After 1 month...
Tiffany's POV
Madaming nag bago..
Yung nagliligawan dati ngayon sila na...
Pwera na lang sa isang nagliligawan na hanggang ngayon di pa sinasagot.
Yung simpleng barkadahan napunta sa LOVE...
Sila Vanessa at Harrence na mag best friend wala pa din close pa rin sila kaya lang ayaw umamin ng feelings sa isa't isa.
Si Steph na kakambal ko umamin na sya kay Steven pero di naman tinanggap ang feelings nya. Kundi ni-reject sya. Saklap nuh? Ngayon di na sila nagpapansinan ni Steven.
Sila Rachelle at Kurt pansin ko lang di na sila gaanong nag aaway kung mag salita na lang sila mahinahon na pero minsan nag aaway pa din haha sweet nuh
Sila Danica at Daelle sila na ^_^ sila yung sinasabi ko kanina. Kakilig hahaha pero ang cute nilang tingnan. Pero binalaan ko naman si Daelle pag sinaktan nya si Danica lagot sya saakin at makakatikim sya ng karate saakin. Oo marunong ako nag aral kaya ako nung grade 6 sa Japan.
Sila Zow at Veronica yun wala pa din nagliligawan pa din. Kelan kaya sasagutin ni Veronica si Zow?
About saakin at sa oh so called FIANCÉ ko? Yun laging naiinis pag kasama ko si Ivan. Ayaw pa kasing umamin na nagseselos sya. Anong akala nyo saakin? Manhid? Ha! Patawa! Di ako manhid 'no. Pero sinabi ko naman sakanya na 'Wag kang magselos ikaw ang mahal ko' pero pabulong lang haha buti nga di nya narinig eh. Katulad na lang nito.
"Anong sinabi mo?" Tanong nya
"Wala. Ang sabi ko wag kang magselos kasi friends lang talaga kami" Sabi ko naman.
"Talaga lang ha?"
"Oo nga. Wag kang nag alala si Thea ang mahal nun" Natatawa kong sabi
"Psh."
"Lagi na lang 'psh' ang sinasabi mo yung totoo alien ka?"
"Of course not" Sabi nya habang nagdra-drive on the way na kasi kami papunta sa resort na pagma-may ari namin kasi may dinner kami with his family. Kamusta nga pala sila Kuya Rence at Dianne? Yun happy si kuya kasi preggy si Ate Dianne. Yiee Tita na kami ni Twin sis ♡
"Hindi naman pala eh"
"Ang ingay mo! Isa pang daldal hahalikan na kita" O.O Ayoko nga!
"Crush mo ako ano?" Tanong ko
"Ikaw? Crush ko? Hahahahahah patawa ka" Natatawa nyang sabi ang sexy ng tawa nya 😍