Vacation part 1...
--Tiffany's POV
Dahil maaga nga ang alis namin syempre maaga din ako magising naligo muna ako pagkatapos nag bihis ako ng simpleng jeans at t-shirt lang chineck ko naman ang mga gamit ko kung kulang pa pero kompleto naman na pagkatapos ay bumaba na ako si twin sis nasa baba na eh kanina pa gising.
Dumiretso naman na ako sa lamesa para mag almusal syempre ganun din si twin sis, "Daddy, gagamitin po namin yung van ah?" Sabi ko naman
"Ok, mag iingat kayo basta yung binilin ko ah?" Sabi naman ni Daddy
"Opo" Sabi naman namin ni twin sis at kumain na
"Sure na kayo jan? " Tanong ni kuya
"Oo kuya, babalik pa naman kami eh bago yung flight natin papuntang Korea" Sabi ko naman kay kuya
"Sa Resort natin kayo pupunta diba?" Tanong ni kuya Rence kay tumango lang ako saka kumain na lang ulit pagkatapos naman namin kumain ininom ko na yung tubig
"Mi,di, kuya, una na kami" Paalam ko
"Mag iingat kayo ah?" Tumango lang ako sa sinabi ni Mommy at lumabas na kami ng mansion
Syempre pumasok na agad kami ni twin sis sa Van una naming sinunod sila Rachelle, Vanessa, Veronica at Danica sumunod naman bumyahe naman kami sa school at saktong andun na nga sila si Steven kasama si Anika tapos andun din si Prince syempre pumasok na din sila sa loob ng Van.
"Kompleto na ba tayo?" Tanong ni Vanessa
"Oo kompleto na" Sabi naman namin syempre sa pinaka likod kaming tatlo ni Russell at twin sis si Russell naman malapit sa bintana at ako naman sa gitna.
"Bad trip" Inis na sabi ni twin sis
"Problema na naman twin sis?" Tanong ko
Lumapit naman sya kunti saakin at bumulong, "Nakakainis bakit ba kasi sinama pa yan? Akala ko ba tayong magkakabarkada lang?" Bulong ni twin sis syempre bumulong din ako
"Yaan mo na yang dalawa kasama naman si Prince diba?" Bulong ko
"Oh yeah, dapat wala na akong pakielam sa dalawang yan." Sabi naman ni twin sis
Nakakaantok naman kaya sumandal naman ako sa balikat ni Russell at natulog mahaba pa naman ang byahe eh kaya iidlip muna ako.
---
Anika's POV
"Steven.." Tawag ko naman sa pangalan nya
"What?" Saka nya tinangal ang kanang earphone nya
"Meron ka bang baon jan? Gutom na ako eh di ako nag breakfast" Sabi ko naman