(His P.O.V)
"Thank you talaga!Di mo alam Kung gaano mo ako napasaya!"masaya kong sabi habang yakap itong si Kayline.Sabi nya kasi tutulungan nya daw ako.
"Your welcome!Ano nga pala yung sinasabi mong tulong?"tanong nya.
"Hindi ko pa alam sa ngayon.Pero kailangan talaga kita eh!Nase-sense ko!"nakangiti kong sabi na nakapag-pakunot ng noo nya.
"May 'Nase-sense' ka pang nalalaman ha!"agad na napalitan ng ngiti ang naka-kunot nyang noo kanina pagkatapos nyang sabihin iyon.
Ngumiti na lang ako bilang sagot sa tinuran nya.Sinuklian rin naman nya ako ng isang ngiti.
Saglit na nag-hari ang katahimikan sa pagitan namin.Agad ko rin naman itong binasag sa pamamagitan ng pagtatanong ko sa kanya.
"May boyfriend si Ms.Jasmine!"tanong ko.Isang kibit-balikat ang nakuha Kong sagot mula sa kanya.
"Ewan ko.Wala naman syang nababanggit sa amin eh!"sagot nya.Napatango-tango na lang ako.
Nasundan ang tango ko ng isang buntong-hininga.Ano ba talaga ang misyon ko kay Ms.Jasmine.
"Alam mo sa palagay ko,broken hearted itong si Ms.Jasmine!Tapos sa inyo nai-bunton ang sama ng loob."napa-tingin bigla sa akin si Kayline ng naka-kunot ang noo.Nagtataka siguro sa sinabi ko.
"Iniisip mo na may boyfriend si ma'am?"tanong nya.Tumango naman ako.Bakas sa mukha nya ang pagtataka sa sinabi ko.
"Well hindi halata!At kung meron man,sino kaya?"tanong nya sa akin.Napa-isip kami parehas at alam kong iisa lang ang nasa isip namin.
Sino kaya ang boyfriend nya?Yan ang dapat namin malaman.
Napa-balikwas kami parehas.Bigla kasing may tumawag sa pangalan ni Kayline.Kaya nagmadali kaming lumabas para buksan ang gate.
"Anak....!"sabi nung babae na tumawag sa pangalan ni Kayline.Mama nya pala.Niyakap nya si Kayline at yumakap rin naman si Kayline sa kanya pabalik.
"Ma,napa-dalaw po kayo?"sabi ni Kayline habang umuupo sila sa sofa.May kasama yung mama nya.Isang lalaki na naka-suot ng pam-pulis na uniform.
Ako,nandito lang sa tabi at handa nang makinig sa kung ano mang pag-uusapan nila.Kahit na naka-tayo lang.Tawag dito tsismoso!
Joke lang..........
(Kayline P.O.V)
"Ma,napa-dalaw po kayo?"tanong ko sa mama ko.Sila kasi ni papa eh sa Maynila na naka-tira.Dun kasi yung trabaho nila.Sinasabi nila na doon nalang din daw kami,kaso ayaw namin parehas ng kapatid ko.Syempre marami kaming kaibigan dito kaya ayaw namin parehas.
Tinitingnan-tingnan nalang kami ng tita Lydia ko.Sya ang kapatid na babae ng papa ko.May sarili rin silang bahay sa kabilang barangay lang.Lydia's eatery ang business nya na talaga namang kilala ng lahat dahil sa sarap ng mga putaheng itinitinda ng tita ko.Kaya doon madalas si Nicole.
"Naalala mo pa ba ang Tito Rap-rap mo?"tanong ni mama.Bahagya namang napa-kunot ang noo ko.Pilit na inaalala kung sino si Tito Rap-rap.
"Yung palaging dumadalaw sa atin dati tapos laging may dalang cake na ube ang flavor?"Tumango si mama bilang sagot sa tanong ko.Napa-tingin ako sa lalaking kasama ni mama.May dala syang ube cake.Ni-ngiti-an ko sya.
"Tito Rap-rap?"nakangiti kong tanong.Hindi ko na sya pinasagot dahil agad ko na syang nayakap.
"Dati-rati 'pag napunta ka dito naka-school uniform ka ah!Ngayon nakapam-pulis na uniform na.Lumevel-up!"natawa naman si mama sa sinabi ko.Sya nga pala ang Tito Rap-rap ko.Pinsan sya ng mama ko.Mga nasa 26 years old na siguro kaya medyo di ko na masyadong ginagalang!Sama kong pamangkin no?
"Tito,napa-dalaw po kayo?"binalik ko kay Tito ang tanong ko kay mama kanina.
"Dito na kasi sya naka-assign.Nilipat sya ng dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya."Si mama naman ang sumagot sa tanong ko kay Tito.
"Ah.........ganun po ba?"nasabi ko nalang habang tumatango-tango.Tapos napa-dako ulit ang tingin ko kay Tito Rap-rap.
Parang ang lungkot ng mga mata nya.Kahit na naka-ngiti sya eh mahahalata mong may problema sya dahil nga sa malungkot nyang mga mata.
"Brokenhearted din sya kaya sya napadpad dito!"ayun......Kaya pla eh!Kaya pala sya sad.Brokenhearted sabi ni mama.
"Kawawa naman pala ang Tito Rap-rap ko eh!"umiiling-iling pa ang ulo ko habang nagsasalita.Natawa nalang sila ni mama.Pati itong lalaking ito na nasa likod ko na hindi nakikita ng kahit sino eh nakikitawa.
Nang makita nya akong nakatingin sa kanya ay natigilan sya.Inirapan ko kasi ang gwapo nya habang tumatawa sya.....
Ay........Erase!Erase!Ang panget kaya nya hindi sya gwapo!Ano ba itong mga naiisip ko!
"Anak,nakatira ang Tito mo malapit dun sa palengke kasama ang mga kaibigan nyang pulis.May kinuha silang maliit na apartment."sabi ni mama.
"Apat kami doon.Pag may kailangan kayo text nyo lang ako ha!"tumango naman ako sa sinabi ng Tito ko.Nag-kwentuhan lang kami saglit tapos umuwi na sila kasi hinahanap na daw ni papa si mama.Si Tito naman may gagawin pa.
"Sa linggo punta kami dito ni papa mo ha!"naka-ngiting sabi ni mama tapos hinalikan ako sa noo.
"Hindi nyo na po ba mahihintay si Nicole 'ma?Pauwi na po yun!"sabi ko kay mama.
"Dadaan nalang ako sa tita mo at may pina-pasabi din ang papa mo.Ba-bye na Anak!"sabi ng mama ko tapos nag-paalam na rin si Tito Rap-rap sa amin.
(His P.O.V)
Kakalabas lang ng mama ni Kayline pati na rin ng Tito nya.Kaya naupo agad ako sa sofa at mahigit isang oras 'ata ako nakatayo.Nangalay na yung mga paa ko!
"Mukhang masaya ka ah?"tanong ko kay Kayline.Ang lapad kasi ng ngiti nya eh!Cute sya.Oo cute sya at hindi maikakaila yun at hindi ko itatanggi.
"Ngayon ko lang kasi nakita ulit ang Tito Rap-rap ko.Tapos na-miss ko ang ube cake na lagi nyang dala at sariling bake nya."naka-ngiting sabi nya sabay sumubo ng ube cake na kinakain nya ngayong oras na ito.
"Kapatid ba sya ng mama mo kaya nagging Tito mo sya?"tanong ko.Bago nya ako sagutin ay sumubo muna sya ng cake.
"Hindi........pinsang buo sya ng mama ko."sagot nito tapos uminom ng tubig.
Kaya nya pala Tito kasi pinsan ng mama nya akala ko kasi kapatid ng mama nya eh!

BINABASA MO ANG
My Ghost Cupid
RomansaSi Kayline ay isang nerd,loner at walang kaibigan.Pero nagbago ang malungkot nyang buhay ng makilala ang ilan sa mga classmates nya na itinuring na syang kaibigan.Lalo na ng makilala rin nya at the same time ang isang lalaking multo......pero may da...