August 01,2016
Narrator's POV
Busy ang mga make up artist sa pag aayos sa anim na magkakaibigan pero excited na excited na talaga sila para sa kanilang prom na gaganapin ngayong alas sais ng gabi.
"Ang ganda ko talaga sa sobrang ka dyosahan ko di ko na nakilala ang sarili ko" Sabi ni Steph habang tinitingnan ang sarili nya sa salamin ang buhok na ang nya ang inaayos pero ang make up okay na.
"Hoy! Walang dyosa saatin lahat tayo dyosa twin sis tandaan mo yan!" Sabi naman ni Tiffany
"Hahaha Edi shing!" Nasabi na lang ni Steph
"Diba bukas na ang alis nyo?" Tanong naman ni Rachelle na kakatapos lang maayusan alam na ng barkada na aalis sila Tiffany at Steph dahil sa kasal ng kuya nila.
"Oo midnight" Sagot naman ni Tiffany
"Ilang araw kayo doon sa Korea?" Tanong ni Vanessa
"10 days ata" Sagot naman ni Steph