Chapter Ten

21 4 0
                                    

When you are trying to make walls, build it without lapses.

-Chelsea Kiarra Fernandez, 20

-----------------------------------------------------

Nanatili akong tahimik habang dada nang dada naman ang babaeng 'to. Nakakubling siya sa aking braso habang patuloy akong pinaghihila sa kung saan.

Sabado ngayon at niyaya niya akong mag-shopping. Well, hindi talaga niyaya but pinilit.

Pumunta lang naman siya sa bahay ng 8:00 AM at dumeretso sa kwarto ko at ginising ako na may sunog daw.

No'ng labis na akong natataranta at namumutla na ay pinagtatawanan lang ako ng babaeng 'to. Alam niyang takot ako sa apoy. Marinig ko pa lang ang salitang 'apoy' at 'sunog' ay bigla nalang titigil sa pag-proseso ang utak ko. Maba-blanko ako at mapaluha nalang. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Siguro inborn lang talaga akong matatakutin sa apoy.

"Oh my gosh! Oh my gosh!" bigla akong natauhan nang marinig ko ang tili niya.

Agad akong napatingin sa kaniya at nagtataka siyang tiningnan.

"Nababaliw ka ba? Bigla ka nalang sumisigaw dyan!" ani ko at medyo lumayo sa kaniya.

"Woah! So, tama talaga si Kuya Zach. You've improved." aniya na para bang sinusuri ang buo kong pagkatao.

Natigilan ako sa sinabi niya. Lumapit ako't hinawakan ang balikat niya.

"How did you know Zach?" napakamot siya sa leeg at ngumiti ng pilya sa akin.

"Nakita ko kasi kayo do'n sa bench. Sinipa mo siya sa tuhod. No'ng nakaalis ka na ay nilapitan ko siya para tulungan siyang maghiganti sa'yo." napaawang na lamang ang bibig ko sa narinig.
Kaibigan bang matatawag ang taong ito?

"So?"

"But he is so good. Sabi niya nagkatuwaan lang daw kayo at hindi niya kailangang mag-higanti. Masyado ka raw mabait para higantihan. He's a liar, neh?" nasapak ko nalang siyang muli.

"Why? You think he's lying?" I asked. She burst out laughing.

"Is that something you should laugh?" aniya at napailing.

"Absolutely, he is. Siya pa ata ang unang taong nakapagsabi na mabait ka, Chelsea. He's amazing!" patuloy siyang tumatawa. I know right. Umiling nalang ako at naunang naglakad.

Hindi ko rin lubusang maisip na sinabi ni Zach na mabait ako. Eh wala akong ibang ginawa kundi insultuhin at murderin siya.
Tas tinawag niya pa rin akong mabait? Tch, really! Papansin din 'yon.

"Hey, Chelsea." muli akong natauhan nang may mga kamay nang nakawagayway sa harapan ko.

Kinuha ko ito at tinabig.
Napaangat nalang ang kilay ko pagkakita sa taong iyon. Tumaas na naman ang antenna ni teletubbies. Bilis talaga makasagap ng signal.

"What are you doing here?" ani ko habang naka-pameywang.

"She invited me." aniya at ngumuso sa tao sa likuran ko.
Nasapo ko nalang ang ulo. Napag-isahan na naman ako ng gagang 'to.

"Ooops sorry, ate. Hindi kita na-inform agad." aniya at nginitian ako. Ha! Akala niya ha.
"'Wag mo akong ma-ate-ate, Jeena. Naiinis ako sa'yo." ani ko habang nakatingin ng deretso sa mata niya.

Ngumiti siya at bahagyang umatras.

"Why? Kasi hindi kita sinabihan agad, or..." binaling niya ang tingin kay Zach. "Kasi narito ako at nakaistorbo sa inyo?" akmang sasapakin ko na siya nang may pumigil sa kamay ko.

"You should not do that. Masasaktan 'yan." napabuga nalang ako ng hangin pagkarinig no'n. Binaling ko ang tingin sa kaniya.

"Are you on her side? Edi magsama kayo!" ani ko at inis na tinabig ang braso niya. Ngunit mabilis niya itong nahawakan at hinatak ako palapit sa kaniya.

Dahilan nang sobrang paglapit ng aming mga katawan. Tae! Ang puso ko. Nagkakarera na naman.

"I will always be on your side Chelsea, no matter what. " bulong niya sa tenga ko.

Tila bolta-boltaheng kuryente ang pumasok sa sistema ko.
Tiningnan niya ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit pero napakasigla ng mga mata niya. Iisa ang sinisigaw nito.

'Yon ay ang saya. Kasiyahan lang ang nakikita ko sa maiitim niyang mata.

"Guys, we're in a mall." agad akong lumayo nang marinig ang bulong ni Jeena. Right. Muntik ko nang makalimutan.

Nauna akong naglakad sa kanila. Narinig ko pa ang mahinang halakhak ni Jeena sa likuran ko. Sarap nilang pag-untugin.

Pero naiinis na ako sa sarili ko. Parang ako lang rin ang sumisira sa pader na ginawa ko sa pagitan naming dalawa. Nararamdaman ko na. Isang tadyak nalang at tuluyan na itong mabasag. At ayoko pa no'n. Hindi ko alam kung kakayanin ko na ba. Wala pa akong tiwala sa sarili kong kakayahan.

"I'm sorry, Chelsea." bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa mesa. Kaming dalawa nalang ang naiwan dahil mamimili pa daw ang babaeng 'yon.

Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak dito.

Huminga nalang ako ng malalim at napatingin sa kamay naming magkalapat na nakapatong sa mesa.

"Those are the words I don't want to hear, Zach." sinulyapan ko ang aming mga kamay.

"Just please, don't say sorry when you mean what you've done. Nagmumukha kasi akong tanga na labis na nasisiyahan gayong pagkakamali lang pala." ani ko at bahagyang tumungo.

Lumuwag ang hawak niya sa kamay ko. Napansin ko ang kakaibang titig niya sa akin, ngunit hindi ko iyon pinansin.

"Chelsea..." mahina niyang sambit sa pangalan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko dahilan nang pagtagpo ng aming mga mata. Ang mga mata niyang nangungusap. Ang lahat ng kailangan mo ay makikita mo sa mata niya.

Why am I feeling this? I'm not supposed to feel this way. Matagal nang namatay ang puso ko, pero bakit muling pumintig ito ngayon? May second life ba?

Bago pa siya magpatuloy sa pagsasalita ay agad na akong tumayo. Kumaripas ako ng takbo at nakipagsiksikan sa kumpulan ng tao. Pinagsikapan kong hindi niya ako makita upang tuluyan na akong makaalis.

Huminga ako ng malalim habang nakapatong sa tuhod ang magkabila kong kamay.

"That was almost," ani ko at humugot ng malalim na hininga.

Lumabas na ako mula sa pinagtataguan. Agad akong napaatras nang magkasalubong kami ni Jeena na may dala ng maraming pinamili.

"Chelsea, where are you going?" nilingon ko siya at ngumiti ng pilit.

"I'm heading home, Jeena. Nawalan na ako ng gana." ani ko at nilampasan na siya.

Napansin kong hindi siya gumalaw. Hindi ko nalang iyon pinansin.

If I stay a bit longer, the walls I built would be really torn apart.

Once Again (Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon