Chapter 20

1.1K 35 6
                                    

Krysta’s PoV

“Classmates ganito ang gagawin natin, sa bunutan ang isusulat niyo sa papel na ibibigay niyo sa akin ay yung mga code name niyo, for example ako, ang name ko ay Edwin then ang codename ko naman na isusulat diyan ay Batman.. dapat hindi magkakapareha ng codenames ha, ipasa niyo sa akin kung meron na kayong naisulat then ichecheck ko kung may kapareha kayo then palitan niyo nalang ng iba.. tandaan niyo yang codenames niyo ha”  yan po ang Class Pres. Namin.. nagtaas naman ng kamay si Francis..

“Bakit may codename pa hindi nalang yung pangalan mismo?”

“Para maiba naman Mr. Intel.. Simulan niyo na ngayon ang pagsulat at ipasa niyo na sa akin then mamaya sasabihin ko kung paano ang pagbibigay ng gift.” Sagot ni Pres. Ano na naman kayang kaek-ekan tong naisip niya.. hay.. ano ba magandang codename mga readers?? Hehe.. may naisip na ko, DAMOT.. ahaha.. yan yan ang codename ko.. hihi.. sssshhhh.. wag ingay.. ^^__^^, sinulat ko na yung codename ko saka ko pinasa kay Pres. Ayos walang kapareha.. hehe..

“Ok Classmates nandito na po ba lahat ng codenames? Make sure na kayo lang ang nakakaalam ha, wag niyo ipagsabi sa iba..” tanong ni President namin saka tinaas yung box na pinaglagayan ng mga papel na tinupi tupi.. umuo naman kaming lahat saka niya kami iniisa-isang pinagbunot sa box.. Dinahan-dahan ko ang pag-open sa papel.. at shhuuuu.. >_<.. ano tong codename na to?? COTTON CANDY?? Tama po kayo ng nabasa cotton candy nga po ang codename ng nabunot ko.. sino kaya to. 0_o

“Ano na po susunod Pres? How much will be the contribution for the gift?” tanong ni Jazz.. naghands up sign naman si Pres tapos ngumiti.. ano namang masama sa tanong ni Jazz..

“nah.. nah.. there will be no contribution or amount for the gift..” sabi ni Pres. So ano ireregalo?? Gulo ni Pres. Hindi na muna kami nagsalita at hinintay namin ulit  ituloy ang sinasabi niya.

“Kasi I want na ang iregalo niyo ay ang isa sa pinakapinahahalagahan niyong bagay sa inyo, yung bagay na sa tingin niyo ay pwede ring magamit nong pagbibigyan niyo, hindi kayo bibili ha o kaya yung bagay na nagpapaalala sa mga taong minahal niyo na puro sakit lang ang pinaramdam pero parang nandon pa rin yung pagmamahal pero kaylangan ng magmove-on.. Ganon..” explanation ni Pres. Ang gulo niya.. >_< ano namang ibibigay ko.?

“So Pres, ibig sabihin parang ilelet go mo na ng tuluyan yung bagay na binigay niya sayo na tanging yun  nalang ang pinanghahawakan mo na memories niyo para tuluyan mo na siyang makalimutan, ganon ba?” tanong naman ng isa naming Classmate..

“Eh Pres. Paano po kung hindi ka pa handa?” classmate 2

“Pres paano kung butas na brief? Kasi yun yung niregalo sa akin ng pinakamamahal kong ina sa dati e. Nakatago pa yon..” nako.. nagtawanan pa sila.. >_< ano ba tong si Edward loko-loko talaga.. Classmate po naming isa yan.. hayys

“haha.. loko-loko ka talaga Edward, pero pwede rin.. haha. Owkie..  So ayun, ganon na nga. First, You need to let go to that thing na siyang nagpapaalala sa inyo para kasabay ng paglet go niyo ay ang paglimot sa mga nangyari or bad memories, ika nga. Second, pwede niyo ring ibigay yung bagay na kayo mismo ang bumili NOON na sa tingin niyo ay sentimental sa inyo, para sa pagbibigayan niyo ay maalala niya rin kayo in the future..” Paliwanag ni Pres.. mababaliw na ata ako ah.. L

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon