Prologue

119 9 4
                                    

"Please, let me fix the heart he broke."

          Habang nakaupo sa mapuputing buhangin kaharap ang dalampasigan, hindi ko maiwasang mapag-isip-isip.

      Ang parte ng aking nakaraan na nagdulot ng malaking puwang sa aking puso. Paano kung kami pa? Paano kung hindi kami naghiwalay? Mananatili kaya kaming matatag hanggang ngayon?

     Huminga ako ng malalim at hinayaan na muling umagos ang luha na ilang taon ko nang pinipigilan. Tila bay wala na itong humpay dahil kahit anong pahid ang gagawin ko ay hindi pa rin natutuyo. Patuloy ako sa pagpunas gamit ang likuran ng aking palad ngunit hindi pa rin naubos ang aking luha.

May napansin akong imahe ng isang tao kaya hindi ko mapigilang iangat ang aking mukha.

Agad akong tumayo at akmang tatakbo nang marinig ko siyang nagsalita.

"Don't be shy when you're crying. Its not like, someone will give you a prize if you don't." natigilan ako sa sinabi niya.

Nilingon ko siya ngunit hindi ko naaninag pa ang kaniyang mukha dahil nagsimula na siyang maglakad palayo.

    I wonder how he can say that. Oo walang magbibigay sa 'tin ng pabuya kung hindi tayo umiiyak, pero ang makita ka ng ibang taong umiiyak, its really a shame and I cant stand being like that.

     Muli akong humarap at nagsimula nang maglakad pabalik sa bahay. Mataas na rin ang sinag ng araw at medyo masakit na sa balat.

     Malayo pa sa bahay ay may napansin na akong pamilyar na tao palapit sa akin. Tila tumigil na sa pag proseso ang aking utak dahil hindi na ito gumagana. Hindi na ako tuwirang makapag-isip kung ano ba ang tamang gagawin.

      Sadyahin ko kayang ibundol siya? O kaya ay tatakbo nalang ako? Pero palapit na siya. Magtatago nalang kaya ako?  Puro nalang katanungan ang laman ng aking isip ngunit hindi ko mawari kung saan do'n ang pipiliin ko.

"Chelsea!" tawag niya sa pangalan ko.

 

       Bago ko naihakbang pabalik ang aking paa ay may tao nang humawak sa aking kamay at hinila ako patungo sa direksyon ng lalaking iyon.

"Whenever you're doubtful, always go with your first choice."

------------------------------------------------------

Comment below for dedication. Thanks :)

Once Again (Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon