Chapter 47

909 21 1
                                    



Someone's PoV

"Babe, ano bang problema? Akala ko ba okay na tayo, nagkakaintindihan na tayo. Wag naman ganito oh~" tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Akala ko din okay na pero hindi pa pala. Kailangan na nating maghiwalay dahil hindi ko na kaya. Im sorry~"

Wala na siya. Wala na yung taong nagpapasaya ng araw ko, wala na yung taong nagpakulay sa mundo kong madilim, wala na yung taong naging sandalan ko, wala na yung taong akala ko hindi ako iiwan, wala na yung taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Wala na, wala na siya. Akala ko siya na, pero mukhang nagkamali ako...



Krysta's PoV


"Kalimutan mo na siya!!"


"Kalimutan mo na siya!!"


"Kalimutan mo na siya!!"


Ilang araw ng bumabagabag sa isip ko ang sinabi ni kuya, nakakaasar talaga siya!! Hindi ko siya natanong non dahil umalis siya kaagad at biglang nawala sa bahay hindi ko alam kung saang lupalop nagsuot si kuya at hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi which is parang wala lang kay mama. Baka nasa duty lang yun or nasa condo niya.

"Ms. Romero are you listening to me?"

"O-oo naman Cath."

"Okay, I thought you're physically here but mentally absent! Bakit na naman ba?"

"May balita ka na ba?"

*sigh "Alam mo Kryssie... Hindi ako hanapan ng boyfriend na nawawala, kaya pwede ba?!" inis na sabi ni Cath. Pasensiya naman paano kasi ilang araw ng hindi ko nakikita si Deetrey simula nong mag-away kami sa mall. Gusto ko man kausapin ang mga kapatid niya at sila Tita kaso hindi ko matyempuhan, busy palagi e. Ano bang ginawa ko Big Bro para parusahan mo ako ng ganito? Nagsisimba naman po ako lagi, nagdadasal araw-araw at hindi nakakalimut sa inyo pero bakit ginagawa niyo po ito sa akin. Ni text or tawag wala man lang akong natatanggap sa kanya, trinay ko rin siyang tawagan pero wala, binibisita ko rin ang fb niya wala naman bagong status or update man lang mula sa kanya, halos oras-oras ko din siyang minemessage...

'Trey, nasaan ka na ba?' tanong ko sa isip ko at nakatitig lang ako sa center table na nasa harap namin ngayon.

"Is she okay?" Wala sa sarili akong napalingon sa likod ko and nakita ko si Justine at Cassandra na naglalakad palapit sa amin na may dalang pagkain. Umupo sa tabi ko si Justine at si Cassandra naman ay sa tabi ni Catherine.

"Okay ka lang ba cuz?" tanong sa akin ni Jazz. Kumuha ako sa chips na binuksan ni Cassandra at saka tumango kay Jazz sa tanong niya... "Ano ka ba? Okay lang naman ako cuz. Bat naman hindi di ba?" pagkukunwaring sagot ko sa kanya ng nakangiti. o di ba ang plastic ko? Hahaha... 'Nababaliw na ako... huhuhu'

"Okay sabi mo eh..." sagot din niya at nagcross arms siya at sumandal sa couch. "Maiba tayo... anong ginagawa ng boyfriend mo sa ibang bansa?" Napataas ang isang kilay ko sa tinanong ni Jazz. Ako ba kausap nito?

"Ako ba?"

"Ay malamang, sa iyo ako nakatingin eh..." napakunot noo ako at nag-isip... Sinong boyfriend? Si Dee ko kaya ang sinasabi niya? 'Ay engot Krysta malamang iisa lang naman ang boyfriend mo' sabay sapok ko sa ulo ko... Pero ano sabi ni Justine? Ibang bansa ba yung sinabi?

"Hey..."

"H-huh? "

"Myghad Krysta Leraine! Im asking you why Deetrey is in the London? Don't tell me you didn't know that..."

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon