Chapter 36

853 33 0
                                    

Sofia's PoV~

Nagising ako ng medyo masakit pa ang ulo ko. Nilibot ko ang paningin ko, this is not my room, nasaan ako? Kahit na medyo masama pa rin ang pakiramdam ko pinilit kong bumangon sa pagkakahiga, tinignan ko ang oras alas onse na pala ng umaga. Ugh!

Kinuha ko mga gamit ko na halos lahat basa saka lumabas ng room buti na lang at wala masyadong tao, pababa na sana ako ng hagdan ng may katulong na dumaan sa baba kaya nagtago ako sa may pader.

Nong wala na yung katulong tumakbo na ako pababa at lumabas ng main door, pagdating ko malapit sa gate nakita kong may nag-uusap na dalawang guard. Good thing nakatalikod sila sa may gawi ko kaya madali akong nakalabas, nastiff pa ako ng biglang magsalita yung isang guard kaya nilingon ko buti nalang hindi ako ang kausap yung isang katulong pala nila.

Pagkalabas ko ng subdivision nila pumunta muna ako sa pinakamalapit na pharmacy para bumili ng gamot ko saka pumara ako ng taxi para magpahatid sana sa bahay pero naalala ko may dadaanan pa pala ako. Hindi ko na matatawagan si Manang dahil nasira na ang fone ko, sigurado akong nag-aalala na yun sa akin...

Pagdating ng sementeryo bumili ako ng kandila at bulaklak, buti nalang at alam ko kung saan sila nakalibing. Umupo ako sa may damuhan saka itinirik ang kandila at ipinatong ang bulalak sa ibabaw ng puntod nila.

"Tita, Tito kumusta na po kayo?" usap ko sa kanila. Para akong baliw dito na kinakausap ang puntod nila samantalang alam ko namang hindi sila sasagot.

"Ako? Heto umaasa pa rin na makakausap ko na si Denden. Ayokong mawalan ng pag-asa dahil para sa an---- ay namatay..." bulalas ko ng mamatay ang sinidihan kong kandila.

"Nako Tita, Tito pati ba naman kayo galit sa akin? Wag naman kayong ganyan..." Usap ko sa puntod.. Baka sabihin nila baliw na ako dito..

"Pwede po ba tulungan niyo nalang ako sa kanya? Gustong gusto ko ng ipakilala sa kanya si... Hays speaking of, kaylangan ko na pala umuwi..." tumayo na ako tapos pinampag ko ang shorts ko buti nalang kasiya sa akin tong damit...

"Tita, Tito alis na po ako, siguradong hinihintay na ako sa bahay e... " nagsign of the Cross muna ako bago umalis. Ichecheck ko sana ang phone ko ng maalala kong nasira pala ito.. Hayss...

***********

Nakarating ako ng bahay, medyo nagtakanpa ako dahil parang ang daming tao sa loob e dadalawa lang naman sila. Papasok na sana ako ng may tumawag sa akin...

"F-fia?" nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin, siya yung kasama namin sa mall noon kung hindi ako nagkakamali siya si Krsyta.

"Anong gi----"

"Saan ka galing? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya pagkalapit niya sa akin.

"ah. eh.. A-ayos naman ako... Bakit nga pala nandito ka?" - ako

"Nag-aalala kasi kami sayo, tumawag kasi yung katulong nila Justine sa amin na nawawala ka daw. Buti nalang alam ni Deetrey itong bahay niyo..."

"a-ah ganun ba? Kasama niyo pala siya..." Nauutal na sagot ko... "Sorry Krysta huh..."

"Huh b-bakit ka nagsosorry?" nagtatakang tanong niya.

"Sorry dahil sa akin sa tingin ko hindi kayo ok ni Deetrey. Nagpapatulong lang naman ako sa kanya sana maintindihan mo."

"Ano bang dahilan mo para tulungan ka niya? A-ano ba yun?? kasi hindi niya sinasabi sa akin. Lagi nalang ako nanghuhula sa isip ko kung ano ba meron sa inyo ni hindi ko na siya masyadong nakakasama ni nakakatext hindi rin kahit magkapitbahay lang kami. Naisip ko nga baka hindi niya talaga ako mahal, baka naguguluhan lang siya sa kung anong meron kami."

Crush ako ng Crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon