(Joy P.O.V)
Maaga akong pumasok sa school.Wala lang trip ko lang.Maaga akong ginising ni mama kaya no choice kundi pumasok ng maaga.Kaysa naman tumambay ako sa bahay.Lalo akong tatamarin.....
Habang naglalakad ako papunta sa school,nasalubong ko si Justin.Tinawag nya pa nga ako.Lumingon ako kasi hindi naman ako bad girl at hindi rin ako snobber!
"Uy....ikaw pala!"sabi ko sa kanya at ni-ngitian ko sya.Ni-ngitian nya rin ako.
Tahimik lang kaming naglalakad ng bigla syang magtanong.
"Talaga bang ganun ang kaibigan mong si Jennie?"napa-kunot ang noo ko sa itinanong nya.Di ko kasi na-gets!
"Anong ibig mong sabihin?"nagtataka kong tanong.Isang buntong hininga ang pinakawalan nya bago nya sinagot ang tanong ko.
"Laging mainit ang ulo sa akin.Masungit din sya sa akin!May nagawa ba akong mali sa kanya?"bakas sa mukha nya ang lungkot habang nagsasalita.
"Ewan ko!Di ko alam!At tsaka no comment ako dyan!"sagot ko sabay kibit-balikat.Tumango naman sya.
"Okay......Pasensya ka na kung nakulitan ka sa akin.Nagtataka lang kasi ako at curious ng konte kaya nagtanong ako sayo."sabi nya habang nakatingin sa nilalakaran namin.
"Ah....ayos lang!Hindi naman nakakamatay ang pagsagot sa tanong mo!"nakatawa kong sabi.Naki-tawa rin naman sya.
Di ko namalayan na nandito na pala kami sa room namin kaya naghiwalay na kami.Sa unahan kasi sya nakaupo tapos ako sa likuran kasi diba katabi ko sila Jennie at Kayline.
Speaking of Kayline.......
Nandito na pala si Kayline eh.Ang aga nya ha!Siguro nakipag-kwentuhan kay Carla.
"Beh...."tawag nya sa akin.Ni-ngitian ko lang sya sabay senyas ko sa kanya na lumapit sya dito.Tinanguan nya naman ako.
"Aga ah.......!!!"nakangisi nyang sabi.Opo,nakangisi nga sya.Taray diba anong sinabi ko sa smirk nya!
"Eh maaga eh!"sabi ko sabay kibit-balikat.Isang malawak na ngiti ang isinagot nya sa akin.Ngumiti rin ako.Nag-ngitian kami.
Para kaming baliw!!!
Joke lang.Masanay na kayo sa akin ganyan talaga ako.
Sunod na dumating si Jennie na naka-busangot ang mukha at akala mo eh nabagsakan ng langit at lupa.
"Ba't ganyan mukha mo?"natatawa kong sabi kay Jennie.Inirapan nya lang ako.Ang sungit ha!
"Wag mo nang guluhin baka bad trip....."bulong sa akin ni Kayline.Tiningnan ko itong so Jennie at naku.....nakakahawa ang pagka-badtrip nito ha!Pati ako naba-badtrip na rin.
Sa bagay.....di ko sya masisisi kung badtrip sya.Ikaw ba naman ipahiya ng teacher mo......Naba-badtrip ka talaga.
Huminga nalang ako ng malalim tapos tumingin kay Kayline at ngumiti.
(Ms.Jasmine's P.O.V)
Nagmamadali akong pumunta ng classroom at five minutes late na ako.May quiz pa naman kami.
Pagdating ko sa room diretso agad ako sa teacher's table at umupo.Hiningal ako kama-madali na makarating dito.Tapos ay inilapag ko na ang mga gamit ko sa table.
"Magandang umaga!"bati ko sa buong klase.Tumayo silang lahat at binati rin ako.
"Magandang umaga rin po, Bb.Ramirez!"
"Magsi-upo na kayo."mahinahon kong sabi dahil ayokong ipahalata na hinihingal ako.Pinakuha ko na rin sila ng one whole sheet of pad paper.Para sa quiz namin.
Nang naka-kuha na sila ng papel,nagsimula na agad kami.Naka-bantay talaga ako sa mga estudyanteng ito at naku...... kung hindi pangongopya ang gagawin eh,mangongodigo naman.Oh diba........mababait na bata!
"Ma'am,may naghahanap po kay Kayline."sabi ng estudyante ko na naka-upo sa unahan malapit sa pinto.Si Carla 'yun.Istorbo ha.....alam na may nagki-quiz......
"Tito Rap......."tawag ni Kayline dun sa naghahanap sa kanya.Sinundan ko lang sya ng tingin habang papalapit sya sa taong naghahanap sa kanya na tinawag nyang Tito Rap.
Pagtingin ko sa pinto kung saan nakatayo si Kayline at yung taong naghahanap sa kanya,biglang nanginig ang buong kalamnan ko ng mapagtanto ko kung sino ang taong iyon.
Si Rafael.........
Si Rafael ang lalaking naghahanap kay Kayline at tinawag nya itong Tito.
Si Rafael Jacinto........
Ang boyfriend ko!
(Kayline P.O.V)
Nabigla ako ng biglang sabihin ni Carla kay ma'am na may naghahanap sa akin.Kinabahan ako kasi nagki-quiz kami baka maka-istorbo kay ma'am at mapagalitan pa ako.
"Tito Rap......."tawag ko ng makita ko si Tito Rap sa pintuan.Sya pala ang naghahanap sa akin.Tinext ko kasi sya kagabi sabi ko gusto ko ng ube cake.Favorite ko kasi talaga yung ube cake na iyon.....
"Tito Rap.....thank you ha!The best ka talaga!"sabi ko habang binubuksan yung dala nyang paper bag na may lamang ube cake.Natatakam na ako.
Tumingin ako kay Tito Rap Para sana ngitian Sya at mag-thank you ulit pero naka-tulala sya.Pumitik ako sa harap ng mukha nya tapos pumalakpak pa ako pero walang effect!Nakatulala pa rin sya.
Sinundan ko ng tingin yung tinitingnan nya.Tapos bumalik ulit ang tingin ko sa kanya.Si ma'am Jasmine yung tinitingnan nya at pati si ma'am nakatingin rin sa kanya.
Ok.......ano pong meron????
"Tito Rap!"tawag ko kay Tito sabay pitik ng kamay sa mukha nya.Matapos kong gawin yun at agad rin itong bumalik sa katinuan.
"Ah.....pasensya na!Pasensya na kung naistorbo kita."nauutal sya habang nagsasalita.At tsaka parang teary-eyed sya.Yun bang parang iiyak ka na perk pinipigilan mo lang.
"Tito,ok ka lang po ba?"medyo nag-aalala kong tanong.Tumango sya tapos tiningnan nya ulit si ma'am Jasmine.
"Oo.....ok lang ako.Kailangan ko na palang umalis."sabi nya sa akin."Ah.......ma'am,Pasensya na rin po!"sabi naman nya kay ma'am.Ilang segundo ang tinagal bago nya mapagtanto na sya ang kausap ni Tito.
"Ok lang nai-intindihan ko."sagot naman nito kay Tito tapos ngumiti ito.
Tumango si Tito tapos ay lumakad na ito papalayo.Pero tinawag ko ulit Sya.Lumingon naman sya.
"Thank you po ulit Tito!"sabi ko.Tinanguan nya lang ako tapos ay ni-ngitian at lumakad na sya papalayo.Hanggang sa hindi ko na sya matanaw.
"Ma'am,pasensya na po!"sabi ko habang naka-yuko.Tumango lang sya sa akin.Ako naman eh dali-daling bumalik sa upuan ko.Sabay huminga ng malalim pagka-upo ko.
"Bukas nalang tayo mag-check kaya paalam na!"biglang sabi ni ma'am habang inaayos na ang mga gamit nya sa lamesa.
Bigla na lang may tumulo na luha sa mga mata nya na halatang pinipigilan nya ngunit tumulo pa rin ito.
Pinupunasan nya ito at pinipilit na pigilan ngunit ayaw pa rin nitong tumigil sa pag-tulo.Lahat kami nagulat sa biglang pag-iyak nya.
Hindi na hinintay ni ma'am ang pagpa-paalam namin sa kanya at dali-dali na itong lumabas sa classroom.
BINABASA MO ANG
My Ghost Cupid
RomanceSi Kayline ay isang nerd,loner at walang kaibigan.Pero nagbago ang malungkot nyang buhay ng makilala ang ilan sa mga classmates nya na itinuring na syang kaibigan.Lalo na ng makilala rin nya at the same time ang isang lalaking multo......pero may da...