Chapter Nineteen

13 3 3
                                    

       Strangers are not just the source of troubles.
      -Chelsea Kiarra Fernandez, 20
----------------------------------------------------

Binuksan ko ang mata ko at kinusot iyon ng bahagya. Nang tuluyang umayos ang paningin ko ay doon ko lang napagtantong naging kulay kahel na ang ulap.

Napailing na lamang ako at napasulyap sa wrist watch. 4:45 na.
Nakatulog na naman ako nang 'di ko namamalayan.

Tumayo na ako at pinagpagan ang damit. Pinulot ko ang sling bag at nagsimulang naglakad palayo sa lugar.

Gustuhin ko mang manatili ay kailangan ko nang lumisan. Normal na buhay na ulit ako bukas.

     Nakatayo lamang ako sa gilid ng daan at hinihintay ang pagdaan ng bus o taxi.

Ilang minuto na ang lumipas at unti-unti na ring lumulubog ang araw. Malapit nang dumilim ang paligid.

Paulit-ulit ang pagsulyap ko sa wrist watch. 5:30.

Napatingin ako sa tila abandonadong kalsada sa konti ng sasakyang dumaraan.

Ang tagal kong naisip ito. Bakit nga ba ako pumunta rito nang hindi dala ang sariling sasakyan? Ang hirap pa man ding makasakay sa lugar na ito.

Napatingin lamang ako sa flat sandals ko at pinagtadyakan ang maliliit na bato sa paanan ko.

Paano ako makakauwi nito? Eh kahit isang sasakyan wala man lang dumaan.

Kinuha ko ang cellphone mula sa sling bag at in-on iyon.
Agad na nagsipasok ang mga text messages.

Una kong tinawagan si daddy ngunit hindi siya sumagot. Baka iniwan niya na naman sa kwarto ang cellphone niya. Nakailang dial na ako ngunit wala talagang sumasagot.

Sunod kong tinawagan si Jeena.
"Sagutin mo Jeena. Kailangan kita ngayon." Ani ko at napakagat sa ibabang labi nang patuloy na nag-ri-ring ang cellphone niya ngunit walang sumasagot. Baka nag-bar na naman ang babaeng iyon. Sinubukan ko pa ng ilang beses ngunit wala talagang sumagot.

Sunod kong tinawagan ay si Zach. Sana lang ay sumagot siya.
Bago ko pa man mapindot ang call button ay agad nang nag-ring ang cellphone ko.
Para akong napaluha sa eksaktong pagtawag niya.

"God, Chelsea." Una kong narinig mula sa kaniya nang sinagot ko ang telepono.
"Everyone's looking for you. Where are you?" Aniya na para bang galing sa pagtakbo dahil sunkd-sunod ang paghingal niya.

I look around the place. The night is breaking at ako lang mag-isa sa lugar na ito. Tila nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang maisip ko iyon.

"Chelsea, still there?" Mas kalmado na ang boses niya ngayon.

"I'm here Zach," ani ko at bahagyang napayuko.
"In the place where you first met me." Ani ko at pahina nang pahina ang boses ko kasi pakiramdam ko may taong papalapit sa akin. Napalunok ako ng isang beses at pinigilan ang sarili sa paggalaw. Natatakot na ako.

"Don't go anywhere. Pupuntahan kita." aniya at pinatay ang tawag.

Mas lalo akong kinabahan ngayon. Binaba na ni Zach ang telepono at mas lalo ko lang naramdaman na ako lang talagang mag-isa.

Napalunok akong muli at gamit ang aking mata, ay sinilip ko sa magkabilang gilid kung may papalapit ba. Ngunit wala naman.
Pero pakiramdam ko talaga may taong palihim na nagmamasid sa akin.

Tila ba'y bigla nalang nanlambot ang tuhod ko at napaupo na lamang ako. Napayakap ako sa magkabilang tuhod habang pinigilan ang pag agos ng aking mga luha.

Ayokong naiiwang mag-isa sa dilim. Pakiramdam ko'y may masamang mangyari sa akin sa ganitong sitwasyon. Nawawalan ng kakayahan ang aking utak na mag-proseso sa tuwing kinakabahan ako, at sa tuwing mag-isa lang ako.

Patuloy ako sa paghikbi ngunit pinilit ko talagang hindi ito gagawa ng anumang ingay. Naiiyak nalang ako. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako.

Mas lalo pang lumakas ang pintig ng puso ko nang makarinig ako nga mahinang yabag ng paa. Mas lalong nanlambot ang katawan ko. Nanginginig na lamang ako sa kaba.
Palakas nang palakas ang yabag ng paa na aking narinig at pabilis nang pabilis din ang tibok ng puso ko. Mas lalong nanginig ang katawan ko sa labis na kaba. Nagawa ko pang sumulyap sa magkabilang gilid kahit kabang-kaba na ako.
Sa kaliwa ko ay may nakita ako anino kaya napayuko na lamang ako. Madiin kong ipinikit ang magkabilang mata at palihim na nagdasal.

Nasa ganoon lamang akong posisyon nang may biglang yumakap sa akin na siyang nakapag pawala ng kaba ko. Doon lang lumuwag ang dibdib ko at unti-unting bumalik sa normal ang aking paghinga.

Napaangat ang tingin ko sa lalaking iyon at nakitang ngumiti ang kaniyang mga mata.
Inangat niya ang palad niya at pinunasan ang iilang butil ng luha na umaagos sa pisngi ko.

Tinulungan niya akong tumayo at kinuha niya ang sling bag ko. Inalalayan niya akong maglakad hanggang nakarating kami sa sasakyan niya. Ang pamilyar na sensasyong ito. Hinding-hindi ko makakalimutan.

Nang makaupo na ako sa front seat ay pumasok na rin sya at pinaharurot ang kaniyang sasakyan.

Patuloy ako sa paghinga ng malalim at siya nama'y tahimik lang na nagmamaneho.

Walang nagsalita sa amin sa gitna ng biyahe. Umilaw ang cellphone niya at nakita ko ang isang pamilyar na babae na nasa wallpaper nya.

Nais ko sanang magtanong ngunit hindi ko na nagawa kasi may kausap na siya sa telepono.

Binaling ko na lamang ang atesnyon sa labas ng sasakyan at sinandal ang ulo sa head rest nito.
Pakiramdam ko'y naubos ang enerhiya ko kanina sa labis na kaba. Para akong sumali ng marathon sa pagod at antok na nararamdaman ko ngayon.

Habang nakasandal ay nakaramdam ako ng labis na pagka antok kaya hindi ko napigilan ang sarili na ipikit ang aking nga mata at tuluyang nawala sa ulirat.

Nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat. Nilibot ko ng tingin ang lugar. Madilim ngunit alam ko kung nasaan ako.

Napahinga ako nang malalim nang masulyapan ko na ang gate namin.

Tumigil na ito sa harap no'n. Nakaupo pa rin ako at hindu ba binuksan ang pinto.

Nang ilang minuto na qng lumipas ay sinulyapan niya ako.
Hinawakan ko na ang may pintuan at akmang bubuksan iyon nang bigla siyang magsalita.

"Never go back to that place alone." Aniya na walang makikitang ekspresyon sa mukha niya.

Napatigil ako sa pagbukas ng pinto at nilingon siya.

"T-Thanks," I stuttered. Hindi ako ang tipo na nagpapasalamat sa maliit na bagay. Pero siguro naman kailangan kong gawin ito ngayon 'di ba?

Tinanguan niya lamang ako at binaling ang tingin sa harap. Tuluyan na akong lumabas ng sasakyan at sinundan ng tingin ang papalayo niyang sasakyan.

Pumasok na ako sa gate at dumeretso sa loob.

Pagkarating ko pa ay agad akong sinalubong ni daddy na may luha ang mata.

"Where were you princess? Bakit hindi mo sinagot ang tawag ko?" Alalang tanong ni dad at inalalayan akong maupo sa sofa.

Nanatili akong tahimik at hindi sinagot ang tanong niya.

My mind was still occupied thinking of that guy. If it wasn't for him, I might not be able to go home this time.

--------------------------------------------------
Hulaan niyo sino ang guy ;) Dedicate-an ko ng isang chapter ang unang dalawang tamang sagot. Hahaha go.

Once Again (Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon