Chapter 29

1K 27 0
                                    

~Krysta’s PoV

“Ma punta lang po ako kina Tita Deenise” pagpapaalam ko kay mama. May usapan kasi kami ni Tita na tuturuan niya akong magluto ng Carbonara. Hihihi.. Yummy. Bakasyon na nga pala kasi, wala naman akong magawa dito sa bahay.

“Goodmorning Tita. *Mwuah* Mwuah*” Bati ko kay tita saka humalik sa magkabilang  pisngi niya.

“Goodmorning din Kryssie honey. ^_^, Blooming ka ngayon ah.”

“Nako tita lagi naman po e. hehe.”

“Sabagay. Haha.”

“Nasan nga po pala si Deetrey?”

“Asus. Ke aga-aga Deetrey agad ang hinahanap. Di ba kayo nagsasawa na laging magkasama? Nanliligaw na ba siya sayo?”

“Haha. Si Tita naman palatawa. Hindi po siya nanliligaw, friend lang kami. Hehe” Pagkatapos ng chikahan namin pumunta muna kaming grocery para makabili ng ingredients para sa lulutuin namin, gagawa din kami ng Grahams. ^__^

“Ah Tita, kelan po pala ang birthday ni Deetrey?”

“Hala oo nga pala malapit na din ang birthday niya, sa katapusan na yon. Tulungan mo ako  para iorganize ang birthday party niya. Pwede ba?”

“Sure po tita. I’ll help you po. ^_^” pagkatapos ng pag-uusap namin. Hindi naman kami masyadong matagal sa Grocery store. Niluto na namin ang Carbonara at gumawa ng grahams. Hmm. Delisyoso. Saraaap talaga ng Carbonara. Hihihi. Pinag-usapan na din namin ang gagawin sa birthday ni Deetrey sa April 30, Surprise party siya, ayaw sabihin ng Mommy niya sa kanya dahil siguradong hihindi daw si Deetrey, KJ nga siya sabi ni Tita.

*********

“Hey Deetrey anong gusto mong iregalo ko sa birthday mo?” pagtatanong ko kay Deetrey nandito kami ngayon sa garden namin dito sa may balakyang nakaupo.

“Pagmamahal mo” --__--. Ok. Ang ganda ng sagot niya. Namimilosopo pa rin..

“Kasi naman e. Yong totoo kasi, puro ka biro. Magseryoso ka naman.”

“Seryoso naman ako ah.” Ok. Seryoso nga siya. Ang seryoso ng mukha niya. Humarap siya sa akin. “Krysta alam mo nabuhay muli ang namatay kong puso nong nahanap ko na ang kakambal ko.”

“Napakaseryoso mo. Oh tapos?”

”Kaso akala ko kompleto na siya talaga *he pointed his left chest*, pero may kulang pa pala.”

“Oh ano namang kulang?”

“Ikaw”

“Woow. Lakas talaga ng trip mo no.” Pang-aasar ko pero seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin. >>_<< ano ba itey? Kikiligin na ba me?

Seryoso ako Krysta kaya magseryoso ka din.” Ok payn, wateber. Seryoso kung seryoso. Tskk.

Krysta pwede bang ikaw ang kumompleto nitong puso kong kulang pa? Gusto ko sana ikaw mismo ang pumuno nito. Ayokong hanggang sa kaibigan lang tayo, gusto ko mas higit pa don. Bibigyan kita ng time para makapag-isip sa isasagot mo sa akin, hindi kita minamadali. Alam na din ng kuya mo to, nagpaalam na din ako sa parents mo, pumayag naman sila pero sabi nila nasasayo daw ang desisyon kung ooo ka or hindi, kaya Krysta I’ll be waiting for your answer.” Ok. Kinikilig ako. Ho my gosh.. >>////<<, talagang kinausap niya sila? parang lalabas si puso ko, lakas ng tibok. Anong isasagot ko? Oo o Hindi? Wag nalang kaya muna? patagalin ko pa ng konti? Hehe. Tama. Sabagay he give me time to think naman, tsaka napakabiglaan naman nitong pag-amin niya..

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon