Chapter 40

855 25 0
                                    

Deetrey's PoV~

Kasalukuyang nandito ako ngayon sa hiding place, as usual gumagawa na naman ako ng bago kong painting. Ang kaso, langya! Wala sa kundisyon ang utak ko ngayon dahil sa nagtatampo pa din ako kay Krysta.

Biruin niyo mahigit dalawang oras ako naghintay sa text niya nong nagpunta sila ng mall kaso wala. Tinawagan ako ng mga barkada ko ganon din pala sila, hindi sila tinetext ng mga jowa nila. Naknang tinola yan! Kaya pala hindi nagtetext dahil kasama niya ang best friend niyang patpatin, and worst, may iba pa silang kasama na mga patpatin din na katulad ng bestfriend niya...

"Dee~ sorry na..." Paano siya nakapasok dito? E nilock ko yung pintuan kanina... *sigh.   Niyakap niya ako mula sa likod, pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Mukha bang gay to? Tsk. E sa nagtatampo nga ako sa kanya e...

"Sorry na kasi...~ promise hindi na po mauulit..~ *tsup " malambing na sabi niya saka ako hinalikan sa may pisngi...take note, malapit sa may tenga ko,  grrr... Jusko! Pigilan niyo ko... ang hirap magpigil ng ganito, kinikilabutan ako sa ginagawa niya Lord. Parang awa mo na Krysta wag mong ibulong sa tenga ko ang sinasabi mo... TT_TT tumataas ang balahibo ko...

*booogggssshhh

"tseee. Kung ayaw mo... BREAK NA TAYO!!" saka ko nalang narealized ang ginawa niya at sinabi niya sa akin nong nakalabas na siya, Ano daw break na kami? Wait!

"K-KRYSTA WAIT!" Napasigaw ako saka siya hinabol, halos madapa ako sa pagtakbo palabas para lang maabutan siya.

"Sorry!~ nagtatampo lang naman kasi ako... mag-iisang buwan palang tayo, break agad?" Napigilan ko siya, niyakap ko siya kagaya ng pagyakap niya sa akin kanina. Hindi siya umimik..

"Ang sakit nga nong ginawa mo sa akin e~" e paano ba naman binatukan ako ng pagkalakas- lakas na halos maipasubsob ako sa ginagawa kong painting...

"Oh, bat ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya, iniharap ko kasi siya sa akin... "tahan na bee" pumadyak naman siya na parang bata saka pinunasan ang luha...

"Nakakainis ka... nakakainis ka...~" pinagsusuntok niya ako sa may dibdib, hindi naman kalakasan...  *sniff *sniff.   "Ang hirap mong suyuin halos 5 days mo kong hindi pinansin.. ang babaw mo... bw*sit ka.."

"Oh bee, tahan na nga diba? Hindi ko nga sana paabutin ng 5 days ang kaso kasi nakita kong lagi ng pumupunta sa inyo yung patpatin na yon kasama mga barkada niya... kaya hindi ko na kayo inistorbo... For you to have some time to be together." Naknang! Gumaganon na ko ngayon. TIme to be together? For what... nababaliw na ata ako...

"E basta nakakainis ka...~ some time, some time.. mukha mo~ gustong gusto kitang ipakilala sa kanila tas ikaw 'tong umiiwas... Nagseselos ka ba?" Sabi niya sa'kin habang humihikbi.

"H-hindi ah..." sagot ko sa kanya...

"Hindi, hindi ka pa... Halata naman..."

"Alam mo naman pala e.."

"Ewan ko sa'yo... Tara na nga..."

"San tayo pupunta?"

"Sa bahay..." sagot niya saka ako hinila palabas ng bahay... wait lang, hindi ko nailock yung... hiding place ko.. T_T, baka pumasok doon si Deejay... o kaya sila mama... o kaya si kuya, si manang, si manong...

"Guys... this is Deetrey..." gulat ako pagpasok namin sa sala nandito ang mga patpatin. "Boyfriend ko..." nakangiting sabi ni Krysta.


Nakatitig lang sila sa amin, may mali ba sa mukha ko? Sa pagkakaalam ko wala naman at higit sa lahat mas gwapo ako sa kanila, hindi ba madlang readers? TSk. TSk. Bakla naman ata tong mga 'to e...

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon