Chapter 24

1K 34 0
                                    

Justine’s PoV

Nandito na ulit ako sa bahay namin or should I say Mansion? Hayyss.  Salamat sa Diyos at ok na ang lahat sa amin, namiss ko itong kwarto ko..pagkahiga ko sa kama ko ay naalala ko yung gabing nag-usap kami nila Daddy noong pasko…

 

*Flashback*

 

 “JK anak, im sorry for what I did. I know dapat hindi kita pinangungunahan kaya sorry anak. Mga ilang buwan matapos kang maglayas ay nalaman ko sa isang worker natin sa Company na kaya gusto ka nilang ipakasal sa anak ng isang magiging business partner sana natin ay dahil nalulugi na ang Company nila at ang balak pa nila ay kapag kinasal na kayo ay uunti-untiin nilang ipapasok sa kanilang account ang lahat ng pera ng kompanya natin, kaya nong nalaman ko yun ay hindi na ako nakipag-ugnayan pa sa kanila at sinabi kong wala ka na talaga.” Paliwanag ng Daddy ni John..

 

“Ok na po yun sa akin. Pero sana hindi nalang maulit dahil baka hindi ko na po kayo tanggapin bilang ama ko.” Nagulat ako sa sinabi ni John kaya naman hinawakan ko agad ang kamay niya ng mahigpit dahil alam kong sa loob loob niya ay galit din siya sa ama niya, sa ginawa nito..

 

“Hindi na talaga mauulit anak, pangako!” umiiyak na si tito, ako ang naaawa sa kanya, kaya naman binulungan ko si John na patawarin na niya ang Daddy niya dahil alam kong matagal din silang nangulila sa amin at alam kong pinagsisisihan na rin niya ang ginawa niya.. kaya naman niyakap nalang ni John ang Daddy niya, parang hindi naman makapaniwala si Tito sa ginawa ni John kaya mas lalong umiyak ito at nagpasalamat.. Pagkatapos nilang magyakapan ay bigla namang nagsalita si Daddy..

 

‘’Anak sorry na, sorry sa lahat ng nagawa ko sayo, sa inyo ni JK (john kleine). Sana mapatawad mo ang Dada “ Dada ang tawag ko sa kanya.. sa totoo lang namiss ko siya.. TT__TT

 

“Baby patawarin mo na ang dada.’’ Mommy.

 

“Pero Mom------”

 

“Anak hindi na kita ipapakasal doon, promise anak. Pinagsisisihan ko na ang ginawa kong pagpipilit pa sayo noon, nagpapasalamat talaga ako dahil naglayas ka..” Ano? Nagpapasalamat pa talaga siya?

“Sorry Justine anak, sorry kung pinilit kita dahil naguguluhan na kasi ako dati dahil unti-unting nalulugi ang kompanya natin, pero buti nalang nandiyan ang JK Company (John Kleine’s Company of his dad) sila ang tumulong sa atin, Sila na ngayon ang business partner natin. Matapos nong pagbobond ng Company natin sa kanila after 2 months sinabi sa akin ng Private investigator ko na alam na daw niya kung nasaan ka, nong nalaman ko yun ay bumibisita ako ng patago pag-uwi mo man sa tinutuluyan niyong bahay o kaya naman sa school, alam ko ding alam ng Mommy mo kung nasan ka pero hinayaan ko lang siya para naman kahit papaano ay maalagaan ka niya ng mabuti at ngayon lang ako naglakas loob na humarap ulit sayo anak dahil nahihiya ako sayo, sa ginawa ko..” Mangiyak-iyak na paliwanag ni Daddy sa akin, ako naman ay hindi na din napigilang umiyak at napayakap nalang ako sa kanya pati si mommy niyakap ko na din..

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon