at pinatay ang tawag bahala nga sila basta ako ayoko ng pinaghihintay ako.
Naligo muna ako tas nagbihis ng dress tas nag lagay na rin nang kaunting make-up gora na nag heels na rin ako.Saktong may nag doorbell sa baba bumaba na ako at binuksan saktong andun na sila si Veronica at Vanessa ay magkapatid si Stephany naman ay twin sis ko may si Rachelle naman ay ang madaldal saaming anim at si Danica naman ay ang pinakatahimik at bihira lang magsalita yan at sya din ang pinaka bata saamin.
At ako? Syempre sino pa ba? Si Tiffany Hailey Sue wala akong sinasanto kahit na sino maliban sa parents ko takot ko na lang nuh. May kakambal naman ako at si Steph yun I HATE GUYS! manloloko lang naman sila eh.
"Oh ano? Tara?"Sabi naman ni Danica lumabas na kami alam na yan ni manang pag nakabihis ako magmo-mall ako o minsan pupunta sa salon minsan sa park pag gusto kong mag isa.
***
"Twin sis,tara doon tayo sa milktea ,bili tayo, kayo gusto nyo? My treat"Libre nya? Buti naman di ako masyadong mapapagastos nito.
"Geh ba! Basta libre mo!"Sabi nila si Danica tumango lang ewan ko nga kung paano namin naging kaibigan yan.Yun nga pumunta kami doon sa may milk tea kanya kanya sila ng flavor at si Steph na ang magbabayad syempre saakin milk flavor lang pina take out na namin yun tapos lumabas na kami nang shop.
"Tara doon tayo sa mga dress mukhang bagong labas lang eh bilhin na natin yun"Sabi naman ni Rachelle pumunta na kami nang shop sukat dito payad doon sukat doon bayad dito ganyan naman eh lumabas na kami nang shop limang paper bag ang bit bit namin yun nasa kanang kamay ko ay yung milk tea ko.
Biglang nag vibrate ang phone ko sa bag kinuha ko naman yun at tinignan kung sino ang nag text.
From: Kuya rence
Asan kayo ni Steph? Di kayo nagpaalam.
"Sino yan?"Tanong ni Steph.
"Si kuya Rence nag text sabi bakit di raw tayo nagpaalam"
"Eh bakit sya? Di din naman nagpapaalam ah monggi talaga yun"Natawa na lang ako.
To:kuya rence
Mall. Kasama sila Rachelle magpapalamig muna boring sa bahay eh.
Reply ko tinapik tapik na naman ng lima ang braso ko binigyan ko naman sila nang "ano ba" look. May nabangga naman ako buti na lang mahigpit ang pagkakahawak ko sa paper bags.
"HEY! ARE YOU BLIND?! DI KA BA MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN MO?! TINGNAN MO NGA ANG GINAWA MO!"Oh ghad! Yung ice cream nya ay natapon sa damit nyang puti at ang mukha nya naman ay di mabasa galit ata.
"Opps I'm sorry eh kung umiwas ka na lang kasi? Ang lawak ng daan oh"Sabi ko at tumingin pa sa paligid.
"Baka ikaw! Ikaw nga 'tong di nakatingin eh"Sungit naman ni koya! May buwan yata ng dalaw eh tinignan ko naman sila Veronica mga nakangiti pa sinamaan ko naman sila ng tingin kaya nawala ang mga ngiti nila.
"Ewan ko sayo"Sabi ko at nilagpasan ko na ang masungit/cold na yun psh. mukhang bakla!
Stephany's POV
Ang ganda naman nang palabas kanina! Grabe ang hot nung guy kaya lang ang cold mag salita kahit kelan talaga yang si Twin sis,napaka war freak at palaban.
"Tif,ang gwapo nang guy ano kaya name nun? Dapat kasi di mo na lang pinatulan"-Veronica
"Oo nga,tingnan mo mukhang galit ata o ewan yung guy di mabasa ang aura eh"-Vanessa
"Teh,kung ako sayo magso-sorry na lang ako nang maayos di yung.."-Rachelle
"Alam nyo girls,okay naman yung guylalo kaso si Tif, pinatulan pa ang guy ang gwapo nga eh kung ako nun magso-sorry na lang ako nang maayos di yung papatulan pa"-Tama naman si Danica per inpyerness bagay sila nung guy ano kaya name?
"Twin sis,bagay kayo nung guylalo"-ako
"SHUT UP! Ang sungit sungit naman nung guy na yun akala mo meron daig pa babae eh! Dapat nga sya yung nag sorry higit sa lahat ayoko nang ganong klaseng lalaki ungentleman di man lang nag sorry nang maayos sinabihan pa talaga ako nang blind! Aish! THAT STUPID GUY! MUKHA NAMANG BADING!!"Pasalaminan ko na kaya si Twin sis? Sinong bading? Gwapo kaya nung guy.
"Pfffttt hahahaha,"Natawa na lang kami sa sinabi ni twin sis.
By the way I'm Stephany Joyce Sue,Tiffany's Twin sis ^_^ may ari kami nang Isang airline company pero si kuya at daddy ang nag mamanage nun tska meron din kaming isang sikat na hotel na may pool sa buong mundo at si mommy tska sila grandma at grandpa naman ang namamahala nun.
Grabe lang ah yung kanina talaga ayiee ang gwapo nang guy mukhang bagay sila ni twin sis ^_^ kahit kelan wala pang nag tangkang manligaw kay twin sis kasi ang sungit daw ni twin sis eh parang laging meron yun tas walang sinasanto yun.
Alam nyo kung bakit naging ganon yun? Basta long story malalaman nyo rin balang araw o sa tamang panahon :D