Sa wakas at natapos na rin ang bangayan ng dalawang yun........
Napagod kami ni Joy sa pag-awat sa dalawang yun!Katatapos lang din naming mag-practice kaya nandito na ako ngayon sa gate namin na bubuksan ko na sana kaso may napansin akong isang lalaki na nakatayo malapit sa gate namin.
May dala syang pana......Oo,pana nga yun.Yung ginagamit ni kupido para ma-inlove ang isang tao.Kakaibang pana rin yun kasi kumikinang sya.Yung ginagamit pan-tira,kulay black.Yung arrow naman,iba't-ibang kulay at lahat yun kumikinang......
"Nakikita nya kaya ako?"Hindi ko napansin na natulala na pala ako habang iniisip ang mga bagay na iyon.Bigla kasi akong natauhan sa biglang pagsasalita nung lalaki malapit sa gate namin.
"Anong gusto mong palabasin?Bulag ako?!"nakakainis naman 'to si kuya!Anong akala nya,invisible sya at di ko sya nakikita?
" Talaga bang nakikita nya ako....???At nakakausap....??"
Tanong nya sa sarili ng parang nagulat ngunit may halong saya.Sa tingin ko,may sira itong si kuya sa ulo.Kasi feeling nya siguro, di sya nakikita ng kahit sino at ng mapansin ko sya,feeling nya ako lang ang nakakakita sa kanya.Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.Sayang naman kung may sira ito sa ulo.....Kasi naman,gwapo kaya.Ang sarap jowa-in!
Ah......este.......Kaibiganin pala.Huwag nga kayong ano!
(A/N:Nakakahiya naman.......
Kami pa ang ano ha!!!Ano-hin kita dyan eh.Kunwari pa itong babaeng ito!!!Eh may ano ka rin naman sa kanya eh!
Teka......??!!Ano ba yung ano??)"Bakit kuya!Dapat ba 'di kita makita?"kunot-noo kong tanong sa kanya.Pero imbis na sumagot sya,inilibot nya ang tingin nya sa akin at ngumiti ng abot hanggang tenga.
"Nakikita mo nga ako......!!!!At nakakausap.....!!!!"nakangiti nyang sabi na para bang sigurado na sya ngayon na nakikita ko sya.At parang sagot na rin nya iyon sa tanong nya kanina sa sarili nya.
"Kuya.....napa-paano ka ba?Ok ka lang ba?Nakainom ka na ba ng gamot mo?"kumunot ng bahagya ang noo nya sa tanong ko.At hindi biro yun!Walang halong biro.
"Anong akala mo sa akin........
Baliw???"galit nyang sabi.Inirapan ko sya at tsaka tiningnan ng masama."Sino ba naman ba naman kasi ang matinong tao na magsasabing nakikita ko daw sya!Malamang naman na nakikita ko sya.Ano ba sya sa akala nya?!Invisible???!!!"sagot ko sa tanong nya sabay talikod ko at akmang bubuksan ko ang gate pero naibukas na pala ng kapatid ko.Tumingin pa ito sa buong paligid bago ibaling ang tingin nya sa akin.Nakakapag-taka naman itong kapatid ko!Ano kayang tinitingnan nya sa paligid??!!Itong gwapo......ah este.....itong mokong na ito???
"Ate..........sinong kausap mo dyan.Nagsasalita kang mag-isa ng walang kausap!Nababaliw ka na ba??"nagulat ako bigla sa sinabi ni Nicole.Wala raw akong kausap!Hindi nya ba napansin itong mokong na 'to na nakatayo malapit sa gate namin?Ako pang sinabihan ng baliw ah.....
"Hindi mo ba nakita na may lalaki dyan malapit sa gate natin!?"tanong ko sa kanya at itinuro ko pa yung pwesto ng lalaking ito na nakangisi pa sa akin.
"Ikaw lang at ako ang tao dito.Dyan ka na nga!Pagod lang yan kaya kung anu-ano ang nakikita mo.Alis lang ako saglit ha........Nakapag-saing na ako!"pagkasabi 'non ay umalis na ito.Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa makalayo na sya.Napatingin rin ako sa lalaking malapit sa gate namin......
"Baliw pala ha........!!!!"nakangisi nitong sabi.So,alam nya sa sarili nya na walang nakakakita sa kanya at ng malaman nyang nakikita ko sya,natuwa sya kaya masaya sya kanina????
Hindi kaya multo sya????!!!!
"Aaaaaaaahhhhhhhh...............
MULTO..........."A/N:Pasensya na!Hindi ko alam ang tawag dun sa ginagamit na pantira ng arrow.dont worry aalamin kona.Pero bago yun eh sulitin ko muna ang bakasyon ko dito sa Mauban,Quezon...Kaya guys,ako muna ang mag-eenjoy ha bago kayo mag-enjoy sa pagbabasa.
Aldub you all.....

BINABASA MO ANG
My Ghost Cupid
RomansaSi Kayline ay isang nerd,loner at walang kaibigan.Pero nagbago ang malungkot nyang buhay ng makilala ang ilan sa mga classmates nya na itinuring na syang kaibigan.Lalo na ng makilala rin nya at the same time ang isang lalaking multo......pero may da...