Chapter 19

1.1K 28 0
                                    

Deetrey’s PoV

Ilang araw na din ang nakalipas simula nong usapan namin ni Krystan, naguluhan ako sa sinabi niya sa akin dahil hindi ko maintindihan o sadyang Slow lang ba ako ngayon?.. hayss.. malapit na namang magchristmas pala..  bilis ng oras, bilis ng araw, bilis ng tibok ng puso ko.. toinks.. ano daw? Haha.. nababaliw na ako… Dumating na din pala si Kuya Deelan, wala pa si Dad susunod nalang daw siya..

 

“hey deetrey babe kanina pa kita kinakausap” malambing na sambit ng babaeng katabi ko ngayon saka hinaplos haplos ang dibdib ko.. nandito kasi ako sa rooftop ng building namin ng school namin kasama itong lintang babae na kung makakapit kala mo kung mawawala.

“pwede bang lubayan mo muna ako? Gusto kong mapag-isa ngayon kaya umalis ka muna” pakiusap ko sa kanya habang tinatanggal ang kamay niya sa braso at dibdib ko pero ang kapit talaga.. bw*sit..

“shabi mho gushto moh meh kashama ngayon kaya heto oh, nilalambing pa nga kita ayaw mo pa..” nagbabytalk pa at nagpout pa kainis.. tumayo na lang ako at akmang aalis kaso hinila niya ako pabalik sa kanya at ang ikinagulat ko ay ng halikan niya ako…. Sa Lips ko… kaya napahiwalay ako agad sa pagkakahalik niya sa akin at hindi ko sinadya ang sumunod dahil nabigla din ako… nasampal ko siya ng wala sa oras..

“huhuhu.. b-bakit m-mo ko s-sinampal?” tanong niya habang umiiyak na…

“HINDI KITA GUSTO, YOU WHORE, PROSTITUTE GIRL… HINDI AKO PUMAPATOL SA KATULAD MONG MALALANDING BABAE NA BASTA BASTA NALANG NANGHAHALIK AT MAHAL ANG BAYAD SA HALIK KO AND  THEN YOU DARE TO KISS ME? HUH? HUH?” pagkasabi ko non ay umalis na ako pero narinig ko pa siyang sumigaw…

“MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO SA AKIN DEETREY VILLACORTA TANDAAN MO YAN” yan ang sinigaw niya pero hindi ko na inintindi yun..

hey bro bakit parang galit na galit ka diyan.” biglang sipot nitong si Ads, nandito kasi ako sa tambayan namin.. dito ako dumeretso dahil vacant pa naman namin..

“may pesteng babae kasing humalik sa akin ng walang pakundangan.. napakalandi” galit na sabi ko sa kanya..

“hey bro relax, di ba gusto mo din naman yun?” tanong niya na medyo natatawa pero tinignan ko lang siya ng masama..

“dati yun.. hindi na ngayon dahil nandidiri na akong makipaghalikan sa kung sinu-sinong babae nalang diyan naisip ko kasi baka mahawa ako ng AIDS ganun, mga sakit na pwedeng malipat sayo thru saliva.. nabasa ko rin kasi yun sa isang magazine e..” mahabang explanation ko.. teke.. bat nga ba ako nag-explain sa kanya.. hayss.. nababaliw na ako..

“hahahah.. bro ikaw ba talaga yan?? Ang babaero dati ngayon ay conscious na sa kung sino ang hahalikan niya? Wow.. whatta change bro..” sabay tapik niya sa akin. Sa may balikat ko.. hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi pa rin mawala sa isip ko yung sa pag-uusap namin ni Krystan..

*kkkkkrrrrrrriiiiiiiiinnnnnnnnnggggggggg*

 

“bro tara na.. baka maunahan pa tayo ni Ma’am..” bumalik na nga kami sa room buti nalang at wala pa si ma’am.. pagpasok ko ay si Krysta agad ang nakita ko.. ewan ko ba pero parang namagnet ang mata ko sa kanya.. muntik na nga akong madapa sa paglalakad ko papuntang upuan ko e…

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon