Chapter Seven

22 3 2
                                    

It isn't necessary to be happy everyday. You're not a human if you want to live that way.      
  -Chelsea Kiarra Fernandez, 20
-----------------------------------------------------

"She found out that my dad was cheating." nagsimula siyang magkwento ngunit hindi nakatingin sa akin.

Nanatili siyang nakatingin sa malayo.

"I was only 6 years old that time no'ng naghiwalay sila. Since then, gabi-gabi na siyang umiiyak. May times pa na makalimutan niyang kumain kaya pati ako hindi rin nakakain."
nagbuntong-hininga siya. "I always got sick pero hindi ko iyon pinapakita sa kaniya. Ayokong dagdagan pa ang problema ni mama." bakas sa kaniyang boses ang poot na nadarama.

Sa isang taong kagaya niya na sobrang masayahin, hindi ko akalaing ganito ang pinagdaanan niya. Na ganito ang istorya niya.

"We've been living like that for almost 5 years. Ang tagal nakabangon ni mama. Pagkagaling niya sa trabaho ay deretso siyang matutulog,  kaya kahit gutom ako ay itinulog ko nalang din." huminga siya ng malalim at tumingin sa kalangitan.

"Wala ba kayong katulong?" usisa ko pa.

"Wala. Matapos silang maghiwalay ni papa ay pinaalis niya lahat ng katulong sa bahay at driver." napatango nalang ako.

"I was 11 years old when I got into an accident. Grabeng aksidente 'yon. I thought that would be the end for me, but thanks god nabuhay pa ako. I was commatose for six years." napatingin ako sa mata niya.

Puno ito ng pagdadalamhati. Namumuo na ang butil ng luha rito pero pilit niyang pinipigilan. Stupid him. Mas lalo siyang masasaktan dyan.

"No'ng naka-comma ako doon lang muling nabalik si mama. Partially, nagpasalamat ako sa insidenting iyon." aniya at bahagyang natawa.

"Kung hindi dahil do'n baka ganon pa rin si mama hanggang ngayon." tuluyan na siyang ngumiti at nakatingin na sa akin.

"Thinking of those days, really broke my heart. Ang sakit mag-balik tanaw. " tumango-tango siya.
"But the more you speak it, the lesser the pain. "

        Deretso siyang nakatingin sa aking mga mata habang sinabi iyon.

"That's why I wanted to help you, Chelsea. Even if you're not my mom, you're still a woman. " napakaseryoso niya.
Nakatingin lamang ako sa kaniya at pilit iniisip kung ano ang kasunod niyang sasabihin.

"Life is tough, Chelsea. But the people around you will make it easier." napayuko ako.

     Siguro kahit tatlong taon na ang nakalipas at patuloy pa rin akong nasasaktan ay dahil hindi ko sinasabi sa iba ang sakit na naramdaman ko. Dahil parati ko nalang sinasarili ang aking emosyon. Hindi ako nagpapalabas ng emosyon sa ibang tao, maliban sa daddy ko.

"So you think that's the reason why I'm like this?" bigla ko nalang naitanong.
Humugot siya ng hininga.

"It could be. Kasi parati kang nagsasarili. You never made your emotions visible to others that's why you're having a hard time expressing yourself.  Kaya rin hindi naibsan ang sakit na nadarama mo kasi hindi ka madalas nagpapahiwatig sa tunay mong nararamdaman." huminga rin ako ng malalim at tumingin sa malayo.

"Sharing others about your emotions is really a shame." tumigil ako at hinarap siya.

"Nakakahiyang magkwento sa iba sa mga naramdaman mo. Tas iiyak ka sa harap nila at patatahanin ka nila? That's very childish."

"Kaya mo nasabi 'yan kasi hindi ka sanay. You keep on hiding it to yourself, kaya hindi kumawala sa katawan mo ang mga sakit na 'yan." bahagya akong natawa.

"Maybe, this pain will stay in my life forever." biro ko pa. Umiling siya.

"Maybe the scars will, but not the wounds itself." hinawakan niya ang kamay ko na labis kong ikinabigla.

Bakit ganun? Bakit parang may kakaiba nang magdampi ang mga balat namin?

"You know Chelsea, you just have to let go of the old love so the pain will also vanish ." aniya at marahang pinisil ang kamay ko.

"But letting go is really hard, Zach. And so with moving on. Hindi ko ata kaya 'yan." ani ko pa. 
Umisod siya palapit sa akin.

"Of course you can. Wala ka pa ngang ginawa sinabi mo nang hindi mo kaya." aniya at patuloy na pinipisil ang kamay ko.

Napatingin ako sa aming mga kamay. Kay tagal na panahon nang lumipas simula no'ng nahawakan ng isang lalaki ang kamay na ito. Ngayon lang ulit.

    Bahagya akong umisod palayo sa kaniya.

"I also want. But, I can't." ani ko at psaimpleng inalis ang kamay niya sa mga palad ko.

     Ngumiti siya.
"Then, you have to do something." aniya at umisod ng kaunti palayo sa akin.

       Habang naglalakad mag-isa ay hindi ko mapigilang mapag-isip. Kaya ko na bang magtiwala ulit? Kaya ko na bang ibahagi ang laman ng aking puso sa ibang tao? Patuloy kong tinanong 'yan sa aking isipan. Pero wala rin akong makuhang sagot.

         Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang may tumawag sa akin.

"Chelsea!" napalingon ako rito.
Si Zach.

"Why?"

"Sorry kanina kung sobrang drama ah. 'Di ko napigilan eh. Buti nga di ako naiyak." aniya at bahagyang natawa.

Nagkibit-balikat ako.
"It's nothing." namagitan na naman sa amin ang katahimikan.

"Zach," mahina kong sambit. Napalingon siya sa akin at naglakad pabalik. Sinara ko ang pinto ng sasakyan at hinarap siya.

"Bakit?"

"Are you sure you can help me get over this pain?" napawi ang kaniyang ngiti at napalitan ito ng seryosong pagmumukha. Mas lumapit siya sa akin at tumingin sa aking mga mata.

"I am certain of it. But you have to help yourself first." huminga ako ng malalim at tumango.

"I'm really desperate to overcome this pain kaya tatanggapin ko na ang tulong mo." lumawak ang ngiti niya.

"Thank you for considering my help, Chelsea."

Tumango lang ako.

"From now on, kailangan mong makinig sa akin. Ako ang love guru mo, okay?" aniya at nagpaka-strikto kunwari.
Artistahin nito.

"Okay. But don't boss me around, ayokong maging alalay. Okay?" taas kilay kong tugon.

Nilagay niya ang hintuturo sa panga at kunwaring nag-iisip.

"I'll think of that."

"Hoy!" ani ko at akmang sasapakin siya.

"Oo na. Sadista mo. Baka ako pa tuturuan mo, ah?" natawa nalang ako.

"I'm not a love expert. Duh?" I said then rolled my eyes.

Natawa na lamang siya.

"Okay. Kaya dapat kang makinig sa akin dahil isa akong love expert, naintidihan mo?" inismiran ko lang siya.

"'Pag ako niloloko mo, ipapakulong talaga kita." banta ko.

"I've never lied my whole life kaya mapagkatiwalaan mo ako." aniya at itinaas pa ang kanang kamay.

"Fine, fine. Nonsense mo." akmang bubuksan ko na ang pinto nang pinigilan niya ako. Napatingin na naman ako sa kaniya.

Hindi siya nakatingin sa akin at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.

Pumasok na lamang ako sa loob.Tinitigan ko ang papalayo niyang imahe, at napagtanto ko nalang ang sarili na nakangiti.

"Tsk! I'm such an idiot." ani ko at napailing nalang.

Once Again (Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon