chapter 21 (Surprising Her)

14 0 0
                                    

(Kayline's P.O.V)

"Kamusta na ang tito mo?"tanong ng lalaking ito sa akin na nakaupo sa gilid ng kama ko habang ako ay gumagawa ng project sa sahig.Nasa kwarto ko kaming dalawa.

"Ewan ko!Nag-aalala na nga ako kay Tito eh!Baka kung ano nang nangyari 'dun"kibit-balikat kong sabi.Ano na kayang nangyari sa kanila.Nagkabalikan na kaya sila?Sana umubra yung plano ni Jennie.

Aysus........kinikilig ako!

"Basta,kailangan magkabalikan sila!Yun ang misyon ko."napa-tango nalang ako sa sinabi nya.Basta sure ako!Magkakabalikan sila.Itaga nyo yan sa gwapong mukha ng lalaking multo/kupido na ito.

Ay.....Huwag pala!Bihira nalang pala ang mga gwapong gaya nya.Tapos tatagain ko pa.Endangered species na ang mga gwapong tulad nya.Minsan kasi yung iba gwapo nga,jusmiyo naman!Mas babae pang kumilos sa iyo.....

"Ano iniisip mo?"tanong ng lalaking ito.Hay naku!Nakakainis walang pangalan.Sa'ng planeta ba nanggaling ang multong ito?Buti pa si Matteo Do kahit alien may pangalan!

"Wala.....Sana nga magkabalikan na sila noh?!"sabi ko nang nakatingin sa kanya.Ngumiti lang sya.

Susme.........

Bakit ang gwapo nya 'pag nakangiti?Nakakalusaw ang mga bawat tingin nya,at parang pinupukpok ng isang napakalaking martilyo ang puso ko.

Ay.......erase!Erase that thought!Hindi sya gwapo,hindi nakakatunaw ang mga tingin nya at......at......

Hindi pinupukpok ng isang napakalaking martilyo ang puso ko!

"Ok ka lang?"agad na nabalik ako sa reyalidad ng biglang magsalita ang lalaking ito.Bahagya akong tumango at nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko.

Pero habang nagpa-tuloy ako sa ginagawa ko ay palihim ko syang pinagmasdan.

Anong feeling ko habang pinagmamasdan ang lalaking iyon?

Para akong nasa isang bangin,na maling hakbang ko lang,hulog ang aabutin ko.Kaya maingat akong nakamasid sa bawat tinutung-tungan ko kasi ayokong mahulog,at baka walang sumalo.

                     **********
(Carla P.O.V)

Naka-upo sa armchair habang naka-pangalumbaba......'yan ang kasalukuyan kong ginagawa ngayon.

Nag-iisip lang ako ng mga bagay-bagay.Kamusta na kaya sila ma'am Jasmine at tsaka yung Tito ni Kayline.Nagkabalikan na kaya sila?

Kami kaya ni Iver kailan magkakabalikan?

Ay.......ano ba itong naisip ko!Erase.....erase........Wala na kayong chance ano ba Carla?Mag-move on ka na!

"Ok ka lang?"tanong sa akin ni Justin.Hindi ko namalayan na nandyan na pala sya.Tumango lang ako bilang sagot sa tanong nya.

"Sure ka?!"ay.....ang kulit ng lalaking ito sinabi ng ok lang ako eh!

"Oo nga ok lang ako!"medyo naiinis kong sabi.Ok lang ako at  makakalimutan ko rin sya. Magmo-move on rin ako.Napaka-kulit talaga ng Justin na ito.

"Ok ba yung umiiyak ka?"nagulat ako sa sinabi nya.Umiiyak ako?Iniiyakan ko ang lalaking iyon?Kinapa ko pa ang mukha ko at ayun......basa ang pisngi ko.Umiiyak nga ako.

CARLA.......ANO BA MAGTANDA KA NA NGA!HINDING-HINDI NA KAYO MAGKAKABALIKAN NG WALANG-HIYANG IVER NA IYON!

"Sorry,hindi na dapat ako nagtanong."nag-aalalang sabi nito habang nagkakamot ng ulo.Lalo kasi akong naiiyak.Nakakainis talaga!

Yumuko nalang ako.Hindi ko na namalayan na medyo marami nang nagsidatingan na mga classmates ko.Hanggang sa si ma'am na yung sunod na dumating.

Ayun.....nagsimula na kaming mag-lesson.Parang walang nagbago kay ma'am simula nang mag-usap sila ng Tito ni Kayline.Ganun pa din sya,hindi sya bumalik sa dati nitong ugali noong pasukan,'nung una namin syang nakilala.

Pagkatapos nitong mag-discuss ay mabilis na itong umalis.Tutulungan sana namin sya kaso nag-sungit na naman.Wala 'atang nangyari sa pag-uusap nila ng Tito ni Kayline.

"Kayline.....nakapag-usap na ba sila ng Tito mo?"tanong ko kay Kayline kasi pagka-alis na pagka-alis ni ma'am,tumabi agad ako sa  kanya.

At hindi lang ako ang nag-aabang ng sagot kasi maski sila Jennie at Joy ay nag-aabang nang paliwanag.

"Oo.Kaso,malay ko kung nagka-ayos na sila!"medyo na-dissapoint ako sa sagot nya.Pero naiintindihan ko naman.Wala sya sa posisyon para mangialam sa pribadong buhay ng Tito nya.

Ay........Oo nga pala!Alam na namin lahat ng tungkol kila ma'am at sa Tito ni Kayline.Kung paano naging sila at ang dahilan ng break-up nila.

Relate ako sa Tito ni Kayline.Kasi hindi nya alam kung bakit nakipag-break si ma'am sa kanya.Parang ako,walang idea kung bakit nakipag-hiwalay si Iver sa akin.

"May naisip ako guys!"biglang sabi ni Jennie na ikinagulat namin.Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito?

"Magkakabalikan sila,Promise yan guys!"

Lahat kami nagtaka sa sinabi ni Jennie.Ano na naman bang mga kalokohan nitong babaeng ito?

                    **********

(Jasmine's P.O.V)

Uwian na ng mga bata kaya naisipan kong dumaan sa classroom at baka ang mga 'mababait' kong estudyante ay hindi naglilinis ng room.Nagrereklamo na yung mga pang-hapong estudyante sa ginagamit naming room at gawa daw ng hindi naglilinis ang mga 'mababait' kong estudyante.

"Carla,ok na ba lahat?"tanong ko kay Carla.Isang tango ang natanggap kong sagot sa kanya.Kaya tumango na lang ako at pinagmasdang muli and buong room.Malinis na kaya isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Sumunod akong lumabas kay Carla na hinihintay ni Kayline.Hindi ko sana sila papansinin ng marinig ko nang di sinasadya ang pinag-uusapan nila.

"Mag-aala una na pero wala pa rin si Tito Rap!Kinakabahan na ako kasi magte-text sa akin yun kung hindi nya ako masusundo o busy sya!"nag-aalalang sabi ni Kayline.Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.Ano bang nangyayari?!Bakit kinakabahan ako?

Nag-aabang lang ako sa mga mangyayari ng biglang nag-ring ang cellphone ni Kayline.Sinagot nya ang tawag ng nakangiti ngunit ng  mga ilang sandali at umiyak Ito.Lalo tuloy akong kinabahan.

"Tito......"nauutal na sabi ni Kayline sanhi ng pag-iyak nito.Na halos pati ako ay napapaluha na rin.Ano bang nangyari sayo?

               ************ 

Nagmamadali akong bumaba sa isang hospital.Sinundan ko kasi si Kayline at si Carla na nagmamadaling sumakay sa jeep.Pupuntahan nya siguro ang tito Rap-rap nya.Pero ng malaman ko na dito sya sa isang hospital bababa,lalo akong kinabahan.Nagsisimula ng mabasa ang mga mata ko ng dahil sa mga luha ko na hindi ko namamalayang tumutulo na pala.

Kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.Tumakbo na ako papasok ng hospital at sinundan si Kayline na nakasakay na sa elevator.Nagmamadali akong pumunta sa isa pang elevator sa katabi ng sinakyan ni Kayline kaso hindi pa ito nakakabababa.No chjoice ako kundi mag-hagdan.

Tuloy-tuloy lang ako sa pag-akyat sa hagdan.Hanggang sa nakita ko si Kayline na papasok sa isang kwarto kaya sinundan ko sya.Nakita nya ako na papalapit sa kanya kaya di nya na naiwasang magtanong."Ma'am Jasmine,ano pong ginagawa nyo dito?"

"Anong nangyari sa tito mo?"natataranta kong tanong.Hindi ko na sya nahintay sumagot kasi pumasok na agad ako sa hospital.Pero laking pagtataka ko,kasi pagpasok ko walang tao.Tiningnan ko yung C.R,yung buong kwarto.Kaso wala talagang tao.

"Nasaan si Tito?"nagtataka ring tanong ni Kayline na sinagot naman ni Carla ng isang kibit-balikat.Ako naman,napaupo nalang sa kama habang pinupunasan yung mukha ko ng panyo kasi nga basa kakaiyak ko kanina.Tatayo na sana ako ng mapansin ko yung papel na nakapatong sa katabing table ng kama.Kinuha ko 'yon at binasa ang nakasulat doon.

Park

"Ha?Ano 'to"tanong ko kila Kayline kaso wala na sila sa pintuan.Nakatayo lang sila dyan ni Carla kanina ha?Nasaan na sila?Tiningnan ko ang buong paligid kaso hindi ko talaga sila nakita.Nasaan 

Park?Tama,maka-punta nga doon?Matagal na rin akong hindi nakakapunta doon.Pinagloloko lang 'ata ako ng mga batang ito eh?Yari sila sa akin bukas!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ghost CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon