Date: August 6, 2016
Time: 11:11 PM
■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■□■
Stephany's POV
Di ko akalain na kami ni Steven ang magiging Mr.and Ms. Acquaintance 2016, di ko nga in-expect yun eh. Kakadating nga lang namin ni twin sis syempre ano pa nga ba? Matapos namin mag tanggal ng make up at makapag bihis ng pangtulog nag iimpake naman na kami kahit na 12:08 am na ng madaling araw.
"Congrats twin sis. Alam mo bagay kayo ni Steven" Sabi naman ni twin sis habang naglalagay sa maleta nya ng damit si kuya Rence kasi ano.. na una na sila doon sa Korea kahapon ng 6 pm ang flight nila at saktong kakasimula pa lang ng prom namin gusto nga namin sila ihatid ni ate Dianne sa airport kaya lang di na sya pumayag.
"Thanks. Yung totoo twin sis,kilig na kilig nga ako eh pero pinipigilan ko lang jusko,ang gwapo nya" Sabi ko at umupo muna
"Bagay na bagay nga kayo eh,ito oh" Sabi nya at pinakita saakin ang picture namin ni Steven habang nilalagyan ng sash.
"Ipasa mo saakin dali" Sabi ko naman at kinuha ang CP ko sa bulsa ng blouse ko
"Oo na" Sabi nya at pinasa na nga saakin yung picture ng mapasa na ginawa ko naman yung wallpaper di naman mabubuksan ng iba yung CP ko eh si twin sis lang kasi may password yung akin at si twin sis lang ang may alam nun.
"Alam mo twin sis, bagay naman kayo ni Russell eh" Sabi ko nakita ko namang namula sya at tinuloy nya na ang ginagawa nya at ako rin.
"Ows? Talaga?" Sabi nya
"Oo nga tingnan mo pa yung group picture natin kanina" Sabi ko
"Maya na lang."
"Maya na lang daw yung naka akbay naman si Russell sayo yung ngiti mo di nga pilit o peke eh totoong totoo nga eh. Kita ko kasi sa fb mo" Sabi ko sakanya
"Secret lang natin ah wag mong ipagkakalat kahit kela Rachelle,pwede?" Di naman ako madaldal eh.
"Oh sige ano yun?" Tanong ko
"May gusto kasi ako kay Russell" Naka move on na nga talaga sya kay Zayde.
"Eh?" Tumango lang sya ng matapos na kami mag impake humiga na kami ni twin sis syempre antok na kami
"Na realize ko kasi na mag move on na lang at syempre hindi naman pwedeng isarado ko na lang habang buhay ang puso ko. Crush lang naman eh at normal lang yan" Sabi nya
"Ayiee RussAiley for the win!!" Sabi ko
"RussAiley?" Tanong nya
"Russell + Hailey = XianAiley or RussAiley" Sabi ko
"Tigil tigilan mo nga ako sa mga ganyan,goodnight na pero ang cute ng combination name namin ah" Sabi nya at nag talukbong na ng kumot. Kunwari ayaw pa gusto din naman pala.