Chapter 10

1.4K 36 0
                                    

==================Krystan’s PoV

Hi, Im Krystan, kuya ako ni Krysta, Mahal na mahal ko yang kapatid kong yan. Close na Close din kami sa isa’t-isa, alam naming ang secrets ng bawat isa.. haha.. baklain na kung baklain.. bwahaha..  College na ko, Nursing Student. Siguro marami sa inyo ang nagtatanong kung bakit ganun ang pakikitungo ko kay Deetrey ano? Heto na sasabihin ko na..

*Flashback*

Nasa may park kami ni Krysta noon, mga 10 years old ako at siya naman ay 6 years old,habang naglalaro kami ni Krysta, nagpaalam muna ako sa kanya para bumili ng cotton candy namin dahil pinipilit niya akong bumili at dahil mahal na mahal ko  si BabyGirl bumili ako, nong pabalik na ako nakita ko siyang may kausap na batang lalaki na may hawak na cotton candy..

“ang damot mo naman, pahingi ako konti lang” sabi ni Krysta

“Ayoko nga. Bumili ka mag-isa mo”  sabi nman nong isang batang lalaki na kasing edad lang niya.

“Sige na. pahingi ako”   sabi ni Krysta at lumapit pa siya lalo doon sa batang lalaki..

“AYAW KO NGA SABI E, UMALIS KA NGA.. CHOO..”   Sabi nong batang lalaki sabay tulak kay Krysta, agad naman akong tumakbo palapit sa kanila, at inalalayan kong tumayo si Krysta, tapos tinignan ko naman ng masama yong batang lalaki at hinawakan ko yung damit niya (sa may neck) ng mahigpit at kinwelyuhan..

“BAKIT MO GINAWA SA KAPATID KO YON HA??” galit na tanong ko

“So---sorry na po kuya.”  sagot niya na naiiyak na.

“Kuya tama na yan, hayaan mo na siya. Di bale nakabili ka naman na e.. puntahan nalang natin si mama.”  sabi sa akin ni Krysta at hinila ako.. pero tinignan nya ulit yung bata sabay sabing…

“Bleeeehhh.. :P.. buti nga sayo.. natakot ka sa kuya ko noh??  Hmm.. Damot..”  aba talaga to..

“waaaaaahh.. *Sob* isusumbong kita *sob*  sa mamay ko *sob*  huhuhu..”  iyak nong bata.. kala mo kung sinong mayabang e.. iyakin naman pala..

*End of Flashback*

May sasabihin nga pala ako, simula nong nakaaway ni Krysta yung batang nang-away sa kanya sabi niya Crush na daw niya, dahil may pagkamatang at suplado daw ito.. haha.. baliw na ang kapatid ko. Nagkagusto sa taong umaway sa kanya.. hihih… Pero Naguguluhan pa rin kayo kung bakit yun lang yung nangyari di ba? hindi lang yun..heto pa.

*Flashback*

“Bye kuya.. huhuhu..”  iyak na sabi ni Krysta.

“oh Papa alagaan mo si Krystan ha, wag mo papabayaan doon, susunod kami ni Krysta kapag naiayos ko na ang dapat ayusin”  sabi ni mama kay papa

“syempre naman mama, ako pa.”  at nga-Wink si papa kay mama, at saka hinalikan ito, at kinarga niya si Krysta.

“oh Anak, be a good girl ha. Wag pasaway kay mama. Ok?” sabi ni papa

“*sob* opo papa.”  Iyak niya

“don’t worry babagirl babalik naman kami ni papa e or kayo ang susunod sabi ni mama di ba? lagi din naman kaming tatawag ni papa.. ” sabi ko sa kanya. At tumango nalang siya habang umiiyak.. Nandito kasi kami sa Ariport at papunta kami ni papa sa London, doon kasi siya nagtatrabaho at ako lang ang kasama niya dahil may inaasikaso pa si mama dito sa pilipinas, hindi rin namin pwedeng kunin si Krysta dahil walang mag-aalaga sa kanya doon, hindi naman pwedeng ako… at yung nga pagkatapos non ay umalis na kami ni papa sa pumunta na sa loob ng airport at nagFly na.. haha.. ilang taon na rin kami rito ni papa…

“Anak bumaba ka na diyan nandito na ang mga bisita natin”  sigaw ni papa sa akin dahil nasa baba siya. Bumaba naman ako.. at nakita kong nakaupo sa sala ang isang pamilya.

“Pare yan na ba ang anak mo?”  tanong nong kumpare ni papa. Nong makalapit ako sa kanila.

“oo, siya si Krystan. Anak sila ang Tito Edward mo at ang Tita Deenise mo.”  Pagpapakilala ni papa sa kanila.

“Good Morning Tito at Tita”  at nagmano ako sa kanila.. kahit nandito kami sa London ay may pagkaFilipino pa rin ako, nagmamano ako sa mga kaibigan ni papa dito na mga Pilipino din..

“Hello Ijo, ito rin nga pala ang mga anak kong si Deelan at si Deetrey”  sabi ni tita. Nagulat naman ako dahil yung Deetrey na sinabing anak niya ay yun yung batang nanulak kay Krysta sa may park dati.

“sige anak, maglaro muna kayo sa Play room o kaya kahit anong gusto nila doon” sabi ni papa, sosyal kami kasi may isang Room dito sa bahay  na ang laman ay isang Set ng pang Band, may guitar at drums, ganun, tapos sa lamesa may Chessboard doon na pinasadya talaga naming ipagawa dahil mahilig kami ni papa maglaro kapag wala kami masyadong ginagawa. May T.V. rin sa loob na pwede kang maglaro o kaya manood ng movie.. dinala ko naman sila sa Play room at nagkasundo agad kami ni Deelan dahil mahilig din pala siyang maglaro ng Chess.. si Deetrey naman ay naggitara lang siya, marunong pala siya at magaling din, habang naggigitara siya ay kumakanta rin siya, maganda ang boses niya, magaling talaga siya..

“Check”  sabi ni Deelan.. abat natalo niya ako.. -_-.. dati ako ang nakakatalo sa amin ni papa pero ngayon ako ang natalo kay Deelan.. ne be yen,,

“Grabe tol, dinaya mo ata ako e”  sabi ko.

“Ulol.. hindi noh.. bat naman kita dadayain?”   sagot niya..

“hahaha.. tanggapin mo na kasi Krystan na talo ka.. hahaha.”   Sabat nitong si Deetrey..

“wag kang tatawa tawa diyan tandaan mo may atraso ka sa kapatid ko.”  Sabi ko sa kanya at tinignan ng masama.. haha.. natahimik nalang siya.. haha.. 

*end of Flashback*

At simula noon ay naging magbabarkada na kami, kapag inaasar ako ni Deetrey ay tinatakot ko siya sa pamamagitan ng paulit-ulit kong sinasabi sa kanya na may atraso pa siya sa kapatid ko at tinitignan ko siya ng masama at tumatahimik naman agad siya.. haha. Yun ang trip ko kapag wala akong magawa.. Hindi alam ni Krysta na barkada ko sila dahil nong pumunta sila mama at Krysta sa London para magbakasyon ay saka naman umuwi ng Pilipinas sila Deelan kaya hindi sila nagkita.

+++++++++++++++++++++++++++++++++

Wusshu.. yun naman pala kaya pala magkakilala si Krystan at Deetrey.. hahaha…  tapos na Chapter 10… hihi..

Note:  pasensya na po talaga sa Error.. Nagkamali kasi ako ng nailagay na happenings e.. sorry.. :(

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon