Chapter 25

932 32 2
                                    

~Deetrey’s Point of View

 

Ilang araw at weeks ko ng sinasabayan si Krysta sa pagpasok at pag-uwi. Ewan ko ba, simula talaga nong pag-uusap namin ni Krystan nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya. May gusto na ba ako sa kanya? Ay mali. Hindi gusto kundi mahal. Mahal ko na nga ba siya?  O nacoconfuse lang ako ngayon? Inaamin ko Crush ko siya pero ewan ko na ngayon. Sa totoo lang parang ayaw ko pang mainlove, hindi naman sa naduduwag ako o natoto----

 

“hey bro may date ka na ba para sa Valentine?” natigil ako sa pag-iisip ng magtanong si Francis.  “Wala pa bro e, at saka wala akong balak makipagdate” sagot ko sa kanya. Tumawa naman sila nila Ads.

“haha. Bro nilalagnat ka na naman ba?” Tanong ulit ni Francis saka hinipo ang noo ko, tinabig ko naman agad ang kamay niya. “Hoy Francisco itigil mo nga yan. Wala akong lagnat no, wala lang akong balak MAKIPAGDATE.”

“Woow. Woow Bro. Wag maging angry, baka maging angry dog ka na diyan” binatukan naman siya agad ni John.. “Ul*l, angry dog ka diyan, baka angry birdy? Hahaha” mga baliw talaga tong mga kaibigan ko. Malapit na naman kasing magvalentine tapos after non bakasyon na naman then magfofourth year na kami sa wakas. Hayyy.

~Krysta’s Point of View

 

“Ay sorry po. Hindi ko sinasadya.” Pagsosorry ko sa babaeng nabunggo ko pagpasok ko ng ladies room. “Anu ba yan. Pwede ba tumingin ka sa dinaraanan mo? Text kasi ng text e.” pagsusungit niya, yumuko nalang ako at hinintay siyang lumabas.

“Ah. Wait. Di ba you’re Krysta Leraine Moreno? Am I right?” Paano niya ako nakilala? Sikat na ba ako? Ang gondo ko nomon.. hoho..  “Ahm. Y-Yes. A-ah. How did you know me Miss?” Pagtatanong ko pero bago siya sumagot ay taas kilay niya akong tinignan  muna pataas-pababa.

“Yeah. Yeah. I just know you. Well, I just wanted to remind you girl, hinay-hinay lang ha, wag magtiwala agad baka masaktan ka. Mahirap na.” bumalik talaga siya sa L.R. (ladies room) para lang sabihin yun saka siya nagwink sa akin. Ang weird ng babaeng yun.

“Kryssie bat ang tagal mo naman sa LR?” Dahil sa malaking question mark sa akin kanina kung anu bang ibig sabihin nung babaeng yun, di ko namamalayan nandito na pala ako sa room namin. “Wala may iniisip lang ako, may nakausap kasi ako sa LR kaninang babae e.”

“Couz malamang babae ang makakausap mo doon, alangan namang lalaki? Haler. Isip-isip din minsan Couz pag may time.” nako. Kung hindi ko lang to pinsan, matagal ko ng tsinugi ito dahil sa pagpipilosopo niya. Pero pasalamat siya dahil mahal ko siya. Hehe.

*****

“Sure ka ba couz? Ayaw mo nalang sumama sa amin ni John? Para di naman malungkot ang araw mo ngayon.”  Valentine na po kasi ngayon at sa totoo lang wala akong date at hindi ko naman pinangarap magkadate. “Oo couz sure po ako, sanay na akong dito lang sa bahay noh kapag Valentine, so gora na kayo para naman madami kayong mapuntahan. Shuu. Alis na.” Pagtataboy ko sa kanila. Wala na silang nagawa kaya umalis na sila. Pagkalipas ng ilang minuto ay may sumunod namang dumating.

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon