chapter 20 (Scared to Death)

7 0 0
                                    

(Third persons P.O.V)

Busy sa paggawa ng kung anu-anong bagay si Jasmine.Nariyan ang pagsusulat ng kung anu-ano,pagbabasa,para lang masabing busy sya.Pero ang totoo,may iba syang pakiramdam na para bang di sya mapakali.

Ewan ba nya,hindi nya maipaliwanag kung ano ang eksaktong nadarama nya ng mga oras na iyon.Araw ng sabado ngayon at tapos nya na rin ang lesson plan nya.Siguro ay nabo-bored lang sya ng mga sandaling iyon.

"Jasmine.....may naghahanap sayo!"sigaw ng kanyang mama mula sa kanilang sala na rinig hanggang sa kwarto nya.Sino kaya ang naghahanap sa kanya at among kailangan nito.

"JASMINE......ANO BA!MAY NAGHAHANAP SAYO!BUMABA KA NA RITO!"natauhan sya ng dahil sa sigaw ng mama nya sa kanya.Iwinalis nya na sa isipan ang pag-iisip na kung sino ang naghahanap dito at bumaba na ito.

"Good morning Ma...."bati nito sa mama nya.Umupo ito sa sofa ng may pagtataka.Hinahanap nya ang bisita nya.

"Tawagin ko lang ang bisita mo.Tapos aalis na ako at mamalengke pa ako.Oh.....Aalis na ako ha!"paalam ng kanyang mama sa kanya.Ni-ngitian nya lang ito."Ingat po!"pahabol pa nyang sabi.

Samantala.......nasa labas ng bahay nila Jasmine si Rafael.Pinilit sya ng pamangkin nitong si Kayline at nang mga kaklase nito na pumunta sa bahay ng kanyang dating kasintahan upang magka-liwanagan silang dalawa.

Kinakabahan itong si Rafael at baka hindi sya kausapin nito.Ang hindi nila alam ay kasabwat nila Kayline ang mga magulang nito.Nais din nila na magka-liwanagan na silang dalawa.

"Rafael hijo......sige na pumasok ka na.Gising na sya at kanina ka  pa nya hinihintay."turan ng ina ni Jasmine at tuluyan na itong umalis.Sinadya talaga ng mama ni Jasmine na mapag-isa ang dalawang ito sa kanilang bahay upang magkaroon sila ng tsansang makapag-usap ng sila lang.

Nakasilip sa pinto itong si Jasmine dahil hinihintay nito ang bisita nyang naghahanap sa kanya.Nang mapagtanto nya kung sino ang bisita nya ay nanlaki ang mga mata nya at nagsimula nang kumaba ng sobrang bilis ang kanyang puso.

(Scene's Background Music-Scared To Death by Kz Tandingan)

"Anong ginagawa mo dito?"wala sa sariling tanong nya sa bisita.Umi-iwas pa ito ng tingin sa kanyang bisita dahil unti-unti nang naluluha ang kanyang mga mata.

"Umalis ka na!"nasabi nyang muli sa kanyang bisita.Ang bisita nya lang naman ay ang dating nobyo nitong si Rafael.

"Please naman!Mag-usap tayo...."pakiusap ng binatang si Rafael kay Jasmine.

Intro:
-You can leave me
Take away all that I have

"Umalis ka na!Wala na tayong dapat pag-usapan pa!"umiiyak nang sabi ng dalaga.Pati ang binata ay naiiyak na rin at marahan nyang ipinilig (umiling) ang kanyang ulo.

"Hindi.......hindi ako aalis.Jasmine mahal pa rin kita..... Please kausapin mo naman ako!"pagmamakawa ng binata.Hinakan nito ang kamay ng dalaga at marahang pinisil iyon.

You can want me
Love me for who I am....

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa!Tapos na tayo.Rafael Umalis ka na!"lumuluhang sambit ng dalaga na hindi ipinapahalata sa binata.Ngunit sa halip na sumagot ay hinalikan nito ang kamay ng dalaga.

Refrain:
Choices,romance......
Taking me high in the air

Para sa dalaga ay langit ang kanyang nadarama ng mga sandaling halikan ng binata ang mga kamay nito.Ngunit sila ay nasa sitwasyong hindi maganda kaya mas lalo itong naiyak at pinilit alisin ang kamay na hawak ng binata ngunit ayaw bitawan nito.

My Ghost CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon