Chapter 37

918 29 0
                                    

Deetrey's PoV~

"Bro tara na baka malate tayo sa school" yaya ko kay Deejay na kasalukuyang kumakain, paano kasi nalate ng gising yan kaya minamadali ko na. may quiz pa naman kami sa first subject namin.

"DEEJAY!"sigaw ko sa kanya mula sa labas. kanina pa ako tinetext ni Krysta dahil 5minutes nalang dadating na ang teacher namin.

"Krysta paalis na kami... Sorry ang bagal kasi nitong si Deejay e... Oo, sige. Love you..."

"Tsk. masyado kang cheezy Trey hindi mo bagay..." biglang sulpot ni Deejay sa likod ko, hindi ko nalang siya pinansin at sumakay nalang sa sasakyan namin. Ihahatid nalang daw kami ni kuya Deelan.

"Deetrey kayo na ba ni Krysta?" tanong ni kuya.

"Tss... tinatanong pa ba yun kuya?" singit ni Deejay.

"Kami na. Kahapon lang."

"Woooh. Di nga bro?" natatawang tanong ni kuya. "Finally sinagot ka na, paano nangyari yon?" tinitigan ko sa kuya sa tabi ko, nasa passengers seat kasi ako. Bakit imposible bang maging kami ni Krysta?

*flashback

Pauwi na kami ni Krysta galing kina Sofia, binisita kasi namin siya dahil hanggang ngayon may sakit pa rin siya. Nagtataka nga kami kung bakit pumayag siyang kunin namin si Seith e.

"Trey pakiingatan si Seith ha, nandyan na lahat ng kaylangan niyo kung sakali man. Ayoko kasing mahawa siya sa akin, mahirap na." sabi ni Fia sa amin.

"bye ate." paalam naman nitong si Seith sa kanya.

"Sige alis na kami...." -ako

"Bye Fia. Pagaling ka ha.."  -Krysta.

"Sure, basta yung napag-usapan natin ha." sigaw ni Fia mula sa pinto ng bahay nila. Pumara ako ng taxi syempre pinauna ko na si Krysta sa loob saka ako sumunod, medyo malayo ang byahe namin mula sa bahay namin kaya nakatulog na itong si Seith. Ipapasyal pa sana namin.

"Ano pala pinag-usapan niyo ni Fia?" tanong ko kay Krysta..

"Hm. Wala yun. Secret lang namin.. ^__^"

"Buti naman at magkasundo na kayo. Sorry kung hindi ko nasabi sayo yung tungkol sa kanya ha."

"Ok lang yun atleast sinabi niya. Ikaw naman kasi akala ko tuloy hindi mo na itutuloy panliligaw mo, natakot ako."

"Sorry na. Ikaw naman ang mahal ko e at hinding hindi magbabago yun. "

"hmm. bolero..."

"hindi ako nambobola. Maiba tayo kelan mo ba talaga ako sasagutin?" pagtatanong ko sa kanya saka ako nagcross fingers...

"Ahmm." pag-iisip niya habang nakaturo sa may baba niya...

"Ano na?" tanong ko ulit sa kanya..

"Sige na nga ang kulit mo naman kasi e..." sabi niya..

"Huh? anong 'sige na'?" nagtatakang tanong ko sa kanya..

"*sigh. So slow mo naman..." sabay irap niya. "sabi ko tayo na... Sinasagot na kita..." at dahil sa pagkabigla ko napasigaw ako at napatayo, pero ang malas ko dahil nakalimutan ko nasa loob pala kami ng sasakyan...

"Oy ang ingay mo... Nagising tuloy si Seith..."

"Narinig mo yun manong? Sinasagot na niya ako.. Kami na sa wakas..." sigaw ko ulit..."Sorry baby Seith ha, kami na ng Tita Krysta mo..." usap ko kay Sieth na alam kong hindi naman sasagot sa akin... Hinarap ko si Krysta saka ko hinawakan ng mahigpit ang kamay niya saka siya niyakap...

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon