Chapter 5

1.9K 48 0
                                    

==========Deetrey's PoV

"Ads may liligawan ako" sabi ko sa kanya

"anong bago dun?" sagot niya

"Grabe ka naman.. syempre ito seryoso na" sagot ko naman..

"pfffffffftttttttt... hahahaha.. pre nasaniban ka na naman ata.. hahaha.. anong nakain mo ha??" sabi niya sabay kapa sa noo ko...

"Tado ka pre.. seryoso na nga ako e" sabi ko ulit sabay batok ko sa kanya..

"aray pre. Upakan kita dyan e" sabi niya at akmang uupakan ako buti nalang at dumating si Francis

"sino ba yang liligawan mo?" tanong naman ni Francis na kararating lang. nandito nga pala kami sa tambayan namin sa likod ng school kasi maganda dito walang masyadong estudyante na napapadpad dito sa may bermuda grass kami nakaupo..

"ah eh.. si anu sana ee-" kamot ko sa ulo ko

"Sino??" sabay na tanong nila at nag.aabang sa sagot ko.

"Si----"

"SINO NGA PRE? Tado ka naman para sasabihin lang ang pangalan di pa magawa akala ko ba babaero ka?" Francis

"ok.. ok.. si Justine" sabi ko

"Si—si Ju--Justine Albuena??" Tanong ni Francis na nauutal.

"Hindi nga pre?? Seryoso kang liligawan mo siya?. Ppffffffffffffftttt. Hahahah.. adik ka ba?? Ee ang suplada non pre" sabi ni Ads sabay tap sa balikat ko na natatawa.

" oo nga pre. Wag nalang siya, marami namang iba dyan e. ligawan mo nalang yung kaibigan niya si Krysta.. o kaya naman si Cath.." sumunod na sabi ni Francis

"Oi, pre wag si Cath akin yun uyy.." sabi ni Ads

"O__0... 0___O.. " ganyan lang reaction namin ni Francis sa sinabi ni Ads

''O bakit ganyan mga mukha niyo?" inosenteng tanung ni Francis.

"e pre diba may girlfriend ka?" Sabi ko naman..

"wala na kami non. Break na kami" Deretsong sagot niya

"huh?? Kelan pa? e diba ang tagal niyo na?" naguguluhan tanong ko

"kagabi lang" sabi niya.

"ANO?? Di ba mahal niyo naman isa't-isa kahit LDR lng kayo??" sabay naming tanong ni Francis na gulat na gulat.

"Bingi lang?? hindi porket matagal na kami at mahal na mahal ang isa't-isa ay kami na habang buhay. Kahit gaano pa katagal na kayo, may mga bagay din na hindi maiiwasan kaya minsan kailangan din ng space ng bawat isa sa amin para makapag-isip-isip muna, oo mahal ko siya and mahal din niya ako, malayo kami sa isa't-isa, once or twice in a week kami mag-usap thru phone. Kaya kami nagbreak ay hindi dahil sa may Third party o kung anu man, we just need some time and space to think and realize everything that have done. Yun lang.." sabi niya na nakatingin sa malayo.

"so.. gagawin mong panakip butas yang si Cath?" tanong ko. at nagShrug lang siya..

Kkrrrrrrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnnnnnggggg

Di na kami nakapagsalita ni Francis sa sinabi ni Ads, tama siya minsan talaga kaylangan din ng space ng bawat isa. Nakarating na kami sa room and lecture lecture na naman and quiz. Laging ganun ang daily routine namin ngayon mga nakalipas na buwan at malapit na ang 1st exam namin.

=======Someone's PoV

Narinig ko lahat ng usapan nila kanina sa likod ng school and tama liligawan ni Deetrey si Justine. Si Justine na suplada, Si Justine na palabasa ng Libro, si Justine na maganda sa paningin ko at si Justine Albuena na Mahal na Mahal ko.. hays.. Kawawang Deetrey naman.. mababasted agad.. bwahaha.. hala ang sama ko ba?? Hindi naman di ba? Mihihihi.

=========Krysta's PoV

  
Hayst.. kakapagod naman sa utak, lagi nalang ganito every lecture laging mas quiz na kasunod, masyadong nag-eenjoy si Ma'am sa pagbibigay ng quizzes.. T__T

"oh anak bat parang haggard na haggard ka? Anyare??" si mama yan, may pagkabipolar din to minsan e..

"napagod lang po mama, sunod sunod kasi ang quiz namin these past few days, masyadong napiga ata ang utak ko. T__T.." maluha luhang sabi ko ke mama.

"sige magbihis ka muna sa taas at may dadating tayong bisita at bagong kapitbahay na din natin sila kaibigan ko siya nong highschool pa kami.. kaya mag-ayos ka ha" mama

"mama naman,! Pwede po bang matulog nalang ako sa kwarto ko, pagod na pagod na po talaga ako e." matamlay kong sabi ky mama.

"haay.. oh sige na nga, kawawa naman ang baby ko, matulog ka na sa kwarto mo" mama

Di na ko sumagot ke mama at nagpunta na ko sa kwarto ko at humiga na, tinanggal ko lang yung blouse ko at palda ko at natulog na ko.. habang natutulog ako medyo naalimpungatan ako dahil ang ingay sa baba..

"hahah.. oo nga Friend, tagal din nating hindi nagkita, so where's your unica-hija?" tanong nung kaibigan/bagong kapitbahay ni mama..

"ah nasa kwarto niya napagod daw sa school kaya natulog na, yan na ba ang anak mong si Deelan?" sabi naman ni mama.

"ganon ba? San ba siya nag-aaral? Hindi friend si tetrey baby ko ito.."

"sa F.A siya Friend.. haha.. siya na pala yan, gwapong bata talaga nito. Nako baka kapag nagkita kayo ng anak ko magkagustuhan kayo." Sabi ni mama,, nakkuuu si mama talaga kahit kaylan..

"ahh.. di ba anak dun ka rin nag-aaral sa F.A?" sabi nong Friend ni mama

"ah opo may" sagot nong anak niya.

Hay naku kung sino man siya wala akong pakialam.. makatulog na nga lang ulit.. matutulog n a sana ako ng magbukas yung pintuan ng kwarto ko.. hmm. Baka si kuya lang yun hilig niyang pumapasok nalang basta basta sa kwarto ko e. hindi ko nga pala nasabi na may kuya ako College na siya Krystan ang name niya inis na inis nga siya kina mama at papa dahil bakit yun daw nag pinangalan sa kanya pang bakla daw.. haha... so balik tayo sa akin, anu na naman kayang kailangan ni kuya at nandito na naman siya sa kwarto ko.. hm..

"hahah.. grabe ang pangit naman nitong batang to" huh? Bata?? Sinong kausap ni kuya?

"bwahahaha.. heto pa, laftrip talaga to,, bungi?? Hahaha.. oopsss, may tao pala dito.. hihi" mahinang sabi niya.. sino kaya yun? Hala may momo ata sa kwarto ko.. T__T.. imposibleng si kuya yun..

"Sobra naman makatalukbong tong babaeng to.. nakakahinga pa kaya to? Matanggal nga ang kumot nito." Sabi nung momo hala hindi siya si kuya, and I swear nangingilabot ako sa multong to.. pero anu daw?? Tatanggalin ang kumot ko?? Huhu.. kuya.. mama.. papa... HELP ME... T___T at dahil sa kaba ko hindi na ko nakatiis at tinanggal ko ang kumot ko at bigla akong bumangon, tumakbo at sumigaw ako..

"AAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.... Mama may MUUUULLLTOOOOOO..... huhuhuh" labas ko ng kwarto ko at bumaba sa sala habang nangingiyak na sigaw ko..

"ha? Anak multo? Nasan? Nasan?" natatarantang tanong ni mama.

"teka nasan na ba si tetrey ko?" tanong nong Friend ni mama.

"baka nasa taas kasama si Krystan" sabi naman ni mama at ako naman nakayakap pa rin kay mama na nakatago ang mukha ko sa balikat niya.

"hoy Krysta anu ba yung sinisigaw sigaw mo ha? Ang ingay-ingay mo, nakakahiya sa mga bisita." sabi ni kuya habang pababa ng hagdan.

"nakakita daw ng multo e" sabi naman ni mama.

"ang O.A. mo talaga Krystang, parang multo lang e. at saka maaga pa ano." pang-aasar ni kuya.

"O.A na kung O----" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nashock ako sa nakita ko na kasama ni kuyang bumaba ng hagdan at parang ganun din siya mukhang shock din. Bat sila magkakilala?

"Ikaw??"

"Ikaw??"

Sabay naming tanung sa isa't-isa.. O___O..

"Magkaklase ba kayo?" sabi ni mama

"ayos to Friend, mukhang magkakasundo sila.. ang saya naman.. ^__^" masayang sabi nong Friend ni mama.. pati si mama natuwa din sa sinabi niya. Ako? Half half ang nararamdaman ko. Masaya na hindi! Kaloka! Bakit siya pa ang kapitbahay namin?!

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon