Chapter 26

980 32 1
                                    

Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko kung bakit sinabi kong boyfriend ako ni Krysta kahit hindi naman. Nong nakita ko kasing masaya silang magkausap parang sinusuntok-suntok ang puso ko at dinudurog paunti-unti. Nandito pa rin kaming tatlo ngayon at nakatayo habang nagtititigan, mukhang shock si Krysta sa sinabi ko..

 

“Hehehe.. Pattie wait lang ha. Gagawa lang kami ng kakainin natin diyan kana muna ha. Manood ka muna ng T.V.” Pagpapaalam ni Krysta saka ako hinila papuntang kusina. Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko na parang gusto niyang ibreak si Radius, Ulna at isama pa si carpals. (Si Radiu,ulna at carpals po ay part ng bones sa kamay. hehe)

“Hoy Villacorta, ano bang pinagsasabi mong boyfriend kita ha? My Ghosh. I don’t remember anything na ni minsan niligawan mo ko and sinagot kita. Are you out of your mind?” galit na galit niyang sabi sa akin na mahina naman ang pagkakasabi niya..

“Wala lang. Masama bang sabihin ko na boyfriend mo ko? As in BOY na FRIEND? Kung makapag-isip ka Krysta masyadong advance. Hayys..Gumawa ka na ng makakain natin, pupunta na ko doon” utos ko sa kanya saka bumalik ng sala. May sinabi pa siya pero hindi ko na narinig dahil nakafocus ako sa pagtingin sa lalaking Pat-patin na to.

 

“Hey Bro. Taga san ka? Kaano-anu mo si Krysta? ” Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi muna siya kumibo, ibinulsa muna niya ang phone niya saka siya sumagot..

 

“Bakit gusto mong malaman? Pulis ka ba? Kung talagang boyfriend ka ni Krysta, bakit hindi ka man lang niya nasabi or naikwento sa akin ni minsan?” sarkastikong sagot niya. Dahil sa asar ko sa lalaking to ay akmang kukwelyuhan ko siya kaya lang biglang dumating si Krysta..

“Ehem. Deetrey anong ginagawa mo ha?” Tanong niya agad sa akin. “Ahh. W-wala. Inaayos ko lang damit niya may dumi kasi kanina e.” sagot ko sa kanya na pilit na nakangiti, saka kunwaring pinampag ang damit nitong si Pat-patin. Nilakasan ko nga. Bwahaha.

“Kain na tayo Pattie.” Yaya ni Krysta kay Pat-patin, ako hindi man lang niya inaya, inirapan lang ba naman ako.

“Kryslee if you want lets go out nalang, My treat.” Aya nitong Pat-patin na to. “Sure ka Pattie? Sige sige. Magbibihis lang ako. ^___^,  wait for a minute ha.” Tugon naman agad nitong si Krysta, at masaya pa siya. >_<. OP lang ako dito. Mga ilang minuto lang ay bumalik na si Kysta at nakabihis. Ang ganda niya. Ang ganda ng suot niya, nakadress siya, simpleng dress lang na hanggang tuhod niya kulay Black na may belt na kulay dark pink. Bumagay sa kanya dahil maputi din naman siya. Feeling ko nasa langit na ako ng makita ko siya. Ang ganda talaga niya.

“^__^ lets go Pattie.” Natauhan naman ako nong nagsalita siya, nakalapit na pala siya sa amin di ko namalayan. Hinila na niya agad si Pat-patin palabas, ako naman naiwan pa dito sa loob habang tinitignan silang palabas ng pintuan.

“Krysta im coming. Sasama a---.” habol ko sa kanila pero paglabas ko ayun kumaripas na ng patakbo ang loko. Baka mapaano si Krysta, ito ang mahirap e. Wala akong sariling sasakyan, para sana nahabol ko sila. Tsk. >>_<<.


“AAArrrrrggggg.. Pusa naman oh.. Badtrip. Badtrip. Badtrip.” Paulit-ulit na sigaw ko pauwi ng bahay, halos icurse ko na din sa galit yung Pat-patin na yun.  “Sir Trey, ayos lang po ba kayo?”

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon