Pewinkle University's Foundation Week Part 1
Vanessa's POV
Busy kami ngayon sa bawat booth namin syempre kami naman ay busy sa marriage booth namin ito kasi ang naka assign saamin eh. Syempre sa araw na'to dalawa pa lang ang kinakasal daw kung dito sa booth namin Kunwari lang naman 'to eh.
"Vanessa may sasabihin ako sayo eh... pero wag dito" Sabi naman ni Harrence
"Dito na lang. Ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ko baka naman may hihingiin lang 'to o itatanong.
"Sa private place na lang baka may makarinig" Mukhang importante ata ang sasabihin nya.
"Sige na nga. Alliyan ! Renz kayo na muna bahala dito ah" Saka kami umalis ni Harrence at napunta naman kami sa locker room at sinara nya ang pinto.
"Ano bang sasabihin mo?" Tanong ko.
"Nahihiya akong sabihin sayo 'to eh" Saka sya yumuko nakita ko namang namula sya
"Ano? Kung wala ka din namang sasabihin lalabas na ako" Aalis na dapat ako ng hawakan nya ako sa braso ko
"Wag mo akong iiwanan at iiwasan pwede?" Kahit di ko alam ang ibig nyang sabihin ay tumango na lang ako bilang sagot.
"Ok. Go sabihin mo na ang gusto mong sabihin" Bumuntong hininga muna sya bago mag salita
"K-kasi.. Aish! Sasabihin ko ba o hindi?"
"Sabihin mo na kasi! Ano? Ako muna ang magsasalita o ikaw muna? May aaminin ako sayo eh" Sasabihin ko na nga na gusto ko sya ang hirap kayang mag tago ng feelings bahala na kung anong kalalabasan nito. Parang aamin lang ako ng feelings ko sakanya at walang mawawala. Kaya ko namang mabuhay ng walang love life love life eh.
"S-sige ikaw muna" Utal nyang sabi
"Okay. Since bestfriend naman kita, Alam kong malaki ang mawawala dito. Una baka masira ang friendship natin pangalawa baka hindi mo na ako pansinin. Siguro naman single ka pa?" Tumango naman sya, "So ito na nga, gusto kasi kita eh simula pa nung last year. Oo alam ko na ang sagot mo di mo ako gusto? Okay lang naman eh. Kasi di ko naman hinihingi na mahalin mo rin ako pabalik ang saakin ang, gusto kong maging honest sa nararamdaman ko para sayo."
Ngumiti naman sya ano ba yan! Nakakakaba tuloy! "Yan din naman ang sasabihin ko eh. Nang dahil jan gusto kong malaman mo na gusto din kita" Sabi nya eh? Seryoso?
"Ano na ngayon? Tanong ko
"Tayo na" As in agad agad?!
"Hoy! Agad agad? Wala munang ligaw ligaw?"
"Kahit tayo na liligawan naman kita araw araw" Sabay kindat nah! Wag kang ganyan please ?