chapter 13(Kayline's adviser)

9 0 0
                                    

His P.O.V




Nakamasid lang ako sa paligid,at parami na rin ng parami ang mga dumarating na classmates ni Kayline.




Hanggang sa dumating na yung teacher nila.Kaya ang maingay na paligid kanina at tumahimik.Nagkaroon ng kapayapaan kung baga...




"Anong subject nyo teacher 'yan?"tinuro ko yung kapapasok lang na teacher sa unahan pagkatapos kong magtanong.Pasimple ulit nyang sinulat sa notebook na nasa lamesa nya ang sagot sa tanong ko.




"Adviser namin 'yan.Si Ma'am Jasmine,teacher namin sa A.P(araling panlipunan)"

Ngumiti ako sabay ng pagtango bilang pagsang-ayon ko sa sinabi nya.Biglang umilaw ang isa sa mga arrow ng pana ko,yung kulay brown.




Kinuha ko ito sa likod ko (diba yung pana nasa likod nakalagay 'yun!nakasabit pa nga minsan diba?imagi-nin nyo na lang!) at pinagmasdan.Luminga-linga ako sa paligid dahil baka ngayon na ang simula ng misyon ko!Ang misyon ko na ikalat ang pag-ibig sa puso ng mga taong magiging misyon ko at sa palagay ko natagpuan ko na ang isa.




Sino kaya sa mga tao dito ang misyon ko?Sino ang pa-panain ko sa kanila nitong pana ng pag-ibig




Napadako ang tingin ko kay Kayline.Nagulat sya sa biglang pag-ilaw ng arrow na hawak ko ngayon.Hindi nya mailabas ang emosyong nararamdan nya ngayon kasi baka pagkamalan syang baliw.Nagugulat ng walang dahilan....




Kayline P.O.V




Ok......ang hirap ng sitwasyon ko ngayon.Yung feeling na nagulat ka pero kailangan mong itago kasi magmumukhang baliw ka sa mata ng lahat.




Nakakagulat kasi ang biglang 'pag-ilaw ng pana nya.Well,yung isang arrow na kulay brown yung umiilaw.Sa sobrang curiosity ko,pasimple akong nag-sulat sa notebook ko.




"Anong nangyari?Bakit umiilaw 'yang hawak mong kulay brown na arrow?"

My Ghost CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon