Chapter 43

746 26 0
                                    

Sofia’s PoV~

I was pissed off nong nakita ko si Deejay ng hindi sinasadya sa Mall nong isang araw, kasama niya si Patrick. Oo, tama kayo ng pagkakabasa anak ko ---anak namin--- ni Deejay si Seith. Nabuo si Seith nong mga magsesecond year na kami, nalaman nila mommy na buntis ako dahil nakita nila ang PT ko noon kaya pilit nilang inilayo ako kay Deejay. Alam kong nagkamali rin kami dahil sa murang edad naging mapusok kami. Kinulong nila ako na para bang isang preso sa states, sinubukan ko ring magpakamatay noon para lang pauwiin nila ako. Kalaunan pumayag din sila pero nong kamakaylan lang nila ako pinauwi, naging premature baby pa si Seith buti nalang at nabuhay siya.

Mahal na mahal ko si Deejay. Isa ako sa nakasama niya noong dinukot kami ng mga sindikato, siya ang umalalay sa akin para makatakas kami. Mabait siya sobrang bait. Nong makatakas kami naging close na kami sa isa’t-isa hangga’t mapunta kami sa bahay ampunan, ilang lingo lang ako doon tapos kinuha na ako nila Mommy. Lagi din siyang nagkkwento tungkol sa kakambal niya at maging sa crush niya noon. Kilala ko din ang babaeng tinutukoy niya, yun ay si Krysta na girlfriend ngayon ng kambal niya. Pagmagkasama kami noon laging bukambibig niya si Krysta, marami siyang sinasabi, paano daw kung maghintay si Krysta sa kanya ng matagal sa playground baka daw magalit siya, suplada pa naman daw si Krysta. 

Ang buong akala ko masasabi ko kay Deejay ng maayos na may anak kami, pero mukhang nagkamali ako. Nasaktan ako sa sinabi niyang ‘napakacareless ko’, hindi ko naman  siya masisisi kung ganon ang sasabihin niya. Oo, naging careless ako pero sana naman hindi niya ako pinahiya sa maraming tao. Natakot ako na baka mawala si Seith sa buhay ko at halos maiyak na ako dahil nawala siya sa tabi ko nong nasa mall kami, ayaw kong mangyari sa anak ko ang nangyari sa amin ni Deejay nong mga bata pa kami. Mamamatay ako kapag nangyari yon!

“Sofia anak, may naghahap sa’yo sa baba.” Rinig kong tawag sa akin ni Nanay Violi.

“sunod na po ako nay!” bumangon ako sa pagkakahiga saka inayos ang sarili, baka sila Krysta ang dumating. Dumeretso agad ako sa receiving area namin, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. 

Inagaw ko mula sa kanya ang anak ko. “A-anong ginagawa mo dito?!” tanong ko sa kanya saka dumistansiya ng konti.

“F-fia c-can we talk?” tanong din niya. Ewan ko ba, nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko. Ito na ba ang oras para ipaliwanag ko sa kanya ang lahat? Paano kung hindi siya maniwala na anak namin si Seith.

Ilang segundo kaming nakatayo at nagkatitigan habang si Seith naman buhat-buhat ko habang tahimik na naglalaro ng toy plane niya. Inalis ko ang tingin ko sa kanya. “Fine. Umupo ka diyan.” Sagot ko sa kanya. Umupo naman siya sa couch ganon din naman ako saka inupo si Seith sa tabi ko.

“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya. Tinuro niya si Seith sa tabi ko pero walang lumalabas sa bibig niyang salita.

Napataas ang isang kilay ko sa kanya. “Kung gusto mong itanong kung totoo ba yung sinabi ko nong isang araw? pwes Oo, anak natin siya. Bago pa kami umalis noon buntis na ako sa kanya and  im on my first trimester. Kaya inilayo ako nila Mommy at Daddy dahil ayaw nilang mapahiya daw sa iba naming kamag-anak na sa murang edad ko buntis na ako. Ikinulong na parang preso at halos mapatay ko ang sarili nating anak dahil sa kanila, dahil inilayo nila ako sayo. Biglaan din ang pag-alis namin noon, nagsinungaling sila ang sabi nila pupunta lang kami ng probinsiya kaya pumayag naman ako, yun pala ipupunta nila ako ng states.” Huminto ako saglit para ilagay sa lap ko si Seith. “Ano pang gusto mong malaman?” tanong ko sa kanya.

Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya. “ Hayaan mo hindi naman ako hihingi sa’yo ng suntento para sa kanya, gusto ko lang naman malaman mo na may anak ka. Nakapagdesisyon na rin ako na babalik nalang kami ng states next we----.”

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon