Life is really hard to live laughing.
-Chelsea Kiarra Fernandez, 20---------------------------------------------
Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ay agad ko nang napansin si Zach na nakatayo sa harapan ng kaniyang sasakyan.
Tinitigan ko siya. He's cool. Maganda siyang manamit at halatang may kaya rin sa buhay.
Nang mapansin ako ay agad siyang naglakad palapit sa akin. Agad naman akong naglakad palayo sa kaniya."Chelsea," aniya at mabilis na hinawakan ang braso ko. Mabilis ko itong tinabig.
"What?" bulyaw ko. Napansin kong nagukat siya kasi bahagya siyang napaatras. Ngunit mabilis niya naman akong nginitian.
"This," aniya at nilahad sa akin ang isang paperbag na kulay rosas.
Sinilip ko ang laman no'n.
"What's this?"
"Mom baked it and," sinulyapan niya ang paperpag "she told me to give it to you."
Natahimik ako saglit.
"Your mom...knew me?"
Tumango siya.
"Of course. She knew everything in you." mas lalo akong napipi."I told her since she's my mom." nakangiti siya.
Napayuko na lamang ako. Ano ba ang pakiramdam na masasabihan mo ang nanay mo sa mga nangyayari sa buhay mo? Masaya ba? Hindi ko kasi nasubukan 'yan.
"She even said na ang cool mo raw. May kaklase daw siya sa high school no'n na pareho ng attitude sa'yo. Siya rin daw taga-payo no'n at madalas na kumo-comfort." patuloy siya sa pagsasalita habang naglakad kami palayo sa parking lot.
"Since then, madalas na siyang nagtatanong tungkol sa'yo. Kumusta ka na raw? Ganun pa rin daw ba ugali mo. "
Tiningnan ko siya.
"And?"
"Sinabihan ko siya ng totoo. Na madalas kang highblood at ayaw mong kasabay akong kumain. Tumawa lang siya. Siya nga nag-suggest na gawan raw kita ng lunch." nanatili akong nakayuko.
Is it that good? Is the feeling that nice? Kasi sa paraan ng pananalita niya para niyang kinu-kwento sa akin kung ano'ng nangyari sa kanila ng true love niya. Na para bang ang saya. At dahil sa sobrang saya ay mapapaluha ka nalang.
Nagulat ako nang hinawakan niya ang panga ko. Hinarap niya ito sa kaniya dahilan nang pagtagpo ng aming mga mata.
"I'm thankful," aniya at tinitigan ako sa mata. "That you're crying in front of me."
Natauhan ako. Agad kong kinapa ang pisngi ngunit pinigilan niya ang kamay ko. Ibinaba niya ito at pinunasan ang aking luha gamit ang kamay niya.
"You've improved a lot since the first time I saw you." nginitian niya ako. I didn't smiled back.
Though, deep inside nasisiyahan talaga ako. This guy always makes me feel secured. He kept on giving the assurance that I can overcome what I'm suffering right now. Its just, is it okay for me to trust him?----------
Mataas ang sikat ng araw. Nasisilungan ng mga punong kahoy ang mga upuan sa ibaba.
Nakaupo lamang ako at nakasalang ang headset sa tenga.
Napansin ko siyang paparating ngunit hindi ko siya pinansin. May kinuha siya sa bag niya.
"Here," nilahad niya ang lunch box. Paalis na sana siya ngunit mabilis kong nahablot ang kaniyang braso. Nawalan siya ng balanse kaya napaupo siya at napakalapit sa akin.
Nanatili kaming tahimik ng ilang saglit. Magkalapit ang aming mga mukha at nagkatitigan kami ng mabuti. His black almond eyes that shout hapiness. Its very lively. Puno ng emosyon ang mga mata niya. Nangungusap.
Agad ko siyang tinulak nang matauhan ako. Why am I complimenting him?
"I'm sorry." nakayuko niyang tugon.
Umayos ako ng upo at kunwaring inayos ang aking damit. I almost stepped out of the boundaries I made. And its not a right thing.
"Ahm, ?ay sasabihin ka ba?" nauutal niyang tugon.
"No, I mean yes." bahagya siyang natawa.
"Ano ba talaga?"
"I mean, just eat with me. Hindi rin kaya ng konsensiya ko na kinain ko ang pagkaing bigay mo tas hindi pa ako magpasabay sa'yo."
"No, its okay.I don't want to be a burden to you."
"You're not."
"What?"
Umiling ako. "Oppurtunities rarely come. Won't you grab it?" agad siyang lumapit sa akin at naupo.
"I won't let this pass."
Palihim nalang akong napangiti."Zach," ani ko at tiningnan ang lunch box sa harapan ko.
"Why do you keep on doing this?"
Binaba niya ang kutsara at tiningnan ako.
"Hindi ka lang pala highblood, Miss repeat ka rin pala." napabuga ako ng hangin.
"And now you're talking to me like that? Aba, remember we are not close." pa high blood effect kong tugon.
"Sus, gusto mo lapitan pa kita para maging close tayo?"
Napailing nalang ako."Ha-ha! Funny."Tumawa siya ng bahagya. Natahimik kami saglit hanggang sa nauna rin siyang nagsalita.
"Ayoko nang makakita ng babaeng umiiyak kasi hindi ko kaya. Sobrang nakakaawa." aniya at tinusok ng tinidor ang beef.
"So, you're saying that you approached me because I'm pitiful?" may panunumbat sa boses ko.
"Believe whatever you think. I just assure you na wala akong masamang balak at talagang malinis ang konsensiya ko. Nais lang kitang tulungan at alisin ang sakit sa dibdib mo."
"Aren't you being defensive right now?" Umiling siya.
"No. I'm just expressing my thoughts." prente niyang sagot at sumubo.
"Kung 'yan ang advocate mo, edi sana gumawa ka ng clinic at tumanggap ka ng mga pasyenteng broken hearted. Pa-healer effect ka pa." untag ko pa. Ngumiti siya at napatingin sa itaas.
"Nice idea. I'll do that when you're already fixed."
Napailing nalang ako.Wala na ata sa tamang pag-iisip ang telettubies na 'to. Masyado nang mataas ang antenna.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Wala talaga akong mapapala sa taong 'to kahit ano pang gawin ko.
"It's because of my mom, actually." natigilan ako nang bigla nalang siyang nagsalita.
Binaba niya ang kutsara't tinidor. Itinuon niya ang atensyon sa malayo.
"She lives bringing the pain in her heart." bigla na lamang sumeryoso ang pagmumukha niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko.
Now, my emotions have been triggered. And that's really not a nice thing. Kaya ayoko ng ganitong usapan eh.
Now, I really regret asking him that.
BINABASA MO ANG
Once Again (Wattys2016)
RomanceA girl trying to escape from falling in love. A guy wanting the girl to fall in love again. They were both wounded but the pain has changed them drastically. Is destiny really inevitable or it is our heart's decision that is unstoppable?