Chapter 44

745 23 4
                                    



Deetrey's PoV~

"Bro san punta mo?" tanong ko sa kakambal kong laging missing in action this past few weeks.

"Dun lang" maikling sagot niya, tinignan ko ang tinuro niya. "Bro anong dun lang? Diyan sa bakanteng loteng yan ka pupunta?" e paano ba naman kasi tinuturo niya yung harap ng bahay namin na bakanteng lote, ano naman ang gagawin niya dun diba?

"Tss. pilosopo!" rinig kong sagot niya saka lumakad na paalis. Problema non!.

"Oh Mamay, Daddy. San din punta niyo?" nasalubong ko kasi sila.

"Magddate lang kami ng Daddy mo, anak. Ikaw muna bahala dito ha. *wink" Anak ng! Ke tanda tanda na nagddate pa dinaig ako ah. Pumasok ako sa loob ng bahay at umupo sa couch. Letsugas naman oh. Ang boring ng buhay, wala kasi si Bee ko. T_T Nasa probinsiya.

"Trey alis muna ako, I'm going on a date with my girlfriend, Vana." Sabi ni kuya Deelan pababa ng hagdan, ano 'to painggitan? Takte!! "Bro, gwapo na ba ako?" tanong niya sa akin at nagpogi pose pa. binato ko siya ng throwpillow.

"T-ngna mo kuya, umalis ka na bago ko sirain kagwapuhan mo at kung ayaw mong makipagdate ka ng punit-punit yang damit mo." iritadong sabi ko sa kanya. Tinawanan lang niya ako saka tumakbo na palabas. -_-, shet langzzz...

Ang boring talaga ng buhay, walang Krysta, walang barkada, ganito ba talaga kapag new year nagbabakasyon lahat? Ayan tuloy pati utak ko naaapektuhan kakaisip sa mahal na prinsesa ko.

"Bee, uwi ka na!!!" sigaw ko dahil sa frustration at hindi ko napigilang magtatatalon sa couch. Ang gay ba? Badtrip naman ohhhh~

*Dingdong

*Dingdong

"Sandaleeeee~" sigaw ko saka ako naglakad ng parang lantang gulay palabas ng bahay. Nasan ba kasi sila yaya? Tss. Binuksan ko ang gate... "Ano yon?" walang ganang tanong ko.

"Ikaw ba si Mr. Deetrey Villacorta?" tanong ng babaeng... medyo mas ahead siguro sa akin ng 2 years?

"Ako nga, bakit?"

"I'm Angel..." 'So?' sabi ko sa isip ko, pero syempre poker face pa rin ako. "...Sister of John Klein" Nabuhay bigla ang natutulog kong kaluluwa sa sinabi nitong mala-anghel na mukha ng babae na kapatid daw ni John. Hindi naman naikkwento sa amin ni John na may kapatid pala siyang maganda edi sana nilig----

"Hey Mr..." kinawaykaway niya ang kamay niya sa may mukha ko na siyang dahilan para matauhan ako.. "Are you listening to me?"

"What did you just say Miss?"

"I said, can I go inside your house? So that I can tell you what's happening to my little brother." Ohhhw. Little brother pala...

"a-ahh.. S-sure. Sige tuloy ka binibini... ^_^"

"Huh?"

"W-wala wala..." Pinapasok ko na siya sa loob saka pinaupo sa may receiving area.

"Gust---"

Pinutol niya ang sasabihin ko..."As I was saying..." with hand gestures pa siya. "...my brother is in Singapore with my Mom and Dad... He's sick, yeah! Acjsabfusafj" habang kinukwento niya ang tungkol kay John parang wala siyang pakialam sa kapatid niya, basta kinuwento niya, yun na. "He has a brain tumor..."

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon