Chapter 35

1K 32 0
                                    

Deejay's PoV~

We're now here in school heading to our room. Some of students here is so irritating  because of their non-stop talking mouth, the other is like they're suffocating theirselves and I think its because they are new here like me.

"woah! Grabe Krysta parang nong isang araw lang tayo ang naghahanap kung anong section natin, ngayon tignan mo..." excited na sabi ni Cath sabay turo sa bulletin kung saan nakapaskil ang mga names and sections ng mga estudyante from 1st year to 3rd year... "Buti nalang 4rt year na tayo... Dahil kung hindi baka hindi tayo magkakasama ngayon..." dagdag pa niya...

"Buti nalang.. pasalamat ka nasa 4th year na tayo dahil kung hindi baka hindi mo rin makakasama yang chocnut mong makunat..." pang-aasar naman ni Ads kay Cath. Tss. Pagpasok namin sa room namin nagsitinginan lahat ng estudyante na akala mo'y nakakita ng multo...

"Goodmorning guys. How are you? How was your vacation?" Bati ng isang lalaki sa amin na nasa may teacher's table sa harap. Hindi ko na sila hinintay at naghanap nalang ako ng mauupuan.

Pinili kong umupo sa may 5th row sa pinakadulo na malapit may bintana. Mas gusto kong dito nalang para wala masyadong nakapaligid sa akin dahil naaalibadbaran ako. Pinagmamasdan ko lang ang mga estudyante sa baba mula dito sa room namin, bale nasa 4rt floor kami ng building.

*Flashback

"Deejay, s-si So-sofia natagpuan ng guard na walang malay sa labas..." Tinignan ko lang si Francis nakadrugs ba to? nag-isleepwalk and talk lang siguro to.

"Oh ano na? Hindi ka ba bababa para makita siya?" Natatarantang sabi niya... "Tss. Bahala ka nga diyan..." rinig kong sabi niya, nakalabas na siya ng marealize kong hindi siya nag-isleepwalk. Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya? Bumaba ako para tignan kung totoo nga ang sinabi niya.

"Why is she here? Anong nangyari sa kanya Hon? Gosh! basang basa siya." Mula dito sa hagdan alam kong si Justine yun, ginising ba nila siya para dito.

"Ewan namin pero sabi ni kuya Niko kanina pa daw siya pabalik balik diyan sa labas ng gate..." pagdating ko sa living room nakita kong ibinababa ni John si Sofia sa couch.

"Hon pakikuhanan nga ako ng tuwalya sa taas... tas mga damit ko na hindi ko na nagagamit... " sabay lapit ni Jazz sa walang malay na si Sofia...

"Francis pakibuhat si Fia dadalhin natin siya sa isa pang guess room." utos niya kay Francis.. Gusto ko man na ako na ang magbuhat kay Sofia pero nawawalan ako ng lakas ng loob dahil na rin siguro sa galit ko sa kanya.  Sinundan ko sila hanggang makarating sa guess room.

"France pakisabi kay kuya Niko na wag na wag sasabihin kina Mommy itong nangyaring ngayong gabi. Pakitawag na din si Dra. Ramos." pagkalabas ni Francis hinarap ni Jazz si Sofia habang hinahaplos ang buhok niyang basang basa.

"Look what you did to her..." alam kong ako ang kausap ni Jazz dahil dadalawa lang kami dito. Hindi ako umimik.

"She's risking her life for you, for Pete's sake. Sinundan ka niya and naligo siya sa ulan ng ganitong oras... Gusto mo bang may mas malalang mangyari pa sa kanya bago mo siya papatawarin?" Hindi pa rin ako umimik sa sinabi niya, nakatitig lang ako kay Sofia. Pumasok si John na dala ang mga pinakuha ni Jazz kanina at inabot sa kanya.

"Alam kong hindi dapat kami nangingialam sayo pero sana naman... wag mong hintayin na magsawa siya ng kakasuyo sayo." usap pa rin niya sa akin habang pinupunasan si Sofia. "Lumabas muna kayo... bibihisan ko lang siya." Utos niya sa amin kaya lumabas na kami ni John...

Sumandal ako sa pader saka umupo ng indian sit napahilot ako sa sintido ko habang nakayuko... "D-amned..." hindi ko napigilan ang sarili ko napasuntok ako sa sahig.

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon