Epilogue

1.2K 36 7
                                    


Justine's PoV

"Hi hone, how are you? Maganda ba diyan? Masaya ka ba diyan? Hayaan mo, ako ayos lang dito kasama ko nga ngayon ang buong barkada e. Kompleto kami ngayon Hone..." sabay pahid ko ng luha kong kanina pa tumutulo... "Ang daya nga e, kung kailang nawala ka saka nakompleto ang barkada at sa 40th days pa ng pagkamatay mo..."

"Asusss~ tama na ang drama Jazz jazz... hahaha" sabay tapik ng malakas sa balikat ko... ouch ha! Kung makapalo naman 'tong si Francisco akala mo naman kung ang gaan-gaan ng kamay niya... Sabagay nawala ang pagkalungkot ko sa ginawa niya. *sigh

Life is unpredictable and unfair. We get a chance to live life, to meet new people around us and to love those who loves us but in exchange to that we don't really know when we'll our time lasts. On this day forward we chose to keep going in our lives. We did not let our emotions to stay where John left us unclue.

"Since nandito na tayong lahat, bakit hindi tayo maggroup hug?" at ginawa nga namin ang sinabi ni Cath... Kung noong first year kami, nene pa ang mga isip namin. Kumbaga 'isip-bata' pa pero ngayon, masasabi ko na na hindi na masyado... Hehe. Nag-improved naman kami ng konti, si Francis lang ata ang hindi...

Inakbayan ako ni Cassandra at binigyan ako ng isang box na maliit. Nagtataka ako pero kinuha ko pa rin at ngayon ay lahat sila nakatingin na sa akin... "Para san 'to Cass?"

"Buksan mo na..." sabi niya ng nakangiti kaya binuksan ko naman. Ito yun... Ito yung gustong-gusto kong necklace na ayaw bilhin ni John dahil pangit daw, pero anong ibig sabihin nito?

"That necklace is an infinity necklace. Binigay sa akin yan ni John bago siya umalis, nagtataka nga ako kung bakit sa akin niya binigay yan e hindi naman kami gaanong close... And yung ring na nakasama diyan, lagi mo daw isuot para kahit nasan ka man lagi lang siyang nasa tabi mo at kasama mo Jazz. Mahal na mahal ka niya!" Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa, nangako akong hindi na ako iiyak pa... Sinuot sa akin ni Sebie ang necklace at sinuot ko naman ang sing-sing, itinaas ko ang kamay ko para mas makita kung gaano kaganda ang sing-sing. Napakaganda!

Pagkatapos kong masilayan ang ganda ng sing-sing ay bigla namang lumapit sa akin ang LOL boys na sila Patrick at ngayon naman inabot nila sa akin ang mas malaking box na kulay brown... Kinuha ko at binuksan ko, pagbukas ko may scrapbook na nakalagay sa loob...

"Sabi ni John, kuhanan namin kayo ng mga stolen shots niyo at ilagay sa scrap book kaya ayan ginawa nga namin. Nong una nga nababadingan ako sa sinasabi niya at hindi kami pumayag pero nong sinabi niya sa amin ang dahilan, ginawa namin at pinagtulugang pag-usap kung paano ang mga gagawin. Kaya nag-extend kami ng stay dito sa Philippines para lang matulungan si John sa mga plano niya..." -Patrick

"Alam niyo?? Alam niyo na may sakit na si John noon pa lang? Bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin? Akala ko ba mga kaibigan ko kayo? Bakit Patrick? BAKIT??"

Halos lumabas ang ugat ko sa galit... So ako nalang pala ang hindi nakakaalam ganon ba? "Jazz Jazz wala kaming alam diyan... Promise!!" biglang sabat naman ni Ailden. Sana nga wala!

"Justine, kalma lang... okay? Wala kaming alam lahat maliban kina Patrick... Maniwala ka. I promise!" sa isang iglap nawala ang inis ko sa sinabi ni Krysta... Bakit nga ba ako nagagalit, samantalang ginawa yon ni John para sa amin. Talagang nakahanda na ang lahat bago pa man siya umalis. Huminga ako ng malalim.

"Ito naman, pinapabigay din ni John para sa inyong lahat..." Ngayon naman may isang box na medyo mas malaki sa binigay sa akin kanina ang nilabas nila mula sa kung saan. Hindi ko napansin kanina yan ah... Hmm.

"Pfffft..."

"Bwahahahaha... Ang fangetttt~ Syeeete... Pfft.."

Huh?? O_O Bat sila tumatawa? Over makareact si Francisco, Deetrey at Ailden ah, pati sila Cath lakas makatawa... 'Ano ba yun?' tanong ko sa isip ko at saka dahan-dahang lumapit sa nagkukumpulan na mga abnormal kong kaibigan... Pictures pala mga tinitignan nila... Ano ba yan hindi ko masyadong makita laki naman kasi ng kawatan ni Keith... Para makita ko rin ang mga pictures isiniksik ko ang kamay ko sa kanila nang makapa kong may nahawakan akong parang papel ay agad kong binunot ito...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon