chapter 19 (The Reason)

6 0 0
                                    

(Kayline P.O.V)

Mabilis na lumipas ang mga oras kaya uwian na agad namin.Magkaka-sabay kami nila Jennie,Joy,Carla at ako na lumabas ng room kasi pauwi na kami.

Nasa gate na kami ng biglang may tumigil na motor sa harap namin.

"Tito Rap!"tawag ko Kay Tito Rap ng mapagtanto kong sya ang lulan ng motor na huminto sa harap namin.

"Ihahatid na kita.Kate-text lang ng mama mo sabi sunduin ka daw....!"sabi nito habang inia-abot ang isa nyang helmet.Kinuha ko ito.

"Bye....una na ako ha!"sabi ko sa kanila habang ikina-kaway ang aking kanang kamay.Nagba-bye rin sila sa akin Tapos sumakay na ako sa motor.

Mabilis kaming nakarating sa bahay.Naabutan kong naka-upo sa sofa si......Oo nga pala!Walang pangalan ang lalaking ito!

"Kain ka na."sabi ni Tito habang nasa salamin ito at inaayos ang Polo nya.Ito namang lalaking itong walang pakialam sa mundo,hindi ko nalang pinansin.

"Opo Tito."nasagot ko nalang.Nakaupo ako sa sofa at iniisa-isa ang laman ng bag ko.Baka kasi may naiwan ako.

Very good kasi wala naman.Napakabait ko talagang bata!Tularan ako!Choss.......

"Ay......Oo nga pala.Ito oh!"lumapit sa akin si Tito at binigyan ako ng 100 pesos.

"Para saan po ito?"tanong ko.Ningitian lang ako habang inaayos ang pagkakalagay ng mga pera nya sa wallet nya.

Hindi ko na sya pinansin.Bahala na sya sa buhay nya malaki na sya!

"Kayline.....si ma'am Jasmine ba yung babae sa picture na nasa  wallet ng Tito mo?"napalapit ako bigla kay Tito para alamin ang sagot sa tanong ng lalaking multo na ito.

"Tito,bakit po may picture kayo ni ma'am Jasmine sa wallet nyo?"tanong ko na ikinagulat nya.Tinitigan nya yung picture at hindi ko inaasahan ang biglang pagluha nya.

************

Kaya pala naging biglang naging masungit si ma'am Jasmine.Kaya pala ganun nalang kung magtitigan sila sa isa't-isa ni Tito Rap.Kaya pala biglang umiyak si ma'am kanina pagka-alis no Tito Rap.

Kaya pala.......

"Kayline....kanina pa kami daldal ng daldal dito tapos tulala ka lang dyan?Ano bang problema?"naiinis na sabi ni Joy sa akin.Kasi nandito sila Joy  Jennie,at Carla ngayon sa bahay namin.

"Kilala ko na kung sino ang boyfriend ni ma'am Jasmine!"napasinghap silang lahat ng dahil sa sinabi ko.Ako,huminga nalang ng malalim at mahaba-habang paliwanagan ito.

"Sino?Sino ang boyfriend in ma'am?"tanong ni Carla.Pansamantalang katahimikan ang naganap sa pagitan namin.Bumunot muna ulit ako ng isang malalim na hininga bago ipaliwanag ang lahat.

"Ang Tito Rap ko.Yung lalaking pumunta sa room kanina at yung pulis na sumundo sa akin at inangkas ako sa motor!"kalmado kong sabi.Napatango nalang sila.

Katahimikan muli ang naganap.

Ng biglang mag-salita si Carla.Well actually,nagtanong sya.

"Paano nangyari yun?"nagtatakang tanong nito.Nag-kibit balikat nalang si Joy at Jennie.

"May picture sa wallet ni Tito Rap si ma'am Jasmine.Nang tanungin ko si Tito Rap,sabi nya.....Si ma'am Jasmine ay girlfriend nya.Well actually,ex-girlfriend!"sabi ko habang sine-search ko sa Facebook si Tito Rap tapos pinakita ko sa kanila na merong picture together sila ma'am Jasmine at ang Tito Rap ko.

"So,totoo nga!"sabi ni Joy habang pinagmamasdan ang pictures nila Tito Rap at ma'am Jasmine.

"Tama nga ang sabi mo Kayline.Brokenhearted si ma'am kaya nya nagawa sa akin yun!Kaya sya nagbago!"tumatango-tango pang sabi ni Jennie.Pinagmamasdan din nya yung picture.

"Anong reason?"nagulat sila Jennie at Joy sa tanong ni Carla.Napatingin pa ang mga ito kay Carla at nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.

(Jennie P.O.V)

Ano nga kaya ang reason ng break-up nila?Bakit kaya sila nag-break?

Kung hindi kaya sila nag-break,magagawa ni ma'am sa akin na ipahiya ako?

"Nagulantang naman kami sa tanong mo,beh!"natatawang sabi ni Joy.

"Syempre curious ako!"sabi ni Carla habang nakatingin rin sa picture.Tapos ay tumingin ito kay Kayline na para bang nagtatanong.

"Ano Kayline,natanong mo ba sa Tito Rap mo kung bakit?"tanong ko kay Kayline.Umiling ito.

"Hindi daw nya alam."napatingin kaming lahat kay Kayline na naniningkit ang mga mata namin na para bang ipinapahiwatig nito ang aming pagtataka.

"Hindi alam ni Tito Rap kung anong reason ni ma'am Jasmine at nakipaghiwalay ito sa kanya."paliwanag ni Kayline ng nakatingin kay Carla na para bang may nais iparating ng mga tingin na ito.

"Ah........Talaga?"ang masayang si Carla kani-kanina lang at nagkaroon ng bakas ng kalungkutan ng magtanong ito kay Kayline.

Si Kayline naman ay agad na tumango.Ang tango nya'y nasundan ng isang buntong-hininga.

"Si Tito Rap,nasaktan sya ng sobra lalo pa't hindi nya alam ang dahilan ng biglaang pakiki-paghiwalay ni ma'am Jasmine sa kanya."nakatingin lang kami kay Kayline habang nagke-kwento ito.

"Nabaril si Tito Rap noong nakaraang buwan ng isang adik
na hinuhuli nila.Nagpapagaling sya nang biglang mag-text si ma'am Jasmine sa kanya na nakikipaghiwalay na ito.Kung kailan daw mas kailangan nya si ma'am Jasmine dahil kay ma'am Jasmine sya humuhugot ng lakas,tsaka ito nagpasyang tapusin ang lahat sa kanila at ang mas masakit pa,wala syang idea kung bakit nakipaghiwalay si ma'am.Naaawa ako kay Tito.Nasaktan talaga sya sa nangyari."

Mababaw ang luha ko kaya hindi ko mapigilang maiyak.Feel na feel ko ang sakit na nararamdaman ng Tito ni Kayline.

Mas naintindihan ko na kung bakit nagka-ganun si ma'am.Yung pag-iyak nya kanina sa room na halatang pinipigilan nya ay nangangahulugang mahal pa din nya ito.
Mahal nya pa ni ma'am yung Tito ni Kayline.May reason Kung bakit nya ito iniwan pero ayoko namang maging ganun si ma'am.Gusto ko bumalik na sya sa dati.

"Guys.......may naisip ako!"nakangiti kong sabi habang tumatango at ang hintuturo kong daliri ay nasa noo.

Abangan:
        

          Ano nga ba ang reason ng pakikipag-break ni Ms.Jasmine kay Rafael?Abangan po iyan sa next chapter.

My Ghost CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon