Chapter Eight

26 4 3
                                    

     
     Missing the way we used to be is just a part of erasing you in my memory.       
  -Chelsea Kiarra Fernandez, 20

----------------------------------------------------

  As days went by, Zach haven't failed me yet. Ginagampanan niya nga ang pagiging 'love guru' sa akin. At sa tingin ko naman its actually working, a bit.

"Zach," napatigil siya sa paghigop ng kape at tiningnan ako.

"Hmm?"

"How would you define love?" I asked out of curiosity.

Binaba niya ang baso na hawak at inilaan ang tingin sa akin.

Hindi siya ngsalita at nakatitig lang talaga sa mukha mo.
Napakunot ang aking noo sa labis na pagtataka.

"You think there's such word that can explain love?" tumigil siya  at humugot ng malalim na hininga. Bahagya siyang umiling.
"I bet there's none."

"What nonsense  are you saying?" napabuga  ako ng hangin. "You love a person over no reason? How could you say you really love her when you don't have the basis?" unti-unting kumurba ang kaniyang labi at nilipat niya ang atensyon sa mga taong dumadaan.

"Love is not about reasons and explanations, Chelsea. Its  about feelings." tahimik kong ininom ang aking kape.

"When you love someone because you have reasons, then let me say that's not true love. Love with reasons is so immature."

Napaangat ang kilay ko pagkarinig no'n. Nanatili pa rin akong tahimik at hinintay siyang magsalita muli. Ngunit minuto na ang lumipas ay hindi na siya muli pang nagsalita.

"Have you experienced being inlove, Zach?" bigla kong naitanong. Natigilan siya at tiningnan  ako. Unti-unti siyang umiling.

"Our love will never exist. Not until either of us will be born again and have a new life." aniya at ngumiti ng matamlay. I stared at him. Is he loving a dead person? Or a person meant for someone else?

"How can you say your love will never exist? No one knows." Muli siyang umiling.

"I just know. She wasn't born for me. And we should not go against heaven's will." hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko ngunit tinitigan ko pa rin siya.

Ngayon lang ako nakakita ng ganito ka lungkot sa kaniyang mata. Tila walang buhay.

"You don't know. Maybe she was born for you. You just don't notice it yet." I tried boosting her confidence. Pero hindi niya pa rin ako nilingon.

"I hope so. Still, the decision will be up to her."

       Minuto ang lumipas ay tumayo na siya. Sinulyapan niya ang orasan at nagsalita.

"I'll show you something." aniya at hinawakan ang kamay ko.

Tumayo nalang din ako at nagpatinaod sa kung saan man kami pupunta.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na rin ako. Pumasok na rin siya  at pinaandar na ang sasakyan.
Hindi siya nagsalita sa buong biyahe kaya pinili ko na ring manahimik. Wala akong pagdududa na may masama siyang balak. Si Zach 'to eh. Pakiramdam ko trustworthy siya.

Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at napatingin sa tao sa gilid ko.

"We're here." kunot noo kong sinulyapan ang labas ng sasakyan just to see a paradise before me.

Hindi ko na siya pinnakinggan pa at agad na lumabas ng sasakyan. When I've got to step on the ground, parang gusto ko nalang pumasok ulit. Napakapit ako sa sasakyan at pilit na kinalaban ang aking nararamdaman. Pinilit ko ang sarili na huminga ng normal pero hindi ko nagawa.
Napaupo na lamang ako dahil tila hinigop ng lugar ang lahat ng lakas ko.
Why here? Sa lahat ng lugar bakit dito pa?

"Chelsea," dali-dali siyang lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo. Pero hindi pa sapat ang aking lakas para gawin 'yon. Naupo nalang din siya sa gilid ko at marahang tinapik ang aking likuran. Marahan akong humikbi sa sakit na nararamdaman.

'Di ko na kayang itago pa ito. Pakiramdam ko ay sasabog na talaga ang puso ko.
We stayed like that for over a minute hanggang nauna na rin akong tumayo. Pinunasan ko ang ilang butil ng luha sa mukha at akmang bubuksan na ang pinto ng sasakyan. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako.

"Are you gonna run for the rest of your life?" tila isang malakas na suntok ang bumaon sa mukha ko. Sapul ako sa tanong niya. Am I gonna run? Am I gonna hide forever?

"You knew?" gulat kong tanong sa kaniya.

Marahan siyang tumango.
"How?"

"Jeena." Parang gusto kong manaksak ng tao sa puntong ito. That girl!

"'Wag kang magalit sa kaniya. I just forced her to speak." nanggigiit ang bagang ko habang umiiling.

"That girl. Aish!" ani ko at inis na pinagtatadyak ang paa.

"I'm sorry. Alam kong ayaw mong halungkatin pa ang nakaraan niyo. But its for you to move on." paliwanag pa niya.
Kumunot ang noo ko.

"Move on? Paano ako maka-move on kung pilit mong pinapaalala sa akin ang nakaraan namin?  Paano ko siya makakalimutan?! Akala ko ba tutulungan mo ako, Zach! Nakakabadtrip ka ah!" ani ko habang patuloy naman sa pag-agos ang aking mga luha.

Inis akong naglakad, ngunit nahawakan na naman niya ang kamay ko.
Inis ko itong itinabig. Ngunit imbes na kumawala siya ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak at hinila ako palapit sa kaniya. Pinulupot niya ang braso niya sa likuran ko at hinaplos ito ng marahan.

"Listen, Chelsea." hindi pa rin ako tumigil sa paghikbi ngunit unti-unti na akong kumalma.

"The reason I brought you here is because I want you to say farewell to your old memories. Alam kong maraming nangyari sa inyong dalawa sa lugar na ito. He courted you here. Dito mo siya sinagot. You celebrated your anniversary in this place, and most of your dates were held here. Kaya alam kong masasaktan ka kung makikita mo ang lugar na ito. You think I don't know that?" Inalis niya ang pagkayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Pinunasan niya ang iilang butil ng luha na dumadaloy rito.

"I'm always sensitive to your feelings, Chelsea. Kaya gusto kong mawala na ang sakit dyan sa puso mo. You're not supposed to be like this. You're not supposed to be in pain. No one's supposed to make you cry." pagkarinig pa lamang niyon ay napaluha na naman ako.

Agad niya itong pinunasan gamit ang likuran ng palad niya.

"Ssshhh. I can't bear seeing you like this." kahit nakayakap sa kaniya ay pinilit kong punasan ang aking luha. Nang matuyo ito ay kumawala ako sa yakap niya at nginitian siya.

"You said you wanted me to say goodbye to our memories, right?" tumango siya.

"Then, let's do it." ani ko at hinila siya sa may gilid ng bundok kung saan tanaw ang papalubog na araw. Kung tutuusin ay napaka-romantic ng lugar pero hindi ko siya nararamdaman ngayon.

Pumulot ako ng maliliit na bato at inis iyong inihagis.

"I hate you, Enriquez!" ani ko at naghagis ng bato.

"Wala kang hiya! Wala kang karapatang saktan ako!" sigaw lang ako nang sigaw sa abot ng aking makakaya. Kasama na ang pagdarasal na sana'y maibsan itong sakit na nararamdaman ko.

"Hindi ka tunay na lalaki, Enriquez! Isa kang duwag! Xavier duwag ka! Walangya ka! Aaaaahhhh!" huli kong sigaw at inihagis ang lahat ng batong natitira sa palad ko.

     Nang matapos ako ay do'n ko lang nararamdaman ang pagod. Napahawak ako sa magkabilang tuhod at pilit na hinahabol ang hininga.

Naglahad siya ng bottled water kaya tinanggap ko ito agad at ininom.

"Do you feel better?" aniya nang sinauli ko sa kaniya ang bote.

"I think so." ngumiti siya.

Naupo ako sa damo at sumunod din siya sa akin. Hindi ako nagsalita at itinuon ang atensyon sa araw na malapit nang mapalitan ng buwan. Magdidilim na pero hindi ako nababahala. I can feel security when he is around.

"I'll come back to this place when I'm totally over him."

I promised to myself.

Once Again (Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon