chapter14(A Perfect Love Story)

16 0 0
                                    

His P.O.V




Nandito ako ngayon sa A.P (araling panlipunan) faculty.Pinagmamasdan si Ms.Jasmine,na nagsusulat ng lesson plan.Free time nya at wala syang klase kaya nagsulat nalang sya ng lesson plan.




Pagkatapos nya kasi pagalitan yung Jennie,nag-walk out sya.Tapos sumunod ako.Syempre,kailangan kong makilala ang unang taong misyon ko.Ano kaya ang problemang pag-ibig nya?




Napatingin ulit ako sa sinusulat nya.Tapos,bigla na lang syang umiyak......Yung tipong pinipigilan nyang tumulo ang luha nya pero tumutulo pa rin.




Broken hearted 'to!Bakit kaya?Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.Pinipilit nyang pigilan ang mga luha nya pero patuloy pa rin ito sa pagtulo kaya hinayaan na lamang nya ang sarili na umiyak.Kahit naman anong pigil nya wala syang magagawa......Masama nga yata talaga ang loob nya!




Paano ko kaya sya matutulungan!?




Ms.Jasmine P.O.V




Para sa aming dalawa,isang perfect love story ang meron kami.Isang love story na kahit common na sa iba,para sa amin napaka-perfect nito na para bang kami lang ang tao sa mundo at lahat ng bagay parang naka-slow motion.Parang sa mga romantic films.......





Hindi ko makakalimutan ang araw na magkakilala kami.Kasi ito ang pinakamasayang araw ko.Akala ko nga 'yung araw na yun ang pinaka-huling sandali ng buhay ko.




*Flashback*




Kagagaling ko lang sa isang private school na pinagta-trabahuhan ko bilang teacher.Pauwi na ako sa amin ng biglang may humila ng bag ko.Snatcher yun malamang.




Pinagmasdan ko lang sya habang papalayo sa akin.Napatitig lang ako sa lalaking tumatakbo hanggang sa ma-realize ko na bag ko pala ang dala-dala nya.Bag ko ang ninakaw nya.




Kaya tumakbo na ako ng pagkabilis-bilis.Wala na akong pakialam sa mga taong nababangga ko at sa mga sasabihin nila.Ni hindi ko na nga rin magawang mag-sorry.OK lang sa akin kung yung pera ang kuhanin nila.Pero nandun yung mga pangangailangan ng isang teacher.Nandun yung mga record ko,pati yung mga activities ng mga estudyante ko ngayong araw na hindi ko pa naire-record.Pati lesson plan ko nandun din.....

My Ghost CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon