❤MCMMP 46❤

100 4 0
                                    

Tiffany's POV

Di ko inexpect na may gusto din saakin si Russell at ang gaan pala sa pakiramdam na gusto ka din ng taong mahal mo. Grabe hirap na hirap akong aminin yun sakanya pero at least sulit ang pagsasabi ko sakanya ng feelings.










"Kayo na may love life" Sabi naman ni twin sis habang nakaupo kami dito sa sala sa bahay namin nila Rachelle,Vanessa,Veronica, Steph, at Danica









"Eh bakit si Steven? Bakit ayaw mong sabihin sakanya na may feelings ka pa rin sakanya? Diba aalis na kayo sa april?" Sabi naman ni Rachelle








"Oo nga eh, pero para saan pa? Eh ikakasal din naman na sya sa fiancé nya? Aasa na naman ba ako sa wala? Nah, ayoko na. I'll back off so he can live without me at masaya na ako para sa kanilang dalawa ni Anika." Then she smiled bitterly. Kilala ko na yan si twin sis alam kong sa kaloob-looban nya ay nasasaktan na sya pero di nya lang pinapahalata sa iba at pinipilit nya lang maging okay kahit na hindi kasi ayaw nyang may nag aalala sakanya.





Nasasaktan sya kasi si Steven ang first love nya nasasaktan si Twin sis kasi si Steven ang first crush nya nasasaktan si Twin sis kasi kay Steven lang unang tumibok ang nya nasasaktan si twin sis kasi ni reject sya ni Steven nung nag confess sya at hindi yun matanggap ni twin sis. Kaya nahihirapan syang kalimutan si Steven kasi mas lalo lang minamahal ni twin sis si Steven. Imbes na kalimutan nya hindi nya magawa kasi mahal nya na si Steven. At nahihirapan sya jan kasi may fiancè na si Steven. At nalaman ko na rin kung bakit gusto kaming ipadala ni Daddy sa Korea kasi para makalimut na rin si Twin sis.







Nagwo-worried na kami kay twin sis eh. Baka kasi anong gawin nya. Siguro nadi- depressed si twin sis? Pero andito lang kami palagi sa tabi ni twin sis para gumabay sakanya.








"You sure? magba-back off ka na?" Tanong ni Vanessa







"Yes pinapakawalan ko na sya"






"Steph, pwede mo namang ipaglaban ang feelings mo sakanya ah? Ang asawa nga naaahas pa, yung girlfriend nga naaagaw pa, yung fiancè pa kaya?" Sabi naman ni Veronica









"Tama si Veronica, Steph, kilala ka namin hindi mo kailangan mag kunwari na okay ka lang. Alam namin na hindi mo na talaga kayang makita ang dalawa. Kung ano ang nararamdaman mo ipaglaban mo hindi yung tutunganga ka na lang ,Kelan ka aamin na gusto mo pa rin sya? Pag kasal na sila? Pag huli na naman ang lahat? Kaya kumilos ka hangga't maaga pa!" Sabi naman ni Danica







"Oo nga twin sis kaya kumilos ka tapos pag kinasal na iiyak ka na naman? Naku twin sis wag ako." Sabi ko








"How? Eh mukhang masaya na sya kay Anika eh. Wala akong karapatan na makielam sakanila. Oo nga, may gusto pa ako kay Steven pero hindi ganun kadali yun" Sagot naman ni Twin sis




"Naiintindihan ka naman namin Steph, ang saamin lang nag aalala kami sayo kasi kaibigan ka namin. Pag mahal mo ipaglaban mo hindi yung tutunganga na lang kasi tandaan mo yan Steph nasa huli ang pagsisisi." Sabi naman ni Rachelle







"Hoy change topic! Matanong nga kita Rachelle Anne Torres" Sabi ko naman sakanya







"Yes?" Patay malisya ka pa jan!




Mr.Cold meets Ms.PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon