It needs a quite long time before you can manipulate your emotions.
-Chelsea Kiarra Fernandez, 20----------------------------------------------------
Nasa loob lamang ako ng classroom at nanatiling tahimik. After going out for two hours ay bumalik na rin ako sa paaralan.
Napansin ko lang na masyado nang napapadalas ang pag-cutting classes ko kaya dapat ko nang itigil ito. Ayokong ma-dissapoint si daddy.
"Fernandez?" nabalik ako sa ulirat nang marinig kong tinawag ng guro ang aking pangalan.
Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi nagsalita."Are you okay?" aniya at kinapa ang noo ko.
Aalisin ko sana ang kamay niya nang mapagtanto ko.Gosh, Chelsea guro 'yan.
Kaya hinayaan ko nalang siya.
"You seemed sick. I'll take you to the clinic." aniya at hinawakan ang balikat ko. Kusa akong tumayo at dumistansya sa kaniya.
"I can go with my own, sir" mahinahon kong tugon at lumabas ng silid.
Habang naglalakad patungo sa clinic ay nakasalubong ko na naman ang teletubbies na ito. Lakas maka-detect eh.
"Chelsea," aniya at sinulyapan ang kamay kong nakasapo sa noo. "Are you okay?"
Tumango nalang ako at nilagpasan siya. Mabilis niya akong hinabol at inalalayan akong maglakad.
"I said I'm fine." ani ko at pilit inalis ang kamay niya sa aking balikat.
"You don't have to pretend that you're okay, even if you're really not. Just be true to yourself, Chelsea." hindi nalang ako tumugon.
Wala akong sapat na lakas para makipag-bangayan ngayon sa taong 'to.
Pagkarating sa clinic ay agad naman kaming inasikaso ng nurse. Pinainom niya ako ng gamot. Ilang minuto ang lumipas ay dinalaw ako ng antok kaya natulog muna ako.
Naalimpungatan ako pagbukas ng aking mata. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid at dun ko lang napagtantong nasa clinic nga pala ako. Napatingin ako sa mabigat na bagay na nakadagan sa aking braso.
Napatitig ako sa natutulog niyang mukha. This guy, even until now I still see him as a total stranger. I cannot read his mind nor predict what's he's going to do next.
But his personality is really visible. Walang ka misteryosohang nakapalibot sa kaniya dahil totoong-totoo siya sa sarili niya. He showed everything in him and talked a lot. Parang wala siyang kailangang itago.
There's only one thing I envy with this guy, and that is his courage.
Napansin kong gumagalaw ang ulo niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Tumingin ako sa gilid niya. Ayokong mahuli na tinitigan ko siya. Mahirap na.
"Oh, gising ka na pala." He said then rubbed his eyes. Nagpapa-cute ba siya? Tsk!
"Hindi ka na ba nahihilo?" umiling ako.
"Gusto mo ng tubig?" umiling ulit ako.
"Eh, foods?" aniya at bahagyang tumayo.
Agad kong inabot ang kamay niya at hinila siya paupo.Nakatingin lang siya sa akin ngunit hindi nagsasalita.
"Why are you doing this?" mahinahon kong tanong.
"Wow! Nanghihina ka rin pala pag nahihilo." aniya at pinakita ang masigasig niyang ngiti.
"Don't avoid the topic, Zach." biglang sumeryoso ang mukha niya.
Huminga siya nang malalim at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Once Again (Wattys2016)
RomanceA girl trying to escape from falling in love. A guy wanting the girl to fall in love again. They were both wounded but the pain has changed them drastically. Is destiny really inevitable or it is our heart's decision that is unstoppable?