His P.O.V
4:00 am na at nandito ako ngayon sa sofa,nakahiga at nag-iisip ng kung anu-ano.
Magdamag akong gising kasi saan ba naman kayo nakakita ng natutulog na multo?Kahit naman sa pelikula never nangyari yun!
Ay.....oo nga pala!Nagpapagising pala sa akin si Kayline para daw maaga syang makapasok!Magising na nga ang babaeng iyon.....
Well.....kung iniisip nyo na kaya kong tumagos sa mga pader?!
Hindi ko nagagawa yun!Hindi ko alam kung bakit........kaya pagkatok na lang ang magagawa ko!
"Kayline......alas-kwatro na!....Uy,gising na male-late ka na!......KAYLINE....."ang sakit na ng kamay ko kaka-katok at yung lalamunan ko kakasigaw!Pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.
Pero yung katok at sigaw ko,si Kayline lang naman ang nakakarinig!
Patuloy pa rin ako sa pagkatok at paggising sa kanya sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan nya ng pasigaw ng biglang bumukas ang pinto.
"Alas-kwatro na ba?"naiinis nyang tanong habang kinukusot ang kanyang mga mata gamit ang kamay.
"4:30 na kaya!Imagine,kalahating oras na kitang ginigising ngayon ka lang tumayo!"nakakunot noo kong sabi.Inirapan nya lang ako at kumuha sya ng tuwalya saka bumaba na sa hagdan.Nasa baba kasi ang c.r nila.Bumaba na rin ako at umupo ulit sa sofa.
Pagkatapos nyang maligo,umakyat na sya ulit sa kwarto nya sabay nag-ayos ng sarili.Bumaba sya sa kwarto nya saktong alas-singko na.
Nagluto sya ng almusal.Hotdog at itlog.Nilagay nya ito sa baunan kasama ng kanin tapos iniluto na rin nya ang kapatid nya ng almusal.Nag-sapatos na sya.Lalabas na sya ng pinto ng sumunod ako.
"Saan ka pupunta?"naka-kunot noo nyang tanong."Sasama sayo....!"nagulat sya sa sagot ko.
"Ano!Hindi pwede!"galit nyang sabi.Bumalik ako sa sofa ng malungkot ang mukha."Sige, 'wag na lang!"sabi ko tapos sinulyapan ko sya saglit at ngumiti ako ng pilit tapos yumuko.
Napa-hawak sya sa noo nya at kasabay 'non ang pag-irap nya sa akin.Tapos tiningnan nya ako ng masama sabay sabi'ng "Sige na nga!Sumama ka na.....Basta 'wag mo akong kukulitin ha!Huwag kang makulit!"kahit na napipilitan lang sya.
BINABASA MO ANG
My Ghost Cupid
RomanceSi Kayline ay isang nerd,loner at walang kaibigan.Pero nagbago ang malungkot nyang buhay ng makilala ang ilan sa mga classmates nya na itinuring na syang kaibigan.Lalo na ng makilala rin nya at the same time ang isang lalaking multo......pero may da...