A good guy will make you look at life positively.
-Chelsea Kiarra Fernandez, 20------------------------------------------------------
Pagpasok sa gate ng village ay napansin kong papahina na ang takbo niya. Napatitig ako sa mukha niya at sa kamay niyang tensyonado. Napansin ko rin ang sunod-sunod niyang paglunok na tila ba'y nakakita ng multo sa takot.
Palihim akong napangiti nang maalala iyong panahon na inalok siyang pumasok sa bahay.
He said kailangan niyang paghandaan ang pagbisita sa bahay ng isang babae lalo na't nililigawan niya ito.
For sure, matagal na siyang naghahanda nito, right?"Zach?" pukaw ko sa atensyon niya dahil nakahinto na sa tapat ng gate ang sasakyan ngunit nakatitig lamang siya sa unahan. Tila ba'y napakalalim ng kaniyang pag-iisip at pansamantala siyang hindi nabibilang sa mundong ito.
"Zach?" tawag ko ulit nang hindi siya tumugon sa una.
Napalingon siya sa akin at para nang namumutla ang kaniyang labi sa labis na pagkagulat.Natawa ako.
"What's happenin' to you? Where did all the confidence go, Zach?" Kutya ko pa sa kaniya at bahagyang natawa.
Like seriously, ganyan ba talaga siya dapat mag-react?Hindi siya sumagot at nag-aalala lamang na tumitig sa mga mata ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at hinawakan ang magakabila niyang pisngi.
Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya at nagsalita.
"Zach, relax. Huminga ako ng malalim." sinunod naman niya ang sinabi ko.
"You don't have to be like this kasi hindi nangangain ng tao si daddy. Hindi siya ganun ka strikto kaya wala kang dapat ikabahala. Just be yourself, okay? 'Yan lang ang gusto niya. Hmm?"Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at huminga siya ng malalim.
"Okay." nginitian ko lamang siya at binitawan na ang kaniyang pisngi. Mabilis niyang kinuha ang aking kamay at inilapit iyon sa labi niya. Hinalikan niya ang likuran ng aking palad."Thank you so much, Chelsea." tumango lamang ako at lumabas na siya ng sasakyan.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at dumeretso na kami sa loob ng bahay.Nauna akong pumasok at nakasunod sa akin si Zach. Naroon na si daddy sa sala at pinapanood na naman ang paborito niyang Sherlock Holmes.
Napailing nalang ako habang unti-unting naglalakad palapit sa kaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi at sinulyapan si Zach na nasa aking likuran.
Napatingin naman siya rito. Sinenyasan ko si Zach na lumapit at unti-unti naman siyang humakbang palapit. 'Yung mukha niya, parang 'di na pwedeng iguhit."G-Good evening po," bati niya kay dad at bahagyang yumuko.
"I'm Zachary Jake Perez po. Chelsea's boyfriend." aniya na hindi man lang tumingin kay daddy. Nakayuko lamang siya habang binibigkas iyon.Nagpalipat-lipat lamang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Kay daddy na para bang sinusuri ang buong katawan ni Zach at kay Zach naman na hindi kayang tumingin ng deretso kay daddy.
Matagal na nakatitig si daddy kay Zach at wala man lang salitang lumabas sa bibig niya. Talagang sinusuri niya ng maigi ang boyfriend ko. Hay, daddy talaga.
"Dad," mahina kong bulong sa kaniya dahil napansin kong mas lalong naging tensyonado ang bawat kilos ni Zach. Pati paggalaw ng kamay niya ay parang pinipigilan na niya.
Mabilis niyang itinaas ang kanang kamay, hudyat na 'wag muna akong magsalita.
Bahagya naman akong napaatras at napalunok ng laway. Ang seryoso niya ngayon. Pati tuloy ako natakot."Zach?" tawag niya sa pangalan nito. Napaangat naman ang mukha ni Zach at ngayo'y nakatingin na kay dad.
"Can you defend and protect my daughter's heart?" pareho kaming natigilan sa tanong na iyon.Ano ba 'yang pinagtatanong ni daddy? Wala naman kami sa korte suprema.
Umayos ng tayo si Zach at tumingin sa akin, bago deretsong tumingin kay daddy.
"I am more than willing to do that, sir. And I can't even bear seeing Chelsea crying in pain again."Bahagyang tumango si daddy at hinubad ang eye glasses niya at pinatong ito sa side table.
"You just said what I wanted to hear." nakahinga ng maluwag si Zach pagkarinig no'n. Pati ako'y nakahinga rin. Kakaiba talaga si daddy pagdating sa boyfriend.
"What if unintentionally, you'll send pain to my daughter's heart? Will you take measures for the action?" magsalita sana akong muli nang itinaas na naman ni daddy ang kanan niyang kamay. Natigil na naman ako't napaatras.
"That, sir, I'm not sure." inangat ni Zach ang mukha at sinulyapan ako.
"I don't even know what I will do to myself if I see Chelsea crying because of me. Hindi pa po ako sigurado kung kaya ko pa bang patawarin ang sarili ko kung magawa ko ang bagay na 'yan, sir."Tango lang ang iginanti ni daddy. Namayani ang katahimikan sa loob ng bahay hanggang si daddy rin muli ang nagsalita.
"You should still forgive yourself. Because if you won't, then who will? Ikaw lang rin naman ang magsasakripisyo ng lahat kung hindi mo gagawin 'yan." huminto saglit si daddy at huminga ng malalim.
"And besides, kung sakali mang masasaktan mo ang anak ko, its not like you committed murder. Hindi pa naman siya mamamatay, mawawasak lang pansamantala ang kaniyang puso. " dagdag ni daddy at nilingon ako."What's with being so negative, dad? Hindi ako sasaktan ni Zach." I said.
Napansin ko na tinitigan ako ni Zach ngunit kay daddy ko itinuon ang aking atensyon."Pain exist not as opposite of love, dear. But as a part of it." Sagot naman niya at inilipat ang atensyon kay Zach.
"I'm just pointing out the reality here because that is inevitable."Lumawak ang ngiti ni Zach at tumango kay daddy.
"Its also because of the love you bestowed to Chelsea, sir. That's why you wanted her to be secured and kept her protected."
Tumango rin si dad at nginitian si Zach. One genuine smile.
"That's it." aniya at tumayo na mula sa sofa.
"Dinner's ready. We better eat." nauna siyang naglakad papuntang kitchen at sumunod naman ako.
Naupo si Zach sa gilid ko at bahagya niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay na nasa may lap ko pa.
Tiningnan ko siya at gestured him its fine. Nginitian niya ako at nagsimula na kaming magdasal sa pangunguna ni Zach."So, how far have you two reached?" Napahawak ako sa dibdib nang marinig iyon. Bigla na lamang akong nabulunan. Pakiramdam ko'y nagsitakbuhan ang lahat ng aking dugo patungo sa aking mukha sa labis na pamumula.
"Dad!" saway ko sa kaniya ngunit ngumiti lamang siya.
Ano ba'ng nagyari sa kaniya ngayon? May sumanib bang masang elemento sa daddy ko at napaka-weird ng mga tanong niya?"Only holding hands, eye contact and nose to nose, sir. Not more than that." nabigla ako sa honest na sagot ni Zach.
"Really? Great to hear." ani dad na bakas ang pagkamangha sa mukha.
Sinulyapan ko si Zach at nakatuon lamang ang atensyon niya sa pagkain.
"Can I ask you one thing?" Napatingin si Zach kay daddy.
"Ano po 'yon?"
"Treat her like a princess. And when I say princess," sinulyapan ako ni dad.
"Do not spoil her. 'Wag mong sundin lahat ng utos niya dahil gagawin ka lang niyang katulong.""Dad!" saway kong muli kay daddy.
"'Di ako ganyan ah!" ani ko at kunwaring nagtatampo.
"I'm just trying to lighten up the atmosphere, dear." kunwari ay bulong niya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.
"But this is serious Zach," umayos nga upo si Zach at tumingin kay daddy.
"Treat her like she's the only girl living in this planet."I glanced at dad's expression for a while. And realized, how can he be so sweet and gentle at the same time?
"Yes, sir. From this day onward, I'll make sure to protect her with all my might. I'll give her more than what I have, and love her 'till eternity."
It was expected that Zach could really utter those words. He's a passionate and sweet guy, afterall. But it just feels so different hearing those words right now. In the front of my father, whom he feared a lot, and to me whom he loves the most.
BINABASA MO ANG
Once Again (Wattys2016)
RomanceA girl trying to escape from falling in love. A guy wanting the girl to fall in love again. They were both wounded but the pain has changed them drastically. Is destiny really inevitable or it is our heart's decision that is unstoppable?