chapter 10(A Ghost..???)

21 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa sala,naka
upo sa sofa habang pinagmamasdan ang lalaking ito.Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang to 'eh!Ayon sa kanya ay hindi daw sya multo gaya ng akala ko.





Eh......anong klaseng nilalang 'to??Baka engkanto,tikbalang,tiktik.....






O baka naman Bampira?!






Ano ba itong mga naiisip ko!Bakit ko pa kasi nakita sa labas ang lalaking ito eh!Stress na nga ako ng dahil sa pag-aaral ko,pati ba naman ang.....(kung ano mang klaseng nilalang ang lalaking ito.....)lalaking ito eh po-problemahin ko!






"Ang lalim yata ng iniisip mo ah!"napa-kurap ako sa kawalan dahil sa sinabi ng lalaking ito.Nakakainis kasi eh......Wala ba syang idea na sya ang dahilan kung bakit lutang ako ngayon kakaisip kung anong klaseng nilalang 'to!!!







"Masyado lang akong napapaisip kung anong klaseng nilalang ka!"nasabi ko nalang at sobrang daming idea na pumapasok sa isip ko.Biglang napadako ang tingin ko sa pintuan namin,nakatayo 'dun ang kapatid ko.....takang-taka na nakatingin sa akin.







"Kanina ka pa.......dyan?"medyo nagulat ako sa presensya nya kaya nagkakanda-utal na ako sa pagtatanong.







"Sinong kausap mo dyan?!"napalunok ako ng laway pagkatapos magtanong ng kapatid ko.Anong idadahilan ko?Sasabihin ko ba na nakakakita ako ng kung ano mang klaseng nilalang yung lalaking yun?Naku.....baka kung ano ng pumapasok sa isip ng kapatid kong ito!







"Nape-pressure ka 'noh?"tanong ng bwisit na lalaking 'to....Kung pwede ko lang 'tong dagukan now na.....eh kanina ko pa ginawa.Pero yung kapatid ko, biglang nagwalk out.Hindi na hinintay yung sagot ko.Umakyat na agad sya sa taas at rinig mula rito sa baba ang pagsara nya ng pinto ng kwarto nya.








"Kasalanan mo 'to lahat eh!"naiinis kong sabi dito sa lalaking ito.Bigla syang tumayo mula sa kinatatayuan nya at lumapit sa akin.Nagtataka ko syang pinagmasdan habang lumalakad papalapit sa akin at nagulat ako sa bigla nyang pag-upo sa tabi ko.








"Sorry,nagugulo ko yata ang buhay mo!"malungkot nyang sabi.Ok,nakaramdam din ako ng lungkot pero slight lang.








"Anong klaseng nilalang ka ba talaga?Bakit ka invisible at sa dinami-rami ng tao dito sa Pilipinas eh.....ako pa ang nakakakita sayo?"sunod-sunod kong tanong sa kanya.Tumingin sya sa akin at saka ngumiti.Juice ko!Di naman ako na-inform......gwapo pala itong lalaking ito!









"Isa akong ligaw na kaluluwa....."napatayo ako bigla sa inuupuan ko dahil sa sinabi nya.







"Sabi mo di ka multo?!"nasabi ko habang lumalakad papalayo sa kanya.








"Makinig ka muna!Baka gusto mong marinig ang paliwanag ko!"may inis nyang sabi.Napaupo nalang ako sa sahig.Yung pwesto kasi namin kanina nasa mahabang sofa tapos nung tumayo ako,dito ako napadpad sa sahig kaya dito nalang ako umupo.







"Isa akong ligaw na kaluluwa na humingi ng second chance kay God para mabuhay muli.Ngayon,ibibigay nya ang hinihingi kong second life kung magagawa ko ang misyon na ibinigay nya sa akin."paliwanag nya na syang dahilan kaya naging interesado na ako sa kwento nya.







"Anong misyon ang binigay sayo ni God?"tanong ko ng bigla nyang inilahad sa akin ang panang nasa likod nya.
"Ito oh..... "sabi nya habang hawak ito.







"Oh.....?!Anong gagawin mo dyan"nagtataka kong tanong habang itinuturo ang panang hawak nya.







"Ang mga panang ito ay inilaan na ng Panginoon sa mga taong magiging misyon ko.Kapag sila ay nakita ko na at nakilala,magliliwanag ang isa sa mga arrow.Tapos,kailangan ko silang panain nitong pana ng pag-ibig at tulungan sa mga problema nila sa pag-ibig."paliwanag nyang muli na unti-unting nakapag-pagulo ng utak ko na sanhi para mag-isip ako ng maraming bagay.....







"Wait......tingin mo papayag silang panain mo sila?!"tanong ko na nagpangiti sa kanya.Sobrang cute nya......Nakakainis nadi-distract ako!







"Diba hindi nila ako nakikita.Pati ang pana na ito ay 'di rin nila nakikita."naka-ngiti nitong sabi.Pero hindi ito nagsi-sink in sa utak ko dahil nga nadi-distract ako sa smile ng mokong na ito....







"Ok ka lang....?!"tanong nito na ikinagulat ko.Bahagya akong tumango at napatakip ng pisngi gamit ang dalawang kamay ko.Feeling ko kasi......







Nagba-blush ako........











A/N:Busy sa kung anu-anong bagay kaya ngayon lang naisipan mag-update.Naku nae-excite na ako!Makikilala nyo na ang lalaking yun......
Aldub you guys.....
Enjoy reading!!

My Ghost CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon