Yan okay na ,kaya nakapag update ^_^
----Valentine's day...
Tiffany's POV
"Tomorrow we will celebrate our Valentine's day so ang gusto kong gawin nyo ay... magbibigay kayo ng sweets sa taong gusto nyong pagbigyan syempre dapat sariling gawa nyo para may effort sa mga old students siguro alam nyo na tradition na yan dito?" Sabi naman ni ma'am
"Opo miss" Sabi naman namin eh kung chocolate kaya or brownies na lang ang ibigay ko kay Russell?
"Okay class dismissed at may aayusin pa kami bukas para sa program, Althea,Sheldon, Hazel at Shelaine sumunod na lang kayo sa office ha?" Nag opo lang sila saka lumabas na din ng classroom mga SSG officer din kasi sila eh si Althea naman ang president doon.
"Mauna na ako" Sabi naman ni Russell kaya tumango lang ako bukas malalaman mo na din ang nararamdaman ko sayo Russ...
Pagkaalis naman ni Russell ay pumunta naman ako sa principal's office syempre pumasok naman ako at umupo sa harap ni Tita Mari. "Good afternoon po Tita" Saka ako nakipag beso
"Napa dalaw ka ata iha, may kailangan ka ba?Tanong ni Tita Mari
"Wala naman po, pero may tanong po kasi ako eh"
"Ok sure anything you want to ask me at sasagutin ko naman" Sabi ni Tita Mari
"Ano po bang hilig ni Russell sa sweets?" Tanong ko
"Sa mga sweets? Ang gusto nya ay chocolate brownies lalo na yung gawa ko? Favorite na favorite nya yun eh" Sabi naman ni Tita Mari
"Tita can I have some favor?"
"Sure"
"Tita, paturo naman po ako kung paano gumawa nun gusto ko po kasing ibigay kay Russell bukas eh" Sabi ko naman
"Okay mamayang mga 2pm punta ka sa bahay namin kasi mamayang 10 pa naman siguro uuwi yun si Xian eh"
"Luh? Thank you po tita" Sabay hug tas lumabas na din ako ng office nya.
Mga past 1 na ako pumunta sa mansion nila Russell syempre dumiretso naman ako sa kusina at saktong andun si Tita Mari. Syempre nag start na kami nung matapos kami tinikman naman ni Tita Mari yung brownies
"Madali ka lang naman pala matuto eh, Okay na yung lasa. Good luck to you my dear" Sabi naman ni Tita Mari habang nilalagay sa box ang brownies
"Thank you po talaga Tita" Sabi ko naman
"Your welcome, pag may kailangan ka don't bother to ask me a favor or what basta welcome ka dito" Sabi ni Tita Mari