Tiffany's POV
Pagkarating namin sa green belt ay naghanap muna kami ng parking lot tapos bumaba na kami syempre sumakay kami sa escalator ng makataas na kami lakad lakad pa hanggang sa napadpad kami sa kung saan saan alam nyo yung may parang simbahan doon tapos may mga gold fish? Dumaan nga kami doon eh ang ganda. Syempre picture picture agad.
"Sir, excuse me? Can you please take us a picture?" Tanong ni Twin sis sa amerikano na tourista.
"Okay sure" Sabi ng lalaki at kinuha kay twin sis ang camera nya syempre group pics yung boys naka akbay saamin tapos yung sunod ay waki naman nagulat nga ako ng hawakan bigla ni Russell ang kamay ko eh.
"Thank you" Sabi naman ni Twin sis saka kami umalis. Syempre picture ulit si Twin sis ang taga kuha eh kasi sya ang may dala ng DSLR camera nya. Maganda kasi ang shots nya.
Una sila Harrence at Vanessa naka heart shape pa sa kamay tapos V sign pa na wacky sumunod sila Veronica at Zow sa first pic hinalikan ni Zow si Veronica sa cheek sunod holding hands ganun din sila Daelle at Danica. Sumunod sila Kurt at Rachelle syempre ano pa bang aasahan nyo sa dalawa? Magkalayo sila si Rachelle kasi nasa kanan ng kalabaw tapos si Kurt nasa kaliwa. Sumunod sila Steven at Anika syempre sweet yung dalawa una naka akbay pa si Steven kay Anika sa 2nd shot nag kiss sila sa lips at sa 3rd shot naka holding hands na sila.
"Twin sis pwesto na kayo ni Russell kayo naman!" Sabi ni Twin sis syempre pumwesto na kami si Russell naman inakbayan ako.
"Okay!" 1st shot smile lang 2nd shot holding hands 3rd shot inakbayan nya ako 4th shot he kissed me on my forehead Yiee Kakilig.
"Anika, okay lang ba kung sila Steven at Steph ay magkasama silang mag picture? Para rememberance lang." Sabi ko naman
"Wag na twin sis di na kailangan."
"Hindi, okay lang saakin" Sabi naman ni Anika.
"Pumayag ka na!" Sabi ko naman kay twin sis sabay kuha ng camera sakanya syempre 1st picture naka kapit sa braso ni Steven si twin sis sunod yung 2nd shot eye-to-eye 3rd shot naman ay holding hands sila. Pagkatapos nun ay nag hiwalay na din ang dalawa. Kinuha ko muna kay twin sis ang camera saka ko tiningnan ang mga pictures ang saya namin dito ^_^ OMG Nag smile si Russell? Mas lalo syang gumwapo ♡__♡ kinalabit ko naman si Twin sis since kami ang nasa huli habang naglalakad.
"Yiee tingnan mo Oh, Twin sis, bagay kayo ni Steven" Sabi ko naman
"Tama na twin sis,masakit ng umasa pero mas okay na nga yung hanggang picture na lang talaga. Pero sa reality? Nah wag na" Sabi naman ni Twin sis
"Hay naku naman twin sis ang drama mo!" Saka kami tumakbo kasi na iiwan na nila kami. Pumasok naman kami sa loob ng green belt syempre ano pa ba? Shopping agad agad. Ang dami nga naming napipili eh. Pagkatapos naman namin binayaran na namin saka kami bumaba syempre escalator ulit. Dumiretso naman kami sa food court.
"Treat ulit namin kayo" Sabi ni Russell
"Saan nyo ba gusto?" Tanong ni Kurt
"Chowking na lang!" Sabi naman namin syempre umorder na ang boys mga Ilang oras pa ay bumalik na sila syempre may kasama silang taga buhat din ng pagkain kasi madami ang inorder nila. Akin naman yung Mami lang tapos iced tea.