Chapter 28

1K 36 2
                                    

~Deetrey's PoV

Ilang araw na ang lumipas simula nong nahospital si Deejay, lagi ko din siyang binibisita kaso patago lang. Nakikita kong masaya naman siya sa mga umampon sa kanya ngayon. Iniisip pa kaya niya kami? Galit kaya siya sa akin? Paano ku----

 

Booooggsssshh.

 

“Ar—“

“Hey Deetrey tara na. Hindi ka pa sasakay? Ang bagal mo, bilisan mo nga.’’ Anak ng?? Binatukan ba naman ako. Ang sakit non ah.

“Mauna ka na Krysta. May pupuntahan pa ako.”

“Ano ba yan. Hm. Lagi ka nalang hindi sumasabay sa akin pauwi ha. Siguro may nililigawan ka na ano? Sino siya? Ipakilala mo naman”

“huh? Wala ano. Ano ka ba Krysta, wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Masyado na namang advance utak mo.” Kung may liligawan man ako, siguro ikaw na yon. Hayys.

“Ok sige. Sasama nalang ako sayo”

“HINDI. No Krysta, you need to go home first. Baka matagalan ako sa pupuntahan ko, magabihan ka pa.”

“Eee. Deetrey naman e. Sama na kasi ako. Itetext ko nalang si Mama na may pupuntahan tayo, Papayag naman yun kasi ikaw ang kasama ko e. Sige na” Amfufu. Nagpout pa tong taong to. Kaya hindi ko matiis e. Mahal ko kasi. Hahah.. ssshhh. Wag maingay ha.

“Ok. Sige na nga. Pero promise mo wala kang ibang pagsasabihan at hindi ka mabibigla sa mga makikita mo ha.”

“0_o. Ee?? Bakit naman? OMO! *takip sa labi niya*  O_O. Do-don’t tell me, you are now a drug pusher Deetrey?”

“Aray. Nemen eh. Ang sakit huh” Sinapok ko nga siya.

“Pinagsasabi mong drug pusher ka diyan, baka may makarinig sayo. Hindi ako ganon. Tara na nga.” Pumara na ako ng Taxi saka sinabi kung saan ang pupuntahan namin. Ngayon na kasi iuuwi si Deejay, gusto ko sanang makausap na siya ngayon at humingi ng sorry.

“Deetrey nandito na tayo. Ano ba gagawin natin dito? Siguro may nabuntis ka noh? Tapos dito nanganak.” Inosenteng tanong ni Krysta sa akin. Buong byahe pala akong nag-iisip sa mga mangyayari.

“Advance ka talaga mag-isip noh? Sumama ka nalang kasi, wag ka ng magtanong ng magtanong, napakadaldal mo”

“Aye. Aye Captain. ^__^V” nagpatuloy na kami sa loob ng hospital, dumeretso kami sa may tapat ng room niya. Nasa may pintuan na kami, natatakot ako sa mangyayari. Nanginginig ang mga kamay ko, kinakabahan din ako ng sobra.

“Ahh. Deetrey pwede punta lang akong Ladies room saglit? ^__^”

“Sige. Balik ka din agad ha.” Heto na, papasok na talaga ako.. Kumatok muna ako pero medyo matagal bago nagbukas. *Hingang malalim*

~Krysta’s PoV

Nagpaalam muna ako kay Deetrey na magCCR muna ako kasi kanina pa ako talaga naiihi.

“Ay sorry Miss. Sorry talaga. Naiihi na kasi ako e.”

“Oh My Gosh. You again Miss Krysta? How come you are so clumsy pagpumupunta ka ng ladies room. *sigh*” Siya yung nabunggo ko na namang babae sa ladies room sa school.

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon