❤MCMMP 24❤

155 2 0
                                    

Veronica's POV

Nakakainis! Ilang araw ng nawawala yung diary ko di ko mahanap! hinaluglog ko na ang buong bahay pero wala pa din pati kwarto nila Danica,Vanessa,Rachelle,Steph at Tiffany wala din doon. Alam ko na kung na kanino kay Zow! Paniguradong nasakanya yun! Bigla namang nag vibrate ang cellphone ko na nasa gilid lang ng kama ko.

——————————————————————
💗 Zow 💗

Magkita tayo sa harap ng campus, now na!
——————————————————————

Dali dali naman akong nag bihis ng pang alis 7:20 pm na nga eh. Tapos bumaba na ako simpleng jeans at pink t-shirt lang ang suot ko na may jacket tska doll shoes.



"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Rachelle




"Basta, text ko na lang kayo, geh bye" Sabi ko saka lumabas na ng bahay nagpahatid naman ako sa school at saktong andun na nga si Zow na naghihintay



"Zow!" Tawag ko naman sakanya kaya napalingon naman sya saakin kaya lumapit naman ako sakanya, "Bakit mo ba ako pinapunta dito?" Tanong ko




"I have to tell you something" Seryoso nyang sabi so magkaharap kami ngayon. Nakatingin lang ako ng seryoso sa mga mata nya pero parang kinakabahan sya eh

"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko sakanya

"Buksan mo yang diary mo sa last page.." Utos nya kaya binuklat ko naman sa last page

—————————————————————————————

September 10,2016

Veronica,

      Kilala mo naman ako diba bilang playboy na manyak noon? Di ko alam kung paano ko ba sisimulan.. kasi. . . . ano . . . Di ko alam kung paano ko ba'to sisimulan sabihin sayo. Veronica Laine Wong, Alam kong di ka maniniwala sa sasabihin ko, pero pakshet tinamaan ata ako sayo eh, Oo may gusto ako sayo simula nung makita pa lang kita. Kaya tinigil ko na ang pagiging playboy ko dahil sayo nalaman ko kasi sa kapatid mo na si Vanessa na ayaw mo sa playboy ng dahil doon nag bago ako.

     Alam kong di ka maniniwala kasi Ako lang naman si Zow Blake Rielly na playboy na kilala mo. Tuwing naalala ko yung dare noon na hinalikan kita sa labi napapailing na lang ako kasi di ko maalis sa isipan ko yung pangyayaring iyon. I didn't know that was your first kiss kaya ganun ka pala mag react nun? Swerte ko pala kasi ako yung first mo.

         Paano kita nagustuhan? Because you're so very interesting kasi ikaw palang ang unang tinanggihan ako sa offer ko nun, naalala mo pa ba yun nung first day of school? hinihingi ko yung number mo pero ang sungit mo nun pero in the end ibibigay mo din naman pala. Pag palagi kitang kausap pakiramdam ko ang gaan ng loob ko sayo. At nung prom naman ang saya ko nung ikaw ang naging kapartner ko grabe ang ganda mo pala pag naka make up kahit wala naman eh maganda ka pa rin ^_^

     Bakit na saakin ang diary mo? Naalala mo pa ba nung nakaraan nasa park ka ng school sa may elementary department? Diba inagaw ko yung diary mo tapos nag habulan tayo at ikaw naman pilit mo namang inaagaw saakin. Sinusubukan lang kitang asarin nun kasi masyado kang tahimik at seryoso eh. Nang ma out-of-balance ka naman saakin ang bilis ng tibok ng puso ko nun, tinawag pa nga kita eh ang sabi ko, "VERONICA! YUNG DIARY MO!" Pero wala eh, dire-diretso ka lang sinubukan kitang habulin pero nakauwi ka na eh. Kaya inuwi ko na lang din kasi curious ako sa mga naka sulat eh kaya binasa ko na lang.

Mr.Cold meets Ms.PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon