Chapter Thirteen

19 4 0
                                    

      Living an ordinary life will always be uneasy. Struggles are always on the way.
-Chelsea Kiarra Fernandez, 20

----------------------------------------------------

Tila nanlambot ang tuhod ko pagkatapos marinig ang sinabi niya. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang aking kasagutan. Nakatulala lang din ako sa kaniya at hindi alam ang isasagot ko.

"I'm afraid." nauutal kong tugon.
He laughed.

"You're fiercer than her, yet you're afraid?" natatawa niyang tugon.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi.

"That was... before you melted my heart." ani ko at nag-iwas ng tingin.

"Did you say anything?"
pilit ko siyang nginitian.

"Sabi ko, ayoko kasi natatakot ako. Bingi."

Bahagya siyang umiling ngunit nanatili ang ngiti sa kaniyang labi.

"My mom is pretty fine, Chelsea. Hindi siya gagawa ng bagay na alam niyang ikagagalit ko. So there's nothing to worry about." huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya.

"You sure?"

"I am."

Bumuntong hininga ako nang ilang ulit.

"Kailan nga ulit 'yon?"

"This Saturday night." aniya na napakalawak ang ngiti.

"Fine. I'll think of it."
Hindi na siya nagsalita at nakatingin nalang sa akin. Hindi napawi ang mga ngiti niya kaya tila nahahawaan na rin niya ako.
I wonder how he affects me like this though he's not doing anything

      Habang naglalakad papuntang parking lot ay nagkakabanggaan ang mga kamay namin. Pilit ko iyong binalewala at umaktong hindi naapektuhan.
Pero ang totoo, para akong naku-kuryente kada tagpo ng mga palad namin.
Napatingin ako sa kaniya ngunit nakatuon lamang ang atensyon niya sa daan. Hindi ko maiwasang ma-dismaya. Grabe ang epekto niya sa akin, pero wala lang pala iyon sa kaniya. Nakakainis ha!

Umisod ako palayo para maiwasan na ang pagtapo ng mga kamay namin nang maramdaman ko ang malambot niyang kamay sa palad ko. Napatingin ako sa kaniya ngunit hindi naman siya nakatingin sa akin.

I cracked a smile then locked my hands to his. Now, its even more comfortable walking like this.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang lumingon siya akin.

"You don't have to be shy, Chelsea. You can stare at me each and every moment." unti-unti ko siyang nilingon at nakatingin pa rin siya sa akin.

Bahagyang kumurba ang labi ko nang masilayan ko siyang ngumiti. He's smile is influential.

"You're far from my ideal guy, Zach. But something in you says that you're special." I said while looking intently to his eyes.
His eyes that showed kindness and purity.

"It isn't necessary to be with you're ideal person, Chelsea. What's important is that, you are with the person who makes you feel special."

Bahagyang napawi ang matatamis kong ngiti. Napatingin akong muli sa mata niya. All I can see is sincerity. He's always been sincere with his words. He never fails to amaze me.

"And that's what I'm feeling when I'm with you, Zach. I am always special." huminga ako at ipinikit ang aking mga mata.

Naramdaman kong inilapit niya ang noo niya sa akin kaya hindi ko maiwasang mangamba. I slowly opened my eyes, just to see his angelic face before mine. His eyes shut while breathing heavily.

"Because you are, and will always be." he said, almost a whisper.

I can't help but smile. Talagang alam niya kung paano pagaanin ang loob ko, and the same palakasin ang tibok ng puso ko.

I wrapped my hands on his back and hugged him tightly. I felt security. The peacefulness. Only Zach can make me feel like this.

"Thank you, Zach. For pulling me out of my shell." napansin ko ang bahagya niyang pagtango.

"Its my pleasure to see you smile, Chelsea. That's my greatest happiness." hindi nalang ako sumagot.
Nanatili akong nakayakap sa kaniya at ninanamnam ang mga sandaling iyon.

Why don't I feel like letting go?

Pagkarating sa tapat ng bahay ay nauna siyang lumabas. As usual, pinagbuksan na naman niya ako ng pinto.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay dumeretso ako sa gate. Akmang isasarado ko na ito nang mapatingin ako sa kaniya.

"Why don't you come in, Zach?" umiling siya.

"Going in to the house of the girl we courted is something every guy must prepare." napatango ako. Huminga nalang ako ng malalim.

"I see. Sige, papasok na ako." nginitian ko siya.

Tumango lamang siya at pumasok na sa sasakyan. Pagpasok ko pa sa bahay ay naabutan ko si dad sa sofa na kaharap ang laptop niya. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano.

"Kaya pala hindi mo na nagalaw sasakyan mo," panunukso pa niya.

Natigilan ako sa pag-akyat sa hagdan at napatingin sa kaniya.

"That's unusual to see someone driving you home, honey." napakamot na lamang ako sa pisngi.

I don't know what to say. Hindi ko napaghandaan 'to.

"Invite him over dinner. Para ma-examine ko kung papasa ba siya."

"Pa!" itinaas niya ang dalawang kamay na tila ba'y sumuko. Tumawa siya.

"Oops, sorry." napailing nalang ako sabay tawa.

"He said kailangan daw niyang paghandaan ang pagpasok sa bahay." tumango-tango si papa.

"Bakit? May paligsahan ba sa bahay natin?" nahilot ko nalang ang noo.

"That's funny of you, pa." I said full of sarcasm. Ngumiti lang ulit siya.

"I'll be upstairs. Magbibihis lang po ako."

"Okay. Bumaba ka agad para kumain." bumalik na siya sa dating gawi.

"Okay!" ani ko at tumakbo na paitaas.

Kinabukasan, araw ng Sabado ay wala akong pasok. Pagkagising sa umaga ay dumeretso ako sa banyo upang maligo. Pupunta pa ako ng mall para mamili ng damit na isusuot mamaya.

Pagkalabas sa banyo ay sakto namang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali kong tinapis ang tuwalya at tinungo ang side table. Sinagot ko ito.

"Oh my god! Ang aga mong nagising,  ate!" nagtitili niyang tugon. Napabuga nalang ako ng hangin. Ka-aga aga binubulabog niya na ako.

"Ano'ng kailangan mo, Jeena?"

"Oh, galit ka?"

"Marami pa akong gagawin babae ka kaya tigilan mo ako. Bye!" ani ko at pinatay ang tawag.

Bago pa man ako maka hakbang ay tumunog ulit ang telepono ko. Bumuntong hininga ulit ako.

"Ano ba talagang problema mo ha? Tigilan mo ako Jeena. Baka masakal kita dyan." ani ko at akmang ibababa na ang telepono.

Ngunit natigilan ako nang marinig ko kung sino ang nasa kabilang linya. Bahagya siyang tumawa bago nagsalita.

"Good morning, its me." napakagat nalang ako sa ibabang labi nang mapagtanto ko kung sino iyon. Huminga ako ng malalim bago sunagot.

"There ain't good with my morning, Xavier. So stop bothering me." pinatay ko na ang tawag.

Napaupo na lamang ako sa kama habang sapo ang aking noo.

My day is totally ruined! God!

Once Again (Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon