His P.O.V
"Nagba-blush ka ba?"natatawa kong tanong sa babaeng katabi ko na sa tingin ko eh namumula ng dahil sa nakakamatay kong ngiti.......
Joke lang......
Ang yabang ko ba?Well,yung mga sinasabi ko eh ayon lang naman sa mga nao-obserbahan ko sa paligid......
Pero hindi naman talaga maitatanggi na gwapo talaga ako.
Kaya lang,wala na akong maalala sa nakaraan ko.Simula ng maging isang kaluluwa na ako,hindi ko na maalala kung sino talaga ako.
Anong pangalan ko?Saan ako nakatira?Sinong mga magulang ko at paano ako namatay?
'Yan lang naman ang mga tanong ko sa isipan ko na hindi ko masagot.Minsan nga,naitatanong ko rin sa sarili ko kung nabuhay ba talaga ako bilang tao?Kasi wala talaga akong maalala.......
"Bakit bigla kang natahimik?"sa lalim ng mga iniisip ko,hindi ko na namalayan ang presensya ng babaeng kausap ko ngayon.
"Madami lang akong iniisip."sabi ko sa kanya kasabay ng pagngiti ko pagkatapos kong sagutin ang tanong nya.Muli na namang namula ang mukha nya ng dahil sa pagngiti ko.Di naman sa pagmamayabang pero totoo naman eh!Napatingin ako sa kanya at sya rin napatingin sa akin kaya nagkatitigan kami pero sandali lang......
"Bakit ganyan makatingin?"naiinis nyang tanong.Ngumiti ulit ako tapos sinagot ang tanong nya.
"Namumula ka kaya!"
"Ang kapal mo feeling mo gwapo ka?"naiinis nyang sabi ulit na may kasabay ng pag-irap nya sa akin.
Napalitan ng ngisi ang mga nakakamatay kong ngiti.Joke lang ulit........
"Kanina pa tayo magkausap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo!Ano bang pangalan mo?"hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon.Alangan namang bawiin ko pa ang tanong ko.At tsaka mabuti na rin na alam ko ang pangalan ng kaisa-isang tao na nakakakita sa akin......
"Kayline Lanares....Ikaw?"tanong nya sa akin.Bigla na lang sumimangot ng very-very slight lang ang mukha ko.Eh kasi naman..!?wala talagang akong maalala kahit pangalan ko lang.Ano ngayon ang isasagot ko kay Kayline?By the way....Nice name!
"Pasensya na.....wala talaga akong maalala kung sino ako.Kahit nga pangalan ko hindi ko maalala."nasabi ko nalang habang nakayuko.Bigla syang lumapit sa akin.Ini-angat nya ng nakayuko kong ulo at pinagmasdan ang mukha ko panandalian.Pagkatapos nyang gawin 'yon ay sya naman ang yumuko.
"Sorry.Pasensya ka na rin sa tanong ko.Kasi naman!"marahan nyang iniangat muli ang mukha nya."Malay ko ba na wala ka palang maalala......"nakanguso nyang sabi.In fairness.....ang cute nya.
"Ano ka ba......Ok lang.Kapag naging tao na ako maaalala ko ulit yun!" nakangiti kong sabi.Sinuklian nya rin ako ng sweet smile.Simple lang pero nakakagaan ng pakiramdam.
"Kayline......Pwede humingi ng favor?"tanong ko." Pwede naman!Ano ba yun!?" sagot nya sa tanong ko na may kasunod na tanong.....
"Pwede mo ba akong tulungan sa misyon ko?"tumingin ako sa mga mata nya na para bang nangungusap.In short,nagpapa-awa effect......
"Oo na!"nasabi nya na lang ng may kasunod pang irap.No choice na sya eh siguro kasi alam nya sa sarili nya na kukulitin ko sya para lang pumayag sya.Sino ba naman ang may gusto na kulitin ka.....diba?
"Thank you!Balang araw masusuklian ko rin ang lahat ng turo mo sa akin...!Thank you ulit Kayline..!!masaya kong sabi na nagpangiti sa kanya.Napangiti nalang din ako.
A/N:Kauuwi lang galing Laguna.Nakakapagod kasi two days akong nakababad sa pool....Joke lang!Dahil sa bored ako dito sa bahay,nag-update na lang ako kahit na antok pa ako kasi naman,alas-kwatro kami ng madaling araw ginising kanina para umuwi na kami kaya inaantok pa kami lahat.Mga excited kasi umuwi palibhasa pagod!
Enjoy reading guys......
BINABASA MO ANG
My Ghost Cupid
RomanceSi Kayline ay isang nerd,loner at walang kaibigan.Pero nagbago ang malungkot nyang buhay ng makilala ang ilan sa mga classmates nya na itinuring na syang kaibigan.Lalo na ng makilala rin nya at the same time ang isang lalaking multo......pero may da...