(Carla P.O.V.)
Sinundan lang namin ng tingin si ma'am habang papalabas ng classroom.Halos lahat siguro kami ay nagtataka kung bakit inasal ni ma'am 'yun!
"Bakit kaya?"tanong sa akin ni Justin na nasa likuran ko lang naka-upo.
"Ewan ko!Alam ko.....?"sarkastiko kong tanong kay Justin kaya pinili nya nalang tumahimik.
Dahil sa wala pa naman yung next teacher namin pumunta muna ako kila Jennie.Umupo Ako sa tabi niya.
"Any idea kung bakit?"tanong sa akin ni Jennie at kila Joy at Kayline.Sabay-sabay kaming nagkibit-balikat at umiling.
"Mukhang tama ang sabi ni Kayline........."napatingin kami ni Joy kay Kayline dahil sa sinabi ni Jennie.
"Anong sabi mo na sinabi kong tama?"nagtatakang tanong ni Kayline kay Jennie habang tinuturo pa nito ang sarili nya.
"Diba sabi mo kahapon baka brokenhearted sya?!"sabi ni Jennie kay Kayline habang naka-kunot ang noo.
"May boyfriend ba si ma'am?"tanong ko na iki-nabigla nila.Ako rin nabigla sa tanong ko.
"Kailangan nating malaman yan.Kung may boyfriend ba si ma'am at sino ang boyfriend nya."sabi ni Kayline sabay dating ng next teacher namin kaya bumalik na ako sa upuan ko.
(Ms.Jasmine P.O.V)
Isa lang ang ibig sabihin ng hindi ko napigilang pagluha sa harap ng mga estudyante ko kanina dahil sa pagdating ni Rafael......
Hindi pa ako move-on!
"Mahal mo pa rin sya 'noh?!"tanong ng kaibigan kong si Anne.Isa rin syang A.P teacher gaya ko pero sa grade 7 sya nagtuturo.Grade 9 kasi ang tinuturuan ko.
Hindi ko inaasahan ang biglaang pagluha ko sa harap ng mga estudyante ko kanina.Na natuloy na sa walang humpay na pag-iyak ko dito sa faculty kasama ang best friend kong si Anne.
Alam nya ang lahat ng tungkol sa amin ni Rafael.Kung paano kami nagkakilala,mga nakakakilig nyang ginagawa para lang mapasaya ako,yung mga L.Q naming dalawa madalas sya ang pinagla-labasan ko ng sama ng loob.
At higit sa lahat.....
Ang break-up namin.Alam nya ang lahat.Ang lahat-lahat!
Pero pinaka di ko makakalimutan ang first date namin.Yung first date namin at first date ko sa buong buhay ko.
(Flashback)
May date kami ngayon ni Rafael.First date namin ito simula ng making kami.Saan kaya kami magde-date?Dalhin nya kaya ako sa isang mamahaling restaurant?O di kaya manonood kami ng sine at mamamasyal sa mall?
Excited na ako!
"Jasmine....nandito na si Rafael bilisan mo na dyan!"sigaw ni mama mula sa baba.Nandito kasi ako sa kwarto,nag-aayos ng aking sarili para magmukhang kaaya-aya naman ako kay Rafael.First date ko ito kaya dapat pretty ako.
Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili,bumaba na ako sa sala at nakita ko si Rafael na nakangiti sa akin.Ni-ngitian ko rin sya.Tapos umalis na kami at sumakay na kami sa kotse nya.
Naka-tingin lang ako sa bintana habang si Rafael ay nagda-drive.Ilang minuto lang ang nakalipas ng biglang itigil ni Rafael ang kotse nya sa isang park.Anong ginagawa namin dito sa park?
BINABASA MO ANG
My Ghost Cupid
RomantikSi Kayline ay isang nerd,loner at walang kaibigan.Pero nagbago ang malungkot nyang buhay ng makilala ang ilan sa mga classmates nya na itinuring na syang kaibigan.Lalo na ng makilala rin nya at the same time ang isang lalaking multo......pero may da...